Chapter 16 - River of Bad Blood

4 2 0
                                    

>> • BALDO • <<


That certain date on the calendar that is marked with a red circle on it finally came.

"Susunduin ulit kita mamaya. May daraanan lang ako sandali." wika ko at ibinaba na ang tawag. Ikinandado ko na ang pinto sa apartment ko at dali-daling pumunta sa parking area upang kuhanin ang motor ko.

"Baldo! Teka lang hijo!"

Napahinto ako sa paglalakad at nakita ang landlord na tumatakbo papalapit sa 'kin. Hirap na hirap itong dalhin ang sarili dahil na rin sa katandaan at sa 'sobrang' lusog nitong pangangatawan.

"May maida-down ka ba ngayon? Nasa hospital kasi yung anak ko. Kailangan niyang mabilhan ng isa pang bag ng dugo." nahihiyang tanong nito. "Sinubukan ko ring singilin yung ibang overdue na pero di pa rin nagbabayad, kaso wala talaga akong mahita sa kanila at panay sa isang buwan pa raw sila makakapagbayad."

Kinuha ko sa bulsa ang wallet ko at nag-abot ng kahit tatlong libo dahil iyon lang ang mayro'n ako ngayon. Sa katunayan, mas marami pa ang mga resibong mayroon ako kaysa sa aktwal na pera.

"Pasensya na at napilitan pa akong manghingi sa 'yo ng pang advance. Kailangan lang talaga." pagpaumanhin niya.

"Wala po 'yon. Pakikamusta na lang ako sa anak niyo." wika ko at nauna na.

"Sige, pasensya ulit sa abala. Ie-extend ko na lang yung deadline ng renta mo kung sakaling di ka makapagbayad agad. Salamat ulit, hijo." pahabol niya.

I'm planning to buy flowers, but maybe I should just come up with an alternative gift. That person's not picky so I guess anything will work.

After revving the engine, I stopped by a variety store to at least bring something for compensation. It took me only thirty minutes before arriving to my destination.

There's not that much people when I came. As others are busy minding their business while lighting up candles or cleaning their premise, they never minded even if I entered while riding my motorcycle.

This wouldn't be the ideal place for him since he hates quiet places. Rather than adapting to it, he'd prefer starting ruckus.

Pinatay ko na ang makina at ipinarada sa tabi ng isang puno malapit sa 'kin ang motor. Sa sobrang sikip ng mala-eskinitang pasikot-sikot patungo sa himlayan niya, muntik pa 'kong maligaw kung hindi dahil sa direksyon na itinuro sa 'kin ni Agnes. Public cemeteries sure are stacked like cabinet drawers topping graves with another as long as there are still free space left.

Maya-maya'y natanaw ko nang nakasalampak sa semento ang isang kulot na babaeng nakatalikod at nakasuot ng pulang jacket at leather pants, sa harapan ng lapida ni Carlos. Sa tabi nito'y may nakalapag na bouquet ng bulaklak at bola ng basketball. Natunugan niya atang papalapit ako kaya bigla siyang lumingon.

Akala ko'y makikita ko na naman siyang namumugto ang mata kasabay ng paulit-ulit na pagsinghot sa kaniyang sipon, ngunit seryoso niya lamang akong tiningnan.

"Tumaba ka." bungad ko sa kaniya.

"Tse. Nandito ka ba para pansinin kung tumaba ako?" asar na saad nito at inialis sa tabi niya ang mga bulaklak upang ilagay sa harapan ng lapida. Inilapag ko roon sa tabi ng mga bulaklak ang isang kahon na may lamang pakete ng orange flavored Zest-O.

"Hindi siya umiinom ng gan'yan." puna pa niya sa dala ko nang makita ito.

"Puwede na sa kan'ya to ngayon." sagot ko. "Gusto ko rin siyang bwisitin para makabawi sa lahat ng panggugulong ginawa niya sa'kin noon."

"By the way, I think I need to move out for a while." she blurted out of the blue.

"Bakit? Wala ka nang pambayad ng renta?" tanong ko pa ngunit binatukan niya lamang ako.

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon