Chapter 23 - Crossroads

34 2 0
                                    


>> • LAUREN • <<


"Should I make my own YouTube channel? Maraming nag-me-message sa 'kin na gusto nila akong gumawa." wika ni Tohru. "Kinukumusta nga rin pala kayo ni Papa. Kung naghahanap daw kayo ng makeup and hair stylist puwede raw na sila na lang yung kuhanin ninyo. Libre na lang daw sa inyo."

"That sounds nice. But nakakahiya sa Papa mo since source of income niya 'yon. Puwede naman namin silang kuhanin tapos babayaran na lang namin yung service." sagot ko.

"Ano ka ba naman, Lauren? Para naman kayong others. Tuwang-tuwa nga sa inyo si Papa. Sabi niya gusto raw niya yung kulay ng highlights ni Wendy then halata raw na inaalagaan mo ng ayos yung buhok mo." aniya.

Napayuko na lamang ako sa sobrang awkward. Hindi ko naisip na makikita at mapapansin pa ng Papa niya iyon. I don't think that's the kind of topic Tohru and his father talks about when they're alone together.

By the way, mula noong ini-release ang interview at ang magazine issue ngayong buwan ay marami-rami nang kumokontrata sa Sewing Club para sa paggawa ng costumes at clothing designs.

Bawat araw ay umaayos na ang kalagayan niya. Noong nagka-field trip ay tinanggal na niya ang arm sling na nasa kaniyang magkabilang braso at hindi inalintana ang pagkakakita ng iba sa kaniyang mga paso at kagagaling lamang na mga sugat.

Gaya ng mga karaniwang araw ay nagtipon kami sa cafeteria upang sabay na kumain. Pakiramdam ko'y matagal na rin mula noong mangyari ulit 'to dahil sa sunod-sunod mga pagkakataon na pumipigil sa mga schedule namin.

"You should give vlogging a shot. Baka mas makatulong pa 'yon sa career mo kapag naka-graduate ka na sa Astra." wika ni East.

"I don't recommend it. Palaging may kumpetisyon kahit saan sa social media. Gagawa at gagawa ng paraan yung iba para siraan ka habang ginagamit yung pagkakamali mo laban sa'yo." pagsalungat ni Wendy. "Pero nasa sa'yo pa rin yung desisyon. Career mo naman 'yan. Kailangan mo lang mag-ingat sa sasabihin at ikikilos mo."

"Have you uploaded a new content?" tanong pa ni Tohru.

"Not yet. Even though there's an intangible paradigm cliché wherein the offending vloggers make another new content right after their apology video to cover-up for their mistakes, it doesn't sit right with me when I think of doing that." dahilan niya. "Minsan naiisip ko na lang na isara yung channel. Or maybe mag-a-upload na lang ako ng content kapag medyo kalmado na yung mga tao about sa recent issue."

"May nakita akong poster sa bulletin board kanina—"

"Hoy, Baldo! Dito ka na maupo!" West slightly leaned sideward and waved his hand at someone. Lumingon naman ako sa direksyong kinakawayan ni West at nakita si Baldo na may hawak na tray at taas-noong naglalakad sa direksyon namin.

Ang akala nami'y tatalima siya ngunit nilagpasan lamang kami nito. Naupo siya sa table na nasa sulok at mag-isang kumain doon.

"Still the hostile treatment, huh?" dahan-dahang ibinaba ni West ang kaniyang braso at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"You're dense if you think we're friends in his point of view." sabat ni Wendy at humigop ng sabaw sa mangkok. "Ang tabang. Mukha ring na-overcook yung sahog."

"Then don't eat it." wika ko.

"Don't be absurd. My father went through all the trouble to prepare this. I don't want to waste his efforts especially when I know that he's trying his best to improve his cooking for me everyday." angil niya at humigop muli sa mangkok.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon