SA LABAS, mga baga na lang ang natira sa apoy ng campfire nila kanina. Ang kuwago na nakita ni Leonard kanina na nakadapo sa malapit na puno, nag-hoot o humuni saglit bago ito pumagaspas palayo. Marahil ay maghahanap o mag-i-scavenge ito ng makakain.

Sa tent ng professor, mahimbing nang natutulog si Cassandra. Yakap ito ni Professor Soriano na tulog na rin. Si Adrian ay nasa aktong sinasara ang isang maliit na libro na may titulo na A Pagan Ritual Prayer Book na binasa niya gamit ang dala-dala niyang pocket flashlight. Itinabi niya sa gilid niya ang libro at flashlight saka niya ipinikit ang mga mata. Maya-maya pa, nag-relax na ang posture niya sa paghiga pati ang features ng mukha niya, tanda na nakatulog na rin ito.

Sa tolda naman nina Benjamin, nagsimula nang kumilos ang uwang na nagtago sa loob ng kanilang tolda. Lumakad muna ito pababa sa polyester fabric ng tent pero kalaunan ay lumipad na rin ito papunta sa talagang pinupuntirya. Dumapo muna ito sa malagong buhok sa ulo ni Leonard na nakapuwesto pa rin ng yakap kay Benjamin habang himbing na natutulog. Lumakad pababa ang uwang, dumaan sa likod ng tainga ni Leonard, papunta sa gilid ng leeg hanggang sa makarating ito sa bandang batok.

Kumunot ang noo ni Leonard at kinalas ang braso na nakayakap kay Benjamin. Nakaramdam siguro ng discomfort dahil lumalakad na ang uwang sa batok niya. Tumihaya si Leonard ng higa. Ilang sandali pa naging regular ang rhythm nito ng paghinga, nawala ang kunot sa noo at nahimbing ulit ng tulog. Pero bigla-bigla napabalikwas ng bangon si Leonard, mabilis ang habol ng hininga at nandidilat ang mga mata. Pero kakaiba ang hitsura ng mga mata nito, hindi bakas ang pupil, iris o ang cornea. Puting-puti lang ang mga mata ni Leonard. Kasing puti ng puti ng itlog. Sa batok ni Leonard kung saan nakapuwesto ang uwang ay nagsisimula nang mamula at mamantal ang kinakagatang parte nito.

Biglang natigil ang paghahabol ng hininga ni Leonard. Naging kalmado na rin ang mukha nito. Pero nanatiling puting-puti ang nakadilat na mga mata. Tinanggal niya ang nakabalot na kumot sa katawan, gumapang paalis sa hinihigaan saka binuksan ang zipper ng entrada ng tent.

Tiyempong naalimpungatan ng gising si Benjamin nang mapansin nitong lumalabas si Leonard ng tolda.

"Leonard..." Mahinang tawag ni Benjamin. Ayaw niya kasing maistorbo ang tulog ni Luigi. Pero sa lalim ng tulog ng kaibigan kahit pa siguro sumigaw si Benjamin ay hindi ito magigising.

Tuloy lang sa paglalakad sa labas si Leonard. 'Di mo sigurado kung hindi narinig ang tawag ni Benjamin o sinadyang hindi ito pansinin.

Sinipat ni Benjamin ang relong suot at nakita niyang kinse minutos na lang at alas dose na. Napilitang bumangon na rin ni Benjamin at sinundan sa labas si Leonard. Iniwan nito si Luigi sa tolda na malakas pa ring naghihilik.

"Leonard, anong binabalak mo? Malapit nang mag-midnight." Nilakasan na ni Benjamin ang pagtawag.

Tumigil sa paglakad si Leonard pero hindi nito nilingon si Benjamin. "Hindi ako makatulog, eh. Maglalakad-lakad lang ako sandali.

"Okay ka lang? Hindi ka ba worried na baka may mangyari sa 'yo? Baka makasalubong mo 'yung stray dog na narinig natin kanina. Kakagatin ka nu'n." Pananakot ni Benjamin.

"Hindi ako natatakot du'n." Kaswal na sagot ni Leonard.

"Bakit kasi bigla mong naisipang maglakad kung kelan gabi na at hindi na safe? If something happens to you, malalagot pati si Prof."

"Hindi siya malalagot dahil walang mangyayari sa 'kin. Nakabisado ko na 'yung dinaan natin kanina. Kaya ko bang lakarin  kahit gabi."

Kinabahan na si Benjamin dahil ramdam niya na desidido talaga si Leonard na gumala sa gubat kahit hatinggabi na.

"'Pag tumuloy ka pa rin sa balak mo, isusumbong na kita kay Prof." At lumakad si Benjamin papunta sa tent nina Professor Soriano.

"Pag tinuloy mo 'yang balak mong pagsumbong sa 'kin, tatakbo ako ng mabilis. Hindi mo na ako makikita." Si Leonard naman ang nagbanta.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon