TSINE-CHECK ni Erin ang pantry shelves at halos matapik niya ang ulo nang makita wala pala siyang na-stock na pagkain na puwede niyang iluto para sa dinner. Puwede naman siyang magbukas na lang ng canned tuna or corned beef pero canned food na ang kinain nila the other day. Na-guilty na tuloy si Erin. Sa age ni Czarina, dapat mag-effort siya na pakainin ito ng something healthy. Hindi palaging straight from the can.
"Czarina, apparently I don't have anything in the pantry to cook for dinner tonight. Okay lang ba sa 'yo if we order Chinese food na lang and have it delivered here?"
"Okay po, Mommy." Sagot ni Czarina na hawak pa rin ang china doll habang pinapanuod ang mga nagkalat na stray cats sa katapat nilang apartment mula naman sa bintana ng kanilang living room.
"Great!" Kukunin na sana ni Erin ang mobile phone niya sa handbag nang bigla itong tumunog. Kliyente ba niya ito at nagpa-follow up na sa pinapagawa sa kanyang webpage? Hindi niya ine-expect na ang pangalan ni Herbert ang makikita niya sa screen nang kunin niya ang phone sa bag.
Cautious si Erin na sagutin ang tawag within earshot kay Czarina. Pero mukhang busy pa naman ang daughter niya sa pagtingin sa bintana. Para makasigurado hindi maririnig sila maririnigng daughter niya, lumakad pa rin si Erin pabalik ng kusina bago sinagot ang tawag ni Herbert.
"Herb, what's up?"
"Erin, kailangan nating magkita." Walang pasakalyeng sabi sa kanya ni Herbert. Nasa sariling condo siya ngayon, pinapanuod ang paglalaro ng Jenga nina Percy at ng secretary niyang si Eve.
"Okay. Dadalhin mo ba si Percy?" Hopeful na tanong ni Erin.
"Oo. Dapat din kayong mag-usap for one last time." Sinadyang i-enunciate maigi ni Herbert ang mga words para masiguro niyang naiintindihan ito ni Erin sa kabilang linya.
"What do you mean for one last time?" Kinabahan na si Erin. Hindi niya gusto ang tinatakbo ng usapan nila ng ex-partner.
"Ipapadala ako ng real estate company ko sa satellite office namin sa Los Angeles. I'll be staying there indefinitely. Don't know when I'll be back. And I'll be taking Percy with me." Casual na sabi ni Herbert kay Erin. Parang ipinaparamdam sa kausap sa kabilang linya na wala itong pakialam kung gaano ang epekto nang sinasabi niya dito.
Shocked sa narinig si Erin. Malakas ang kabog ng pulso. Paanong naisip ni Herbert na gawin sa kanya 'yon? Seryoso ba itong ilalayo ang anak niya sa kanya? "Nagbibiro ka, 'di ba?"
"Erin, hindi tayo friends para biruin pa kita. On the contrary, you have to thank me dahil pinapaalam ko pa sa 'yo. I'm not completely heartless after all, right?"
Napatingin si Eve kay Herbert nang ma-overhear niya ang conversation nito sa phone. May idea na siya kung sino ang kausap nito sa other line. Pero wala siya sa lugar na makialam dahil bago pa lang sila ni Herbert.
"Your turn, Tita Eve!" Sabi sa kanya ni Percy. Ibinalik niya agad ang attention sa paglalaro ng Jenga.
"Teka lang, Herbert! Wala sa usapan natin na ilalayo mo si Percy sa 'kin!" Tumaas na ang boses ni Erin.
Mula sa living room, napatingin si Czarina sa direksyon ng kusina ng marinig ang paglakas ng boses ng Mommy niya.
Tumayo si Herbert sa inuupuang sofa at lumapit sa bintana. Tanaw mula duon ang breathtaking view ng city skyline ng Ortigas. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, Erin? 'Yung kumpanya ko ang magpapadala sa 'kin sa US! I didn't seek after this for myself just to punish you!"
"Paano si Percy?" Naiiyak na si Erin.
"What do you mean 'paano si Percy'? He's my son! It's only right na kasama ko siya duon."
"He's also my son, Herbert. Baka nakakalimutan mo na." Gumanti na rin si Erin sa ex para ma-realize nito na may karapatan din siya kay Percy bilang nanay ng bata.
"Erin, I don't want to break your heart pero ayaw nang umuwi d'yan ni Percy."
"What are you saying?" Fed up ang boses na tanong ni Erin.
Tinawag ni Herbert si Percy sa paglalaro nito ng Jenga. Pero sinadya niyang hindi takpan ang speaker ng phone para marinig din ito ni Erin sa kabilang linya. "Percy, Mommy mo! She likes to speak to you!"
"I don't want to!" Sagot ni Percy habang pinag-aaralan nito ang tower of blocks kung alin dito ang kukunin. "I'm busy. I'm still playing with Tita Eve."
"Nandiyan si Eve? Kinokondisyon n'yo na pala si Percy na maging close sa kanya so you could easily throw me out of the picture, you son of a bitch!" Narinig ni Herbert na sabi ni Erin sa kabilang linya. Gaya ng intensiyon niya, narinig nito clearly ang sagot ni Percy.
"If you keep trash talking me, Erin, I might call the whole thing off. Lalo na kung ayaw ka naman talagang kausapin ni Percy."
"Bine-brainwash n'yo na kasi si Percy kaya ganyan na siya sa 'kin!" Todo iyak na si Erin. Lumabas na ang mga kinikimkim na sama ng loob.
"Erin and her conspiracy theories." Hindi napigilang matawa ni Herbert. Sarkastiko. "Consider this as a charity from me, Erin. Dahil kung tatanungin mo si Percy ngayon, hindi siya enthusiastic na makausap ka. Ten o'clock bukas ng umaga sa Starbucks sa The Sapphire Bloc. Don't be late."
"Wait!" Sabi agad ni Erin nang maramdamang idi-disconnect na ni Herbert ang tawag. "Puwede ko bang dalhin si Czarina? Nami-miss na niya si Percy. It's been months since they last talked and played together."
"Erin, dapat alam mo na by now that I don't give a shit what your might daughter think or feel. Ten o'clock." At bago pa maka-reply si Erin ay pinutol na tuluyan ni Herbert ang tawag niya.
That turd! Pati si Czarina dinadamay sa away namin. Dahil anak niya si Czarina sa dating karelasyon nasi Bryan kaya wala na talagang amor si Herbert dito simula pa lang.
"Mommy, si Daddy Herb ba kausap mo?" Tanong ni Czarina na nakatayo na pala sa may pintuan ng kitchen at pinapanuod siya. Hawak pa rin nito ang china doll na si Marikit.
"Oo." Sagot ni Erin na agad inayos ang sarili para hindi mapansin ng daughter niya na galing siya sa pag-iyak. Lumapit siya kay Czarina at nag-squat sa harap nito para makausap ito ng maigi. "Gusto niya kasing mag-meet kami with your Kuya Percy. They're going away na kasi. 'Yun nga lang, I'm the only one he wants to be there."
Saglit na in-absorb ni Czarina ang sinabi sa kanya ni Erin saka ito nagkibit-balikat. " I always knew naman that Daddy Herb doesn't like me at all."
Walang masagot du'n si Erin. Nayakap na lang niya ng mahigpit si Czarina. Sa age nitong almost ten years old ay napaka-matured na nitong mag-isip. Dahil kaya sa mga nangyayari sa kanyang personal life kaya walang choice ang anak niya kung hindi maaga na ring mag-mature.
"'Pag nakita kayo ni Percy bukas, puwede ba kaming mag-usap, Mommy? You could call the house phone so we could talk."
"Of course. Susubukan ko ring mag-picture kami together para may souvenir naman siya sa 'tin."
"We have a deal, Mommy." Nakangiting sabi ni Czarina.
Nangiti na rin si Erin. "You want to order for us? Try natin yung Chowking app, ikaw nang bahalang pumili ng food natin."
Inilapag muna ni Czarina si Marikit sa countertop katabi ng coffee maker para mahawakan niyang mabuti ang phone habang ina-access ang app. Tinuro naman ni Erin kung saan pupunta at ano ang iki-click para makapag-check out ng food items.
Habang busy ang dalawa, hindi napansin nina Czarina at Erin na unti-unting kumikilos si Marikit on its own. Dahan-dahan itong nag-slide sa countertop hanggang mahulog ito sa marble flooring ng kitchen.

BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...