>> • LAUREN • <<
I was staggered upon the extravagant decoration that made it seem like the Archives' Section was never a part of the library. At that moment, I only have one question in mind; what's the occasion?"Anong meron?" tanong ko. Napatingin naman sa 'kin sina West at East na abala sa pagkakabit ng letter garlands sa itaas ng isang shelf. Sinusubukan kong basahin ang mga letra nito ngunit hindi ko makita ng maayos dahil sa nakaharang si West.
"We're preparing." paglilihim ni East at muling tinuro kay West kung pantay ang pagkakakabit nito ngunit muling naudlot nang dumating sina Wendy, Aero at Tohru. Naupo ito sa kani-kaniyang puwesto na para bang wala lang sa kanila ang pagbabago sa silid.
Sa kabila ng pagdududa, nanatili na lamang akong tahimik sa isang sulok at tumingin sa mga litrato na nasa Gallery ko. Napansin ko na hindi pa pala nabubura ang picture ni Baldo na umiinom ng buko juice. Akmang ide-delete ko na ito ngunit naisip ko, baka magamit ko 'tong litrato na 'to in the future.
"Hey, whatcha doin'?"
Halos mapatalon ako sa upuan nang marinig ko ang boses ni Tohru na nasa tabi ko na pala at nakikisilip sa phone ko. Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa aking likuran at hinarap siya.
"Something's weird about you today, and also the other day, and the day before." puna niya at ihinilig ang kaniyang ulo sa kaniyang braso na nakapatong sa sandalan sa sofa.
"I-Is that so?" hindi ko mapigilang mautal habang nakatitig sa mukha niya. "Must be your imagination."
Nangilag naman ako nang bigla niyang kapain ang noo ko, pati ang leeg. "Wala ka namang sakit, pero ang putla mo."
"Hindi kasi 'yan kumakain ng gulay. Kakacellphone mo rin 'yan." sabat ni Wendy na nagseset-up ng camera. After she won as the champion of the Shortfilm Category last Arts Festival, she's starting to work on again on her vlogs, although she doesn't seem to be uploading anything yet of the moment.
"Ano namang kinalaman ng pagce-cellphone ko rito?" tanong ko.
"Gusto mong malaman?" tanong ni Wendy.
"Kumain kang halaman—whoa, ah!" sabat naman ni West ngunit hindi niya natapos ang sasabihin nang ugain ni East ang maliit na hagdan na tinutungtungan nito.
"What was that for, East?" nagtatakang tanong ni West, "Muntik ko nang mapunit yung letter garlands!"
"Ayaw mo kasing magfocus sa ginagawa mo." saad ni East.
"Kapag nagpatuloy ka sa kaka-cellphone, magiging kapareho mo 'to." aniya at itinuro ang walang kamalay-malay na si Aero.
"Wala akong problema sa inyo, pero kayo mukhang meron. Puwede naman natin 'yang pag-usapan.." tila ba lutang sa ere na saad nito ngunit hindi pa rin bumibitaw sa hawak niyang manga.
"Hindi naman kita nilalait. Sadyang sinasabi ko lang na kapag hindi tinantanan ni Lauren ang pagtutok niya sa phone niya magdamag, baka magaya siya sa'yo na malaki na ang mga eyebags." palusot ni Wendy at umusod papalapit kay Aero. May kung ano itong ibinulong dito, at sa isang iglap ang matamlay na mukha ni Aero ay napalitan ng pagkasigla.
"She's right. Hindi ka dapat magpuyat kung ayaw mong walang magkagusto sa'yo." aniya. He's completely off the track of the conversation.
"Does it seem weird to you that Aero keeps on talking about love and whatnots lately? Not only that, he kept on sitting beside you with a wide grin in his face." mahinang bulong ni Tohru. Napaatras naman ako ng bahagya dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko rin ang paghinga niya sa may tainga ko habang nagsasalita ito. "Hinala ko lang 'to, pero mukhang crush ka ni Aero."
BINABASA MO ANG
Aurora Borealis
Teen FictionDreamland doesn't draw bounds and instead draws infinite possibilities. That's what the basketball prodigy, Lauren Esperaunce Vergara, believed about her dream even if what she encounters on her way are just nothing but misfortunes. Would meeting dr...