>> • TOHRU • <<
"Nandito na 'ko—"
Hindi ko na naituloy pa ang pagbati nang makauwi ako dahil sa unang nasilayan ko pagbukas ng pinto.
Nagawi sa 'kin ang tingin nina Papa. Lahat sila'y nakaupo sa sofa, magkakatabi at para bang mayroong malalim na pinag-uusapan bago pa ako dumating.
Unang nahagip ng mata ko si Kuya. Wala na ang karaniwan niyang suot na unipormeng kulay kahel. Sa tabi nila'y mayroong tatlong malalaking maleta.
Nandoon din si Miss Regal, tangan sa kamay ang anak na mukhang nangingilala sa 'kin. Walang anu-ano'y bumigkas ito ng mga salitang hindi ko maintindihan.
"Tohru." seryosong banggit ni Papa. Hindi man niya sabihin, may ideya na 'ko kung ano ang gusto niyang sabihin.
Nangingilag naman ang tingin ni Kuya, halatang naiilang pa rin ito.
"Ayos lang sa 'kin," inunahan ko na siya at nagpatuloy sa pagpanik sa itaas, "Magpapahinga muna ako."
"May dala sila Miss Regal na ulam d'yan sa mesa—"
"Busog pa po ako. Bumili kami ni Wendy kanina ng proben sa may kanto malapit sa university." pahabol ko bago tuluyang tumungo sa kuwarto ko.
Doon na tumambad ang napakaraming blankong bondpaper na nakatambak sa mesa. Sobrang gulo na rin ng bulletin board na nakalagay sa ibabaw ng study table ko dahil sa napakaraming naka-pin na sticky notes at mga papel para sa mga nagamit kong ideas.
Tamang-tama at may nahiram akong catalogue kanina sa kaklase kong nag-a-alok ng mga damit sa iba pang kasama namin. Nag-a-alangan pa ito noong una dahil hindi naman daw ako bibili, pero sa huli, pumayag din siya noong basta nakipagkasundo siya na bibili rin ako. I have no other choice but to seal the deal since the designs in her catalogue looks promising.
This will be a good reference.
I started scribbling lines for starters. Hindi pa man ako nangangalahati sa pagguguhit ay nakarinig ako ng malalakas na katok sa pinto.
"Hindi 'yan naka-lock." sagot ko na lamang nang hindi tinitingnan kung sino iyon.
"Tohru."
Isang salita pa lamang ang binibitiwan niya pero ramdam ko na agad ang awkwardness sa pagitan namin. Kitang-kita ko sa sulok ng mga mata ko na inililibot niya ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ko.
"Pasensya na hindi ko na gaanong nalilinis yung kwarto ko. Marami kasing gawain sa university." wika ko at pasimpleng kinuha ang pambura at nagkunwang may binubura sa papel.
"A-Ahh. Ayos lang. Disente pa rin namang tingnan yung kuwarto mo." ani nito.
Parang doon pa lang ay natapos na agad ang usapan, at lalong tumitindi ang nararamdaman kong pagkailang. Ni sa hinagap ko ay hindi ko naisip na makakausap ko siya nang hindi nararamdaman ang lamig sa tono niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya at lumapit pa sa mesa. Umakto akong nagdodrawing ng anatomy kahit na ang totoo'y tumitingin-tingin lang ako sa catalogue kanina.
Pigil ang hininga ko habang pinakikiramdaman kung tinitingnan niya ang ginagawa ko.
"A-Ang galing naman..."
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...