(NAPAKAMOT sa ilong si Leonard bago maisipang magtanong. "'Yun na ba 'yung naging encounter mo du'n sa statue ng witch?"
Huminga ng malalim si Adrian saka umiling. "May mga sumunod pang nangyari. Mas malala pa nga eh."
Tumitig si Adrian sa campfire na nasa harap nila na parang duon sinisilip ang mga detalye ng mga pangyayari sa kinukuwento niya.)
Hindi ko agad napansin na may nagbago sa Nanay ko buhat nung sumama siya kay Mang Berto para iligtas ako sa panganib sa kubo ni Apo Tudlay. Basta't napansin ko na lang na palagi siyang tulala. Aakalain mo na may kung anong problemang iniisip. Pero wala namang problema with regards du'n sa pagtatayo ng resort namin. She even finally thought of a name for the resort. 'Yun ngang Amaya. In honor of my grandmother's name na namayapa na.
'Yung mga initial kong theories walang tumama lahat. Kasi ang totoong reason, dinadalaw ni Apo Tudlay si Nanay sa panaginip halos gabi-gabi.
Nalaman ko nang minsan mahuli ko si Nanay na nag-i-sleepwalking. Magmamadaling-araw na nu'n pero hindi ako makatulog. Nagke-crave kasi ako ng matamis. Bumangon ako at lumabas ng kuwarto para pumunta sa refrigerator. Nakalimutan ko na kung ice cream ba o mga Cadbury chocolates 'yung naka-stock sa ref namin. Chocolates 'ata. Basta ang natatandaan ko, kumakain na ako habang nakabukas ang ref nang makita ko ang Nanay ko, naka-nightgown at naglalakad papunta sa labas. Pinasok ko agad 'yung kinakain ko sa ref at sinundan agad si Nanay kahit medyo nakakaramdam ako ng takot. First time ko lang kasi nakita si Nanay nang ganu'n.
Sinundan ko siya. Naabutan ko si Nanay sa tapat ng bukas na pintuan. Nakatingala sa langit. Nasa tagiliran niya ang mga kamay pero nakabukas ang mga palad. You would think that she was giving herself up to someone pero hindi ko nakikita. Sa sobrang takot ko na may kumukuha sa Nanay ko, niyakap ko siya sa beywang at halos umiiyak ako na tinatawag ko siya ng , "Nanay, nanay ko!"
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
TerrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...