NARATING din nina Myra at Dave ang dulo ng trail. Bumungad agad sa kanila ang sunog na labi ng kubo na natupok sa apoy.

"Ano kayang nangyari dito?" Mahinang sabi ni Myra habang awtomatikong napalakad palapit sa charred remains ng kubo.

"Do you think it was arson?" Tanong ni Dave na humakbang papasok sa bakuran at patuloy ang pag-record kay Myra sa camcorder.

"Don't really know." Tugon ni Myra habang patuloy na sinisipat ang mga sunog na bahagi ng kubo. "Puwede nating i-interview si Lino kung may alam siya sa nangyaring sunog dito."

Paglingon ni Myra kay Dave ay bigla siyang napasigaw.

"Bakit?" Takang-tanong ni Dave na nag-angat pa ng ulo mula sa pagsilip sa hawak na camera habang bumababa sa balikat niya ang bungo na na nakasuksok sa sulo. Nang maramdaman ni Dave na may dumikit sa balikat niya, napasigaw din siya at napatakbo palapit kay Myra.

Dahil nawalan ng sasandalan, tuluyang nahulog sa lupa ang bungong didikit sana kay Dave. Malakas ang ingay na ginawa ng sulo nang tumama ito sa lupa. Duon lang napansin nina Myra at Dave ang iba pang mga bungong nakalagay sa sulo at nakahilera sa bakuran.

"Oh, my God!" Napahawak pa sa pisngi si Myra habang tinitingan ang mga nakahilerang bungo. "Are you recording this, Dave?"

"'Eto na! 'Eto na!" Itinutok agad ni Dave ang hawak na camcorder sa mga bungo.

Hindi napigilang lumapit ni Myra sa mga bungo. "This could be a work of a cult, 'di ba, Dave? A very vicious cult hungry for human sacrifices."

"You could say that again." Sagot ni Dave habang tuloy sa pag-record ng video.

"Puwede nating gamitin 'tong background na 'to as a thumbnail, 'di ba, Dave? Pang-trigger ng clickbait?"

"We can. Pero, Myra, this place is already giving me the creeps. Bigla akong nagka-goosebumps."

Tinawanan siya ni Myra. "Scaredy cat! For someone who's on the business of chasing ghosts and the unknown, masyadong kang matatakutin!"

"For practicality purposes. I still value my life. What we're doing can be life threatening. Remember the guard at the resort?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Myra. Biglang bumalik ang takot niya nuong kaninang nilalapitan niya ang inaakalang patay nang guwardiya.

Biglang may narinig silang sumigaw ng malakas sa dinaanan nilang trail. Napatingin pareho sina Myra at Dave sa pinanggalingan ng sigaw.

Kasabay nuon, bigla ring tumunog ang EMF reader na hawak ni Myra. Nang tingnan ni Myra ang read-out, nagsu-shoot up ang nade-detect nitong volts per meter at milliGauss.

~~~~~~~

BUMALIK sina Myra at Dave sa trail na pinanggalingan nila. Gustong imbestigahan ni Myra kung sino o ano 'yung narinig nilang sigaw. Pero si Dave, halatang matindi pa rin ang kaba. Pareho na ring nakabukas ang suot-suot nilang headlamp dahil madilim na sa dinadaanan nilang trail.

"Myra, I'm not liking the look of this..."

"Dave, be quiet! Paano tayo makakapag-investigate ng maayos if you keep on whining and bickering like what you're doing now!" Inis na sabi dito ni Myra habang tinitingnan ang lalo pang tumataas na read-out sa nag-iingay na EMF meter device. "'Yung naka-clip sa belt mo na digital voice recorder, check mo kung meron na-record na anything weird. Make sure you listen carefully. That gadget can detect ultra-low frequency sounds."

"How can I hear anything e ang ingay niyang EMF reader mo?" Tinapatan na ng sungit ni Dave ang bossy attitude ni Myra.

"I'll keep on walking para hindi ka maingayan." Inform naman ni Myra na tuloy pa rin sa paglakad sa trail.

"Pa'no yung pag-record ko sa 'yo?" Inis pa ring tanong ni Dave pero tinatanggal na sa pagka-clip sa belt niya ang voice recorder single handedly dahil hawak pa rin niya sa isang kamay ang camcorder.

"I'm recording pa rin naman, eh." Lingon dito ni Myra habang itinataas ang hawak niyang gimbal para ipakita na tuloy pa rin ang pag-video ng iPhone niyang naka-attach duon. "We could splice 'tong nire-record ko du'n sa vlog as my POV part."

Napailing na lang si Dave habang pinapanuod ang paglakad ni Myra sa trail dala ang nag-iingay pa rin nitong EMF reader.

Tinigil muna ni Dave ang pag-record ng gadget. Ni-retrieve ang audio file at pinakinggan niya ang na-record nito so far. Idinikit pa niya sa tainga ang recorder para mapakinggan itong mabuti.

Patuloy namang naglalakad si Myra sa trail, ang hawak niyang EMF meter ay lalong lumakas ang beeping sounds, lalong lumikot ang mga ilaw ang LED display at lalong tumaas ang nare-read out nitong volts per meter at milliGauss hanggang ma-reach nito ang tipping point at mag-short circuit. Pumutok pa ito na may kasamang sparks at umusok. Nabitawan pa ito bigla ni Myra sa takot na baka maputukan siya sa kamay. Nanghihinayang na lang na napatingin siya sa nasirang EMF reader na nakabagsak sa trail habang umuusok pa at nagsisimula nang mamatay ng LED lights. Nang mag-angat si Myra ng tingin, nasinagan ng ilaw ng headlamp niya ang isang rebultong naka-Indian seat at magkasalikop ang mga braso sa dibdib. Alam niya wala ito kanina nung nilalakad niya ang trail pero bigla na lang itong lumitaw. May nakapulupot pang ahas sa leeg ng rebulto, nakanganga ang bibig, nakalabas ang mga pangil at panuklaw, handang umatake kung sakaling magkamali si Myra na lumapit sa rebulto.

Si Dave naman, may naririnig na ngayon sa pag-playback niya sa recorder, mahina ito sa una pero unti-unting lumalakas. "Myra, may naririnig na 'ko!"

Hindi naman siya narinig ni Myra. Hindi nito maalis ang tingin sa rebulto at sa ahas na nakapulupot sa leeg nito.

"Myra, may naririnig na ako!" Sigaw na tawag ulit ni Dave.

"Ano'ng sabi mo?" Tanong ni Myra na narinig na rin ang tawag ni Dave habang lumalakad paatras sa rebulto at sa ahas.

"Sabi ko, may naririnig na ako! Have you turned deaf!" Iritableng sagot naman ni Dave.

"Ano ngang sabi?" Nagtaray na ring sagot ni Myra pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa rebulto habang humahakbang palapit kay Dave.

"Teka! Medyo Malabo, eh." At in-adjust ni Dave ang volume ng recorder. Duon luminaw ang boses na lumalabas sa device. Paulit-ulit. Palakas ng palakas. Ang boses ay parang nanggagaling sa ilalim ng hukay. "...mamatay ka, mamatay ka, mamatay ka, MAMATAY KA, MAMATAY KA!..."

"Dave?" Tawag ni Myra na nilingon na si Dave nang hindi ito sumagot. Tumama ang sinag ng suot na headlamp ni Myra kay Dave, nahagip din ng ilaw niya ang isang taong biglang sumulpot sa likod ni Dave. Namukhaan agad ni Myra si Lino, ang caretaker sa resort house. Pero kakaiba ang mukha. Nakakatakot. Puting-puti ang mga mata. At nakangisi ito habang nakaumang ang hawak na palakol sa likuran ni Dave.

"SA LIKOD MOOO!!!" Sigaw ni Myra.

Pero hindi nakatulong ang pagsigaw ni Myra. Pagkalingon ni Dave sa likuran niya, pinalakol agad ni Lino ang ulo nito. Agad itong napigtal at sumirit ang dugo. Nahulog sa trail ang hawak nitong camcorder at patuloy na nagre-record.

Napatili ng malakas si Myra. Natigil siya bigla ng makarinig siya ng mga hagikgik sa likuran niya. Pagtingin ni Myra, hindi na sa anyong estatwa si Apo Tudlay, nakangisi ang mabalasik na mukha nito sa kanya habang kinakalas ang ahas na nakapulupot sa leeg nito.

Nakaharap sa gawi ni Myra ang lente ng camcorder na bumagsak. At mula roon ay kitang-kita ang pagsigaw niya at pagtakbo sa gilid ng trail, papasok sa malagong mga puno palayo kay Apo Tudlay. Kaagad namang sumunod sa kanya si Apo Tudlay, mala-unggoy ang paghabol nito kay Myra na gamit pareho ang mga paa at kamay sa pagtakbo.

Saglit na mare-record ng camera ang mga sigaw ni Myra habang tumatakbo sa masukal na gubat na nilusutan niya. Maya-maya, tatahimik rin sa paligid maliban sa mga huni ng hawk-owl at iba pang night birds. Magsisimulang matakpan ng makapal na mist ang trail na patuloy na nire-record ng camera. Susunod na maririnig ang mga kaluskos at lilitaw sa screen ang mga paa ni Lino na naglalakad palayo. Hanggang makita ang buong profile niya. Hawak sa kaliwang kamay ang palakol at sa kanang kamay ang putol na ulo ni Dave na mabilis pa rin pumapatak ang dugo.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon