MAAGANG nag-prepare si Erin kinabukasan dahil ina-anticipate na niya ang traffic papuntang Ortigas. Nag-take muna siya ng quick shower bago nagluto ng almusal para kay Czarina. Nang bumaba na si Czarina sa kuwarto nito, naabutan niya si Erin na isa-isa nang nilalagay sa dining table ang mga niluto nitong bacon and eggs, red hotdogs, stacks ng pancakes at slices of bread. Naka-bath robe lang ito at may towel na naka-cover sa basa pa nitong buhok.

"Good morning, My Princess! You gurgle water first before eating." Sabi ni Erin nang makita ang daughter sa threshold ng dining area.

Nagtatanggal pa ng eye boogers si Czarina na lumapit sa dining table. Nilapag muna niya si Marikit sa isa sa mga dining chairs bago nagpunta ng sink at mag-gurgle.

"What would you have for your drink? Hot chocolate or milk?" Tanong ni Erin habang nagsasalin ng coffee sa sarili niyang mug.

"Milk na lang, Mommy." Sagot ni Erin habang pinupunasan ng bibig ng towel after mag-gargle sa sink. Binalikan nito si Marikit na iniwan niya sa chair kanina. Siya naman ngayonang umupo saka inilagay ang china doll sa lap niya.

"Gusto mo pa ba ng cereals? Binili ko 'yung favorite mo, 'yung Fruity Loops."

"Next time na lang 'yun, Mommy. Okay na ako dito sa pancakes and bacon." Sagot ni Czarina na naglalagay na ng sarili niyang stacks ng pancakes sa designated plate niya.

"Czarina, I'll be leaving early, ha? But I promise I'll be back as soon as I can." Inform ni Erin sa daughter habang hinihigop ang kapeng tinimpla niya.

Tumango lang si Czarina habang nilalagyan ng maple syrup ang pancakes nito sa plate. Nakatuon na ang pansin sa breakfast na kakainin.

"Meron ka bang gusto ipabili while I'm out? Baka magpunta na din kasi ako sa grocery."

Tumigil saglit sa pagkain ng pancakes si Czarina at saglit na nag-isip. "Caramel popcorn."

Natawa si Erin. "Food na naman. But that's okay. You got yourself a deal."

*******

BIHIS na bihis si Erin nang bumaba ito ng kuwarto. Akala mo tuloy may importanteng kliyente itong ime-meet. May sunglasses pa siya. Nilapitan niya si Czarina na nanunuod na ng cartoon, kumportable sa pagkakaupo sa couch habang nakapatong sa lap niya si Marikit.

"Czarina, remember if there's any emergency, call me, ha? 'Yung mobile number ko nakalagay sa Post-It sa tabi ng cordless phone in case you forgot." Paalala ni Erin. Hindi talaga siya sanay na iniiwan ang daughter niyang mag-isa sa apartment.

"I won't forget, Mommy." Nakangiting sagot naman ni Czarina.

"I'll go ahead na, ha? Don't spend so much time on TV. It's not good for your eyes." Hinalikan pa ni Erin sa ulo si Czarina bago umalis.

"Kiss Percy for me!" Pahabol na tawag ni Czarina sa Mommy niya.

Ngumiti si Erin sa narinig. Obvious na miss na ng anak niya ang bunso nitong half-brother. Damn you for being selfish, Herbert! "I will." Isinuot na ni Erin ang sunglasses niyang nakataas sa kanyang buhok at tinungo na ang kotse niya sa driveway.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon