NAGULAT ang elderly neightbor ni Erin na si Pablo nang makita siya nito sa tapat ng gate niya kasama si Czarina.

"Mang Pablo, istorbohin ko lang kayo saglit. Kailangan ko lang kasing umalis sandali. Hindi ko kasi puwedeng iwan lang si Czarina sa apartment na siya lang mag-isa. Puwede bang dito muna siya?" Paalam ni Erin kay Pablo nang lapitan sila sa gate ng matanda.

"Walang problema, Erin. Matagal na ngang hindi nakakalaro ni Luna 'etong si Czarina, eh." Ang alagang Persian cat ni Pablo ang tinutukoy nito.

"Salamat, Mang Pablo." Si Czarina naman ang binalingan ni Erin. "I'll be back quickly."

"Take care, Mommy." Sagot naman ni Czarina. Hinalikan muna ni Erin sa pisngi ang anak bago sumakay ulit sa kotse niyang nakaparada sa tapat ng apartment ni Pablo.

Medyo wary na napatingin si Erin sa china doll na nakalapag sa passenger seat. Parang ina-anticipate na niya na may gagawin itong kakaiba once na mag-start na siyang mag-drive para ma-distract siya sa pagmamaneho. O di kaya bigla na lang siyang salakayin katulad ng ginawa nitong pananakit kay Czarina. Ihahanda na lang ni Erin ang sarili kung sakali. Ang importante mabalik niya ang manyika kung saan ito nanggaling.

Pinaandar na ni Erin ang kotse papunta sa trade fair sa clubhouse ng Green Valley Lakes subdivision. Pinapanuod pa ni Czarina ang pag-alis ng sasakyan ni Erin nang tawagin siya ni Pablo.

"Want to help to feed Luna, Czarina?" Nakangiting tanong ni Pablo habang inaabot ang box ng cat food sa bata. Si Luna naman ay ngiyaw na ng ngiyaw na nag-aabang sa tabi ng food dish nito.

"Sure." Sagot naman ni Czarina. Kinuha niya ang box ng cat food at isinalin ang laman nito sa food dish. Kaagad namang kinain ni Luna ang mga morsels ng dried meat na lumalapag sa kainan niya.

*******

KONSENTRADO sa pagmamaneho si Erin. Pero hindi niya maiwasan na panay tingnan ang manyika sa passenger seat. Kahit wala naman kakaiba pang nangyayari, kinukutuban pa rin siya ng masama. Binuksan niya ang car stereo para ma-dispell ang ominous feeling na nararamdaman niya. Ang pop song na Boy With Luv ng BTS at Halsey ang napagbuksan niya. Kahit feeling ni Erin masyadong young para sa kanya ang beat ng song, okay na rin. Basta mawala sa isip niya saglit ang goosebumps na dinudulot ng manyikang si Marikit na nasa tabi niya.

Inililiko ni Erin ang sasakyan sa pakurbadang daan nang biglang malaglag ang manyika kahit hindi naman ganuon kabilis ang patakbo niya. Inis na kinuha niya sa lapag ng kotse si Marikit at pabalandrang ibinalik sa katabing passenger seat. Pero pag-angat ni Erin ng tingin, malapit na pala niyang lagpasan ang edge ng daan at kung hindi siya agad nakapagpreno ay tuloy-tuloy na mahuhulog ang minamaneho niyang kotse sa matarik na ravine na nag-o-overlook sa Green Valley Lakes. Pagkapreno niya ng sasakyan, nahulog muli ang manyika sa flooring ng sasakyan.

Kabadong napatingin si Erin sa manyikang nahulog. Parang nananadya itong guluhin ang pagmamaneho niya para maaksidente siya. Kinuha ulit ni Erin si Marikit sa flooring, ibinalik sa pagkakaupo nito sa passenger seat, saka sinuotan ng seat belt. Siniguro pa niyang mahigpit ang pagkaka-wound ng seat belt sa katawan ng manyika para hindi na ito gumalaw at mahulog ulit sa inuupuan.

Pinaandar na ulit ni Erin ang kotse papunta sa clubhouse. Sa inis niya sa manyika, kinuyom ni Erin ang palad saka binigyan niya ng side jab sa mukha si Marikit. Kahit papano lumuwag ng kaunti ang pakiramdam niya. Nakaganti rin siya sa pangdi-distract ng manyika.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon