HALONG pagtataka at takot ang naramdaman ni Benjamin nang makita si Leonard na tumatawa na parang nakarinig ito ng ubod na nakakatawang biro na siya lang ang nakaririnig. Pero 'yung mga mata ni Leonard. Bakit ganu'n 'yung mata niya? Bakit puting-puti. Saka 'yung features ng mukha niya. Parang nag-iba. Parang bumagsik bigla. Parang hindi na niya mukha.

"Leonard, ano bang nangyayari sa 'yo? You're acting weird kanina pa." Tinapangnan ni Benjamin ang boses kahit todo ang kaba niya sa dibdib.

Lalong napabunghalit ng tawa si Leonard na parang itong kinikiliti. Kulang na lang ay maglupasay ito sa lupa.

"Will you snap out of it! 'Di ka na nakakatuwa!"

Sumeryoso ang mukha ni Leonard at tinitigan nito si Benjamin. "Kanina ka pa maingay, eh. Sandali nga."

Nagulat si Benjamin nang biglang lumapit sa kanya si Leonard at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Bitawan mo ako, Leonard! Masakit!"

"Tuturuan kita ng leksyon para itikom mo na 'yang bibig mo." At inilapit ni Leonard ang mukha kay Benjamin para halikan ito sa bibig pero pilit na umiwas ito sa kanya.

"Gago ka, Leonard! Isusumbong kita kay Prof! Makakarating 'to kay Dean! Mae-expel ka sa school!" Naiiyak na banta ni Benjamin.

"Hard to get ang puta! Alam ko naman na gustong-gusto mo 'to." Dahil hindi mahalikan sa bibig, sa leeg sinimulang halikan ni Leonard si Benjamin.

"Leonard, tigilan mo na. Please?" Tuluyan nang naiyak si Benjamin pero di siya makakalas sa tindi ng hawak sa kanya ni Leonard.

"Aminin mo na lang kase na may gusto ka sa 'kin. Saka ako titigil." At gumapang ang halik ni Leonard sa pisngi ni Benjamin.

"Wala akong gusto sa 'yo!" Mariing tanggi ni Benjamin.

"Itatanggi mo pa. May mga nagsumbong na sa 'kin sa school natin. Matagal mo na raw akong crush. Saka halata ka namang kinikilig pag magkasama tayo." At duon na nahalikan ni Leonard sa labi si Benjamin. Mariin. Parehong naghahabol ng hininga ang dalawa. Si Benjamin dahil hindi makahinga ng maayos sa paghalik ni Leonard. Si Leonard sa sobrang init ng paghalik ay halos mapugto ang hininga.

Nang maghiwalay ang mga labi ng dalawa, basang-basa ng luha ang mga mata ni Benjamin habang nakatingin kay Leonard. Pakiramdam niya ay na-corner siya ni Leonard nang wala siyang laban. "I hate you! 'Pag nalaman 'to ni Fara, she'll hate you, too!"

Ngumisi lang si Leonard. Kumikislap sa dilim ang puting-puting mga mata nito. Hitsura ng mga mata na parang nasa advance stages na ng sakit na katarata. "Wala akong pake."

Akmang hahalikan ulit ni Leonard si Benjamin nang isang malakas na putok ng baril ang sumambulat mula sa likod niya. Pero imbes na lingunin ni Leonard ang pinanggalingan ng putok, tiningnan niya ang trail sa labas ng bakuran kung saan nakatuon ang putok ng baril. Dahil kaya kilala ng espiritu na nakasanib ngayon kay Leonard kung sino ang nagpapaputok ng armas?

Mula sa trail sa labas, nakita ni Leonard ang aparisyon ng batang babaeng anak ng propesor at ang gusgusing batang lalaki. Sumisigaw ang batang babae matapos silang paputukan ng baril. Pero kaagad silang naglaho sa trail na parang kandilang nawala ang ningas sa lakas ng ihip ng hangin.

"Lintek!" Inis na sambit ni Leonard habang nakatutok ang tingin sa trail. Sinamantala naman ni Benjamin ang sandaling pagkabalisa ni Leonard. Kumalas siya sa hawak nito. Kinalmot niya sa batok. Resulta ng pagkalmot niya, natanggal ang uwang na kanina pa nakakapit at kumakagat kay Leonard sa batok nito. Lumagpak ito ng patihaya sa lupa. Pinasag-pasag nito ang mga paa sa ere at pinagaspas ang mga pakpak pero hirap itong bumangon sa pagkakahiga.

Hindi pa nakuntento si Benjamin. Siniko pa nito sa groin area si Leonard kaya umuungol na napaluhod ito sa lupa. Hindi tuloy napansin ni Benjamin na bumalik na sa normal ang mga mata ni Leonard. Lumakad palayo dito si Benjamin. Sa paglalakad niya, naapakan niya ang uwang na kumapit kay Leonard na di pa rin nakakabangon sa pagkakatihaya sa lupa. Napipi ito pero tuloy pa rin sa paggalaw at nagpipilit na bumangon.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon