AGAD namang dumating ang mga pulis sa condemned house nang matawagan sila ni Erin. Kaagad kinuha sa kanilang kustodiya si Atia. Nagbigay ng sworn statements sina Erin at Eve sa police station at kinurdunan ang bahay ni Atia pending further investigation, lalo pa't maraming kailangang alamin ang mga police investigators sa bahay. Most especially sa secret basement nito kung saan nakalagay ang mga top of the range and high-end equipments and gadgets.
Hindi mapakali si Erin kahit nakalipas na ang ilang araw. Gusto niyang malaman ang misteryo na nakapaloob kay Atia. Kung ano ang naging drive nito para tangkain gawin ang napigilan niyang krimen sa mga anak niya.
Isinama niya si Czarina sa police station para malaman ni Erin ng personal kung ano ang progress sa kaso ni Atia. Binigyan ni Chief Felipe Guanzon ng paper at pencil si Czarina para malibang ito sa paggawa ng doodle para hindi nito marinig ang pag-uusap nila ni Erin nang puntahan siya ng mag-ina.
"Ano ang update, Chief?" Tanong agad ni Erin nang busy na si Czarina.
"Tama ang initial findings namin. She is a wacko. Excuse the term, Miss Dela Rosa. Pero branding her as unstable is too benign a term sa plinano niyang gawin sa mga children mo."
"Naka-detained ba siya dito?"
"She's now in a psychiatric ward in Pasig. Pero may na-uncover ang mga police investigators namin that you might find appalling."
"Ano 'yon, Chief? I want to know about it."
May kinuhang file folder si Chief Guanzon sa desk drawer niya at binigay kay Erin. Binuklat ng chief sa pinakapahina ng gusto niyang ipakita kay Erin. Mga collated news clippings ito tungkol sa alleged abduction ng isang heiress ng multi-billion real estate empire.
"Hindi Atia ang name niya as we initially thought. Ang real name niya ay Sandra Chavez. Daugther ni Mauro Chavez, apparently soul heiress ng multi-billion real estate business ng Papa niya. Kaya lang, she exhibited strange behavior even as a child. Hanggang paglaki at magdalaga, problema siya ni Mauro. She's very violent. Merong incident na tinusok niya ng pencil ang kaklase niya sa tainga ng hindi pumayag na makipaglaro sa kanya. Palagi tuloy siyang tina-transfer ng father niya sa iba't-ibang schools. Pero the same thing, palagi siyang napapaaway, her being the cause of the altercations. Pati 'yung mga naging boyfriends niya on her teenage years, hindi niya pinatawad. There were police reports we've gathered na pina-blotter siya ng ilan sa kanila for battery. She's a very dominant lover. Pag hindi pumapayag sa gusto niyang mangyari ang karelasyon, sinasaktan niya. Mahilig siyang manakit, Miss Dela Rosa."
Pinasadahan ni Erin nang kamay ang clippings about sa abduction ni Sandra. "Anong nangyari when she was abducted, Chief?"
"Walang abduction na nangyari."
Gulat na napatingin si Erin kay Chief Guanzon.
"She fabricated it. Apparently, she run away and made it look like an abduction para 'yung makukolekta niyang ransom money magamit niya sa mga evil schemes na naisip niya."
"What evil schemes, Chief? Plano ba niyang mag-abduct ng mga bata at saktan? Gaya ng plano niyang gawin sa anak kong lalaki?"
"It's more than that. Gaya ng nakita mo sa decrepit house niya sa Green Valley Subdivision, she became fascinated with dolls and robots. Kahit kasi meron siyang extreme personality disorder, she's seems highly intelligent. 'Yung secret basement niya sa bahay, parang naging playground niya. She experimented on decapitating dolls and assembling them. Napapalakad at napapasalita niya ang isang creation niya ng robot using different doll body parts, sensors and mechanical parts."
"Para siyang matalinong sociopath na may Doctor Frankenstein syndrome?"
"Parang ganu'n. She even experimented on dissecting a stray cat na nakita niyang gumagala sa premises ng bahay niya. Nag-worsen lang ang obsession niya nang madiskubre niya si Hal."
Nangunot ang noo ni Erin. Nagpatuloy mag-explain ang chief nang makitang hindi familiar ang kausap tungkol kay Hal.
"Si Hal 'yung hyper-real robot boy na ginagamit ng mga medical students sa US. Nagko-convulse. Nagse-shake. Nagbe-bleed. Nagdi-dilate ang eyes pag natamaan ng ilaw. Nagbubuga ng carbon dioxide pag humihinga. Para talagang isang human child pero robot. Du'n nagka-idea si Sandra na gumawa ng sarili niyang Hal. Naisip niyang kaya niyang higitan ang creation na Hal robot from the US. Plano niyang gumawa ng robot using a real human child. Papalitan niya ang ilan sa mga inner body organs nito ng mga machineries para ma-control niya ang bata."
May kinuha ulit si Chief Guanzon sa desk drawer niya. Isa iyong diary ni Sandra. Binuklat ng chief sa entry ni Sandra na dine-detalye ang plano niya sanang pag-abduct kay Czarina.
"Matagal na pala niyang napapansin ang daughter mo. Gandang-ganda siya sa bata. Naisip niyang malaki ang potential ng anak mo na itapat sa medical doll na sumikat sa Amerika. She's been surveying your house for days and observing your daughter's daily activities. Nagpa-enlist siya as one of the sellers sa trade fair ng clubhouse as cover, para walang maging suspicious kay Sandra everytime she leaves her abode. Unfortunately, with some bizarre turn of events, instead na 'yung babaeng anak n'yo ang makuha ni Sandra, 'yung isa n'yo pang anak na lalaki ang nakuha niya ng pinuntahan niya kayo sa bahay. Thank goodness for your instincts, Miss Dela Rosa and you know where to find her. "
"She's one sick bitch." Puno ng hatred ang boses ni Erin habang ibinabalik niya ang diary kay Chief Guanzon.
"Nagpunta rin kayo ng anak n'yo sa trade fair, hindi ba? Kaya napunta sa inyo momentarily 'yung robotic doll ni Sandra. Binenta n'ya sa inyo?" Curious na tanong ng chief.
Tumango si Erin. "Kung alam ko lang na matagal na siyang may balak sa anak ko, du'n pa lang sinaktan ko na siya." Labis pa rin ang panggigigil niya.
"As the saying goes, that's water under the bridge. At least ngayon, wala na kayong dapat ipag-alala. Binabantayan namin ang mental institution na pinagdalhan kay Sandra. After her treatment, hindi na namin siya pakakawalan."
Saglit na tumahimik si Erin saka sinabi sa chief ang isa pang pakay niya kaya siya bumisita sa himpilan ng pulisya. "Puwede bang mahingi 'yung address ng psychiatric hospital? Gusto ko lang siya uling makita ng personal."
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...