>> • LAUREN • <<
Just when we thought things couldn't get any worse, the optimism was striked down immediately this morning. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari. Gustuhin ko mang ibaling sa klase ang atensyon ko ay hindi ko magawa dahil masiyadong malala at naging malaki ang epekto sa akin nito kanina.The words of our teacher for this period only fell for deaf ears. I kept on staring at her close and open her mouth while making reactions that she's not aware she's making.
I spun the pen that I'm holding and glanced at the blank notes that lies untouched on my desk.
"Nasaan si Wendy?" matigas na tanong ni Tohru nang dumating ito sa Archives' Section kinaumagahan. Napatingin kaming lahat sa kaniya, maski si Baldo na gaya noong ibang araw ay nakasiksik sa isang sulok at abala sa kung ano mang kaniyang ginagawa.
Nagkatinginan kami nila East at West. Alam namin sa isa't-isa na mayroong nangyari. Bihira naming makita na ganoon ang reaksyon ni Tohru. Para bang handa itong kumprontahin ang kahit sino.
"Hindi pa rito dumadaan si Wendy." pangangatuwiran ni East. "May kailangan ka ba sa kaniya."
Hindi ko maiwasang mapatingin sa braso ni Tohru na ngayo'y natatakpan na ng kaniyang blazer. Masisilip pa rin sa may laylayan nito ang bendang ipinambalot niya sa kaniyang mga paso.
Doon na ako natigilan. Nabaling ang tingin ko kay Tohru na ngayo'y punong-puno ng pasa ang pisngi. Lalo akong tinamaan ng kuryosidad dahil alam kong wala iyon kahapon.
"Anong nangyari sa mukha mo, Tohru?" tanong ko sa kaniya.
Natutop naman ako sa aking kinauupuan nang hindi niya sagutin ang sagot ko at tumalikod sa amin upang umalis. Sakto namang dumating si Wendy na nagkukusot pa ng mata.
Mukhang napansin niya ang tensyon sa ere kung kaya't natigilan din ito sa kaniyang ginagawa. Nang makita niya ang mga pasa sa mukha ni Tohru ay awtomatiko itong nagulat.
"Anong nangyari sa'yo? Saan naman galing 'yang mga pasang 'yan?" tanong niya at akmang hihipuin pa nito ang mha iyon ngunit mabilis na tinabig ni Tohru ang kaniyang mga kamay.
"Anong ginawa mo?" may halong kapaitang tanong ni Tohru sa kaniya. Nagugulumihanan namang tumingin sa kaniya si Wendy, mistulang walang ideya sa sinasabi nito.
"Anong ibig mo-"
"Huwag ka nang magmaang-maangan, Wendy. Akala ko ba nagkaliwanagan na tayong lahat na hindi ko muna itutuloy yung paggawa ng mga design?"
Napamaang na lamang si Wendy. "Hindi ko maintindihan-"
Napabuga na lamang ng hangin si Tohru at binalingan siyang muli. "Tinawagan mo si Papa, hindi ba?"
Tila ba napipi si Wendy sa narinig. Wala kaming alam nila West sa kung anong nangyari kung kaya't napagdesisyunan muna naming makinig sa buong kuwento.
"Bakit mo ginawa iyon, Wendy?" tanong pa niya.
Napayuko na lamang si Wendy, kagat ang ibabang labi. Ilang sandali pa'y tinitigan niya ito ng diretso sa mata.
"I did it for you." diretsong sagot niya. "Wait for long-ass years to pass by until the opportunity comes to you? Don't give me that! Your brother will kill your dreams before that time even comes!"
"Ano bang nangyayari rito?" seryosong tanong ni West.
Idinuro ng nangngingitngit sa galit na si Tohru si Wendy, dahilan upang magdulot ng labis na pagkabigla sa aming lahat. "Tinawagan niya si Papa. Tumawag si Papa sa bahay at si Kuya ang nakasagot sa tawag. Ang akala ni Kuya ako ang tumawag kay Papa. Ginulpi niya ako."
Napasapo na lamang ako sa aking ulo. Of course, that would be the worst option to take. All of us knows how Tohru's brother, Anthony, loathed their father so much that it makes him feel sick just by hearing its name.
I don't know what's going on Wendy's mind when she did that, but I can't bear to watch them like this.
"Listen to me, Tohru! You don't deserve that hell-"
"You don't have the right to decide what will be good and bad for me, Wendy. Akala ko pa naman ay maiintindihan at tatanggapin mo ang desisyon ko. Akala ko gumagawa ka ng mga desisyon pagkatapos mong timbangin ang lahat ng sitwasyon." Tohru disappointingly shooked his head. "Nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo. Looks like I overestimated you."
"Tohru, you need to understand that Wendy tried to-"
"Ano? Kakampi ka sa kaniya, Lauren?" I can see the rage in Tohru's eyes as those fiery glares turned to me.
"Walang mangyayari kung magsisigawan tayo rito. Bakit hindi kayo kumalma?" pagpipigil sa kanila ni West, ngunit maski siya ay hindi rin pinatawad nito.
"Sa tingin mo ba gano'n na lang 'yon? Kakalma kami tapos magiging ayos na agad ang lahat?" asik ni Tohru at idinuro muli ang nakayukong si Wendy. "Kung hahayaan ko lang na idadaan sa pagiging kalmado ang lahat, sasamantalahin lamang ng mga kagaya niya ang lahat ng pagkakataon na hinahayaan ko silang gawin ang gusto nila."
"Sumusobra ka na, Tohru-"
"It's okay, West. I deserve this. Hindi na sana ako nakialam." pilit ang ngiting pagpigil sa kaniya ni Wendy.
"Ngayong narealize ko na hindi ko pa rin kayo gano'n kakilala kahit na ilang taon na rin ang pinagsamahan nating lahat." sunod namang bumaling si Tohru sa amin, "Mas mainam siguro kung tumiwalag na ako sa tropa. Tutal mukha lang namang naglolokohan tayo rito."
"You're wrong, Tohru-" pilit na paghahabol ni East. "You shouldn't decide hastily! Maybe we can still fix this-"
"There's no way all of you can fix this! The more na nag-i-i-stay ako kasama ninyo, lalo lang akong napapahamak!" sumbat niya.
"I'm sorry, I thought your dad is the only option that remains to save you from him. I did it without thinking what will happen beforehand..I'm sorry.." lalo pang napayuko si Wendy sa harapan ni Tohru.
That's not true...
"Let me correct that. Maybe there's a way all of you can fix this." dagdag pa niya. "We can just get back on playing strangers, way back before the time that I met all of you."
Para bang tumigil sa pag-inog ang mundo. In a snap, everything shattered into pieces. Nanatili lamang akong nakatayo roon, kahit na gusto kong ipagpilitan na nagkakamali siya. Gusto ko siyang habulin, pero alam kong hindi niya rin ako pakikinggan.
"You know that I hate sounding like a selfish human, but all of you left me no choice. You'll kill my dreams before my brother can." aniya at padabog na isinara ang pintuan.
"Everything that my father told me is true. Not every good deed will be beneficial to everyone. I thought I'm saving him from that quicksand, but it seems that I only made him sank deeper." Wendy sat on the couch, with a glint of guilt in her eyes.
"We can't just let Tohru go like that." wika ni West.
"I don't know what's right or wrong anymore." tugon ni Wendy. "The more na gumagawa tayong paraan, the more na sinasakal lang din natin siya habang ipit siya sa sitwasyon."
"Ngayong alam ng Kuya Anthony niya na nako-contact pa rin ni Tito si Tohru, posibleng mapapadalas yung pananakit nito sa kaniya." napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao ni East na nakalapag sa kaniyang mga hita.
"Wala na tayong magagawa para baguhin iyon. Nangyari na ang hindi natin inaasahang mangyayari." wika ni West. That carefree tone of his stepped on one of the seemingly landmines of my patience. These are one of the situations where I hate his guts.
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...