NAKARATING din sila sa camp site sa may kalakihan na clearing. Hapong umupo si Luigi sa isang malaking tipak na bato. Magkatabi namang umupo sina Leonard at Benjamin sa isang malaking trunk ng puno na nakapuwesto sa gitna ng clearing. Nagpalagay si Leonard na bimpong pangsapin sa likod niyang namamawis kay Benjamin habang umiinom siya sa dalang niyang bottled water.

"Pssst!" Tawag ni Luigi sa dalawa. "Ang sweet n'yo namang dalawa. Alam na ba ni Fara 'yan?"

"Ang lakas namang mang-asar nitong kaibigan mo, Benjamin." Parang nagsusumbong na sabi ni Leonard sa katabi. "Babatuhin ko na 'to ng iniinom kong tubig."

Sumimangot si Benjamin. Kinuha ang bimpo na sana'y ipangsasapin sa likod ni Leonard at lumakad palapit kay Luigi.

"Since mukha namang naiingit ka sa amin, ayan!" Sabay lagpak ng hawak na bimpo sa mga hita ni Luigi. "Ikaw na ang magsapin n'yang bimpo sa likod ni Leonard." Saka lumakad si Benjamin palayo sa kanila.

"Huy, Benjie! Ang KJ mo naman! Binibiro ko lang kayo!" Habol na tawag ni Luigi.

Lumapit din si Leonard kay Luigi, kinuha ang bimpo sa binti nito sa malakas na ipinitik ang bimpo sa hita ng lalaki.

"Aray! Ang sakit nu'n!" Sigaw dito ni Luigi.

Natatawang sinundan ni Leonard si Benjamin na nakatanaw sa maliit na kubo sa gilid ng clearing kung saan may kinukuhang mga tent bags si Adrian sa isang shelf. Saka ito lumapit sa pintuan ng kubo at inabot ang isang tent bag kay Benjamin. "Set-up na natin 'yung tent habang may araw pa. Dito kayong tatlo ng mga kaibigan mo. Eto namang isa sa 'min ng professor n'yo at ng anak niya." Sabay taas ni Adrian ng isa pang tent bag na hawak nito.

Kaagad silang nagsimulang mag-set up ng kanya-kanyang tents. Lumapit si Cassandra kay Professor Soriano na katulong si Adrian sa pagsuksok ng poles sa flaps ng gagamitin nilang tent.

"Papa, can I help you?" Tanong ni Cassandra na yakap-yakap pa rin ang Pusheen Cat stuff toy nito.

"Papa already covered this." Nakangiting tugon ng propesor. "Ganito na lang. Gather some sticks that we could use for our bonfire later. Pero wag kang magdala ng mabibigat. 'Yung kaya mo lang. And don't stray too far. Can you do that?"

"Oo naman, Papa." Inilapag muna ni Cassadra ang stuff toy nito sa isang blanket katabi ng mga dala nilang bags. Nakalabas at nakahilig din ang iPhone ng propesor sa mga bags, naka-open ang Spotify app at kasalukuyang tumugtog duon ang kantang A Hard Day's Night ng The Beatles.

Nadaanan ni Cassandra sina Luigi, Benjamin at Leonard sa paghahanap niya ng mga sticks na gagamitin sa bonfire. Naglalatag pa lang ng tarp at nile-lay out pa lang ni Leonard ang tolda na gagamitin nila habang sina Benjamin at Luigi ay pinagdidikit ang mga poles na kakailanganin para tumayo ng maayos ang kanilang tent.

"Gusto ko talagang puntahan 'yung trail na nadaanan natin kanina." Nasambit ni Luigi habang nagkakabit ng mga poles.

"'Yung papunta sa bahay ng mangkukulam? 'Di ba bawal nga? Marami daw mga ahas at may baboy ramo pa." Saway ni Benjamin dito.

Sinulyapan saglit ni Luigi si Adrian na unti-unti na ngayon itinatayo ang tolda nila saka umingos. "Nananakot lang 'yan para hindi tayo pumunta."

"Bakit? Ano bang meron du'n sa bahay ng aswang? Saka 'di ka ba natatakot na baka makain ka? 'Yang chubby mong 'yan, matutuwa 'yun sa 'yo." Usyosong tanong ni Leonard na lumapit na sa kanila.

"Hindi aswang, mangkukulam! Sira! Kinuwento na sa 'tin 'yun ni Professor Soriano nung downtime sa class. 'Di ka kasi nakikinig kaya puro ka tanong." Yamot na sagot ni Luigi.

"Kahit na witch lang 'yun, pwede pa rin 'yun manakit. Bulungan ka lang nu'n, may mga insektong puwedeng lumabas sa katawan mo." Ayaw paawat na salag na sagot ni Leonard.

"Hindi ka na masasaktan nung witch kasi matagal na daw patay 'yun. Centuries ago pa. Ang meron na lang daw du'n sa bahay ay parang shrine. Pero haunted daw 'yung place. Kaya nga gusto kong puntahan. Sabi kasi nila, 'pag haunted daw ang place, meron daw nakatago na kayamanan."

"Kung nagbabalak kayong pumunta, 'wag n'yo na akong isali. Mahina ako sa mga scary stuff na ganyan. At wala akong balak na makipag-close encounter sa multo." Inform sa kanila ni Benjamin na itinuloy ang ginagawang pagdidikit ng mga tent poles.

"Benjie, loosen up! Adventure nga 'to eh. Isipin mo na lang pag nakakita tayo duon ng mga gold coins or vintage jewelry, we don't need to study our ass off and look for a job that pay measly when we graduate. Dahil instant millionaire na tayo!" Halata ang excitement sa boses ni Luigi.

"Mukhang okay 'yan, a. Para tayong mga pirates." Nakangiting segunda ni Leonard.

"Ano, Leo? Sama ka sa kin?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Luigi dito.

"Sige ba. Wala namang mawawala eh."

"O, pa'no ba 'yan, Benjie? Sasama na sa 'kin si Leonard. Iiwan ka namin dito. Sama ka na kasi!" Pangungulit ni Luigi sa kaibigan.

Si Benjamin naman ang sumulyap sa puwesto ng propesor at sa kaibigan nitong may-ari ng resort. Nagtatawanan ang mga ito dahil hindi nila maayos na maitayo ang kanilang sariling tolda.

"Pa'no pag napansin nila tayong wala dito? Mapapagalitan tayo ni Prof." Nag-aalalang sabi ni Benjamin.

Saglit na tiningnan ni Luigi ang dalawa bago sagutin si Benjamin. "Busy pa naman 'yung dalawa. We'll be back before they notice us. Saka pag nalaman nilang umalis tayo, madali namang gumawa ng alibi. Sabihin natin nanghuli tayo ng dragonfly or something. O, ano? Pupuslit na kami ni Leonard."

"Eh, kasi..." Nag-aalangang pumayag na napakamot pa sa batok si Benjamin.

"Lika na nga, Leonard. Iwanan na natin itong si Benjie." At tumayo na si Luigi.

"Sige na nga. Sasama na 'ko." Tumayo na rin si Benjamin. "Pero kapag nahuli tayo, Luigi, ikaw ang mag-e-explain kay Prof."

"'Yun lang pala, eh."

"Dito na tayo dumaan para 'di tayo mapansin nina Prof." Turo ni Leonard sa isang bahagi ng clearing. "Tapos ikot na lang tayo pabalik du'n sa trail."

At maingat na umalis sa clearing ang tatlo para hindi sila mapansin ni Professor Soriano at Adrian na busy pa rin sa pages-set up ng tolda nila.

Pero lingid sa kanila, nakita ni Cassandra ang pagpuslit nina Luigi para puntahan ang sinasabing bahay ng mangkukulam. Nagkibit-balikat lang ang bata nang mawala na ang tatlo sa kanyang paningin at itinuloy ang pangongolekta niya ng kahoy na gagamitin nila mamaya para sa bonfire.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon