TUMIGIL ang motor sa tapat ng condemned house ni Atia. Magtatakip-silim na at kalat na ang dilim. Malamlam ang ilaw sa posteng katabi ng bahay. Mas na-enhanced tuloy ang haunted look ng bahay ni Atia dahil sa mapanglaw na liwanag na nagmumula sa poste. Bumaba agad ang rider ng motorsiklo matapos patayin ang makina nito. Bitbit sa isang kamay ang wala pa ring malay na si Percy, kipkip naman sa kabilang kamay ang manyikang si Marikit.

Mabilis na naglakad ito sa lumalangitngit na porch ng bahay. Kinipit nito sa kili-kili ang manyika habang kinukuha ang susi sa bulsa ng pantalon. Malakas itong kumalansing habang sinusihan niya ang saradong pinto. Nang makapasok sa loob ng bahay, kaagad niyang isinara ulit ang pinto at ikinandado.

Hindi sinasadyang mabitawan nito si Marikit. Paupo itong bumagsak sa sahig. Saglit lang itong nag-alinlangan saka iniwan nito ang manyika. Lumapit ito sa tapat ng malaking portrait na tiningnan ni Erin kanina. Inayos ang hawak nito kay Percy bago tumalungko at hinawi ang rug sa flooring sa tapat ng larawan saka binuksan ang itinatago nitong trap door. Maririnig mula sa ilalim ng trap door ang iba't-ibang klase ng mga computerized at mechanical whines.

Maingat na bumaba ito sa trap door, sapo sa katawan si Percy. Bago tuluyang ipasok ang sarili room sa ilalim ng trap door ay hinablot niya ang hinawi nitong rug kanina para italukbong ulit ito sa sinasarang trap door.

*******

"SIGURADO ka bang dito dinala si Percy?" Doubtful na tanong ni Eve habang minamaneho ni Erin ang kotse nito sa isang abandoned neighborhood matapos nilang sumuot sa maliit na eskinita.

"Sigurado ako, Eve. Kailangan lang natin makita 'yung exact house na hinahanap ko." Sagot naman ni Erin habang sinisilip ang nadadaanan nila at baka malagpasan nila ang bahay ni Atia nang hindi nila namamalayan.

"Bingo!" Hindi napigilang masambit ni Erin nang finally makita niya ang condemned house na hinahanap. Halos mag-skid ang tires ng kotse nang patigilin ito sa tapat ng rickety old house.

"Czarina, I want you to stay in the car, okay? We don't know yet kung anong danger ang nasa loob ng house. Kaya better na nandito ka lang sa loob ng kotse." Bilin ni Erin dito habang si Eve ay hindi na nakapaghintay na tinanggal na ang seatbelt at nauna nang lumabas ng kotse.

"I'm worried about Percy." Naiiyak na sabi ni Czarina.

Hinawakan ni Erin sa buhok si Czarina. "Me too. That's why me and your Tita Eve will try to save him, okay? Just stay in the car." Pagkasabi niyon ay pinatay na ni Erin ang makina ng motor at lumabas na rin ng kotse para sundan si Eve.

Naglalakad na sa lumalangitngit na porch si Eve nang bigla siyang hawakan ni Erin sa balikat. Kumabog ng malakas ang dibdib niya sa gulat. Akala ni Eve kung sino na ang humawak sa kanya.

"Doble ingat sa paglapit sa house, Eve. Hindi natin alam, nag-set up na pala si Atia ng trap para sa 'tin." Ominous ang boses na sabi ni Erin at nauna itong lumakad sa porch palapit sa pintuan.

"Atia? Sino si Atia?" Halos breathless na tanong ni Eve.

Saglit na nilingon ni Erin si Eve para sumagot. "Mahabang kuwento. Pero sigurado akong siya ang kumuha kay Percy. At dito sa lumang bahay niya dinala."

Tumigas ang mukha ni Eve. Biglang nagkaroon ng determinasyon. "Kung dito dinala ng witch na 'yon si Percy, I'll strangle her with my bare hands and take Percy back to us."

Nagmadaling maglakad si Eve sa porch papunta sa pintuan. Sinadya niyang lagpasan si Erin.

"Eve, huwag kang magmadali. Baka mamaya, may mangyari sa 'yo." Sinubukang pigilan ni Erin si Eve pero pinalis lang nito ang kamay niya.

Ayaw pumihit ng knob ng pinto nang hawakan ni Eve kaya sinubukan niyang salyahin ang pinto gamit ang balikat niya.

Maingat na lumapit si Erin kay Eve. "Eve, calm down."

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon