Chapter 8 - Trouble

67 3 1
                                    


>> • TOHRU • <<


Bakit kailangan pang mangyari 'to?

Pilit akong umiling. Kaya ko 'to. I don't need to bother them again. Ayokong magpabigat sa kanila.

Seeing the notice posted on the door of the Sewing Club's Clubroom gives a nerve-wracking feeling since yesterday when I first laid my eyes on it. Agad kong kinuha ang papel na nakadikit doon.

Looks like nobody from our club even noticed it.

Hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang issue. I'm not the president of the Sewing Club, but I'm one of the respective officers so I need to relay the information to my club members.

Breaktime ngayon at katatapos lamang ng surprise quiz ni Madame. She's always giving her students the hard time for the reason that hindi na kailangang i-babysit ang mag-aaral.

"Psst! Bakla!"

Ignore them. Ignore them.

"Hoy! Bakla! Bingi ka na rin ba?"

Nilagpasan ko lamang ang mga lalaking nakasandal sa may hallway na dinadaanan ko. Wala naman akong mapapala kung papansinin ko sila, ika nga nila Lauren.

Diretso lamang ang tingin ko sa daanan ngunit para bang umikot na lamang ang lahat nang maramdaman kong may humawak sa mga balikat ko at ihinarap ako sa kanila.

"See? He's wearing lipbalm again." tinakpan niya ang kaniyang ilong. "What's that smell? Candy?"

Naramdaman kong hinawakan ng isa sa kanila ang kamay ko at hinaplos-haplos iyon. Agad ko iyong binawi mula sa kaniyang pagkakahawak.

"Ohhh, his hand's soft. Are you using baby lotion?" tila ba nang-a-asar na tanong nito.

Isinuksok ko ang kamay ko sa loob ng aking blazer at nang makapa ko na ang hinahanap ko ay agad ko itong inilabas at winawagayway sa mga mukha nila.

"Sobrang o-oily ng mga mukha ninyo. Mukhang kailangan ninyo ng baby wipes." wika ko.

Umamba ang isa sa kanila na sasapakin ako dahilan para mapaatras ako. Naghagalpakan naman sa pagtawa ang mga mokong.

"Bakla nga. Bawal bang magasgasan ang balat ng sirena natin kaya kumakapit sa baby wipes? Bet you can't even carry heavy things, feminine dude." pang-i-insulto pa nila.

"Hindi ba ninyo matanggap na mukha kayong dugyot kaya yung may mga personal hygiene ang binubulabog ninyo?"

Pare-pareho kaming napalingon sa likuran at nakita si Wendy. Nakakrus ang mga braso at nakataas ang isang kilay.

"Why do you care?"

"Earlier, one of my friend incapacitated Baldo and is now bedridden at the clinic. Gusto niyong sumunod? Sakto, maraming bakanteng higaan doon. I can do you the favor." diretsong saad niya habang pinapatunog ang kaniyang mga kamao.

"You're lying. There's no way he can be-"

"Pwede niyo namang tingnan kung gusto ninyo." mungkahi ni Wendy dahilan upang magsi-alisan ang mga lalaking umaaligid sa akin kanina.

"Sounds lame to brag about things na hindi ako ang gumawa." turan pa niya at tumingin sa akin. "You look like you pressed your face in the blackboard with an unsolved mathematical equation."

"What?"

"You look problematic." aniya at hinablot sa mga kamay ko ang notice. It took her few seconds to read and pinned the paper in my chest.

"Hindi mo kami sinabihan." taas-kilay niyang tanong.

"Ngayon ko lang nakita." palusot ko.

"So, you got a plan?" pang-u-usisa niya.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon