Chapter 45 - Windowside Romance

6 2 0
                                    

>> • WENDY • <<

Why do magical moments end faster than the melancholic ones?

These things were the ones I thought would stay as a dream that I'll soon forget after waking up. As someone who feels lethargic by watching dramas, you won't be able to grasp at the mood until you're already at the scene itself.

East's quirk about being dramatic seems to adapt to me. I'm getting too emotional about things lately.

I waved goodbye to him as he drove his new car away. Tinanaw ko lamang siya hanggang sa tuluyan na siyang makalayo.

Pagpasok ko sa gate, hindi ko maiwasang matanaw ang bintana na katapat ng pader na bakod. Those walls weren't there before.

"Maglalaro na naman kayo ng lutu-lutuan? Ang tatanda niyo na, ah?"

A boy wearing a white sando with faded vintage design on it approached us, holding a toy top on his right hand. He has that annoying look in his face enough to make you punch him for no particular reason.

"Manahimik ka, Kuya." saad ni East na abala sa paghihimay ng dahon.

"Sabay lang tayong pinanganak. Sinong tinatawag mong kuya, ha?"

"Anong gusto mong itawag ko sa 'yo, Ate?"

"Bakit ka ba nangingialam sa ginagawa namin ha? Epal mo naman." sabat ko at tinaasan siya ng kilay.

"Anong pakialam mo? Gusto kong makialam eh— bakit ka naninipa, East?"

"Umalis ka nga rito. Hindi naman ako nakikialam kapag naglalaro ka ng trumpo, ah?"

Mabilis itong nakalapit kay East at kinalabugan ito.

"Ouch, bakit ka nangangalabog? Umalis ka nga, Kuya. Nananahimik kami rito tapos nanggugulo ka. Bakit 'di ka sumama ro'n sa mga naglalaro ng trumpo?" hiyaw nito sa kaniya.

"Mga mahihina naman maglaro ng trumpo mga 'yon. Palagi kong natatapyas yung trumpo nila kahit tadtad ng thumbtacks."

Hinagod ko ang likuran ni East, "So what? Wala kaming pakialam. Shoo!"

Sinipa niya ang baong napulot namin ni East at tumilapon ang laman nitong tubig na may mga talulot ng santan. Ikinalat niya rin ang mga dahon ng bayabas na pinagkahirapan naming pitasin sa kapitbahay kanina.

"Tara na nga, East! Nababaliw na ata 'yang kuya mo."

Inakay ko si East papalayo na malapit nang umiyak dahil sa ginawa ni West. Inirapan ko lamang ang lalaking iyon bago kami naghanap ng bagong puwesto kung saan puwedeng maglaro.

"May cute akong kaklase sa Academy. Ang bango-bango niya tapos palagi siyang nanghihingi sa 'kin ng pulbos." abot-tainga ang ngising kuwento ni East habang nasa ilalim kami ng puno ng santol sa tabi ng bahay nila.

"Anong pangalan?" nagkunwa akong interesado kahit hindi ko rin naman kilala kung sino ang tinutukoy niya.

"Toni. Mayro'n pa siyang second tsaka third name. Kahapon sa room, nakita niya 'yung mga notebook ko na may butterfly stickers tapos nanghingi siya sa 'kin ng kaunti kasi ilalagay din daw niya sa notebook niya."

Aurora BorealisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon