KATATAPOS kumain nina Myra at Dave ng niluto sa kanila ni Lino. Medyo worried pa nga nung una si Myra na tikman ang nilutong pagkain ni Lino at hindi maalis sa isip niya ang posibilidad na ito ang "pumatay" sa security guard na kasama nito at sila na ng ka-partner niya ang isusunod. Pero nang makita niya si Dave na maganang-magana sa pagkain nito ng adobo ay kumain na rin si Myra. 'Yun nga lang, parang nawalan na siya ng appetite.

Kinumpronta niya si Dave kanina ng ipinatawag niya ito para lang sa password ng laptop. Nabulilyaso tuloy siya sa pag-check sa guwardiya. Ang sarcastic na sagot ni Dave, sa tagal niyang nawala, akala niya naimbestigahan na niyang maigi ang guwardiya. Muntik nang mabato ni Myra ito ng hawak niyang iPhone. Pero nagseryoso si Dave at sinabing nag-aalala siya ng thirty minutes na at hindi pa siya bumabalik. Baka nagaya na siya sa guwardiya. Kaya naggalit-galitan tungkol sa password ng laptop para ipahanap siya. Kahit papaano, na-touch si Myra sa ginawang gesture ng ka-partner.

Papalubong na ang araw nang nagpasiya silang simulan ang gagawin paranormal investigation sa lugar. Naghintay muna sila sa labas habang kinukuha ni Lino ang susi pambukas sa chain lock ng fence sa dadaanan nilang trail papunta sa abandoned camping site ng resort.

Nadako ang tingin ni Myra sa garahe at wala na sa puwesto nito ang "tulog" na security guard na nakita niya kanina.

"Mukhang gising na 'yung guwardiya pinagdidiskusyunan natin kanina." Sabi ni Dave nang mapatingin din ito sa gawi ng garage. "O, baka naman zombie na at pagala-gala na dito sa resort."

Sinimangutan ni Myra ang ka-partner. "Tumahimik ka na nga lang, Dave. 'Di ka nakakatuwa."

Parang hindi apektado sa pagsusungit ni Myra na natawa pa si Dave.

Nang lumapit na sa kanila si Lino dala-dala ang susi ng bubuksang fence, nag-usisa agad dito ni Dave.

"'Yung kasama mong guwardiya gising na 'ata. Wala na du'n sa puwesto niya kanina." Sabi ni Dave kay Lino sabay turo ng nguso sa punupuwestuhan kanina ng guwardiya sa garahe.

"Naggagala lang 'yun." Sagot ni Lino na saglit lang tiningnan ang garahe. "Baka nasa may shed lang siya, may kung ano lang binubutingting." Pinakalansing niya ang hawak na ring ng mga susi. "Buksan na natin 'yung fence ng trail na pupuntahan n'yo para masimulan n'yo na 'yung gagawin n'yo."

Naunang nang maglakad sa kanila si Lino. Kaagad sumunod si Dave dito. Alanganin lumakad na rin si Myra, nilinga pa nito saglit ang garahe na baka himalang lumitaw duon ang guwardiya pero nang makitang malayu-layo na ang nalalakad ng dalawa ay sumunod na rin siya.

Malakas ang kalansing ng mga kadena habang binubuksan ni Lino ang fence papunta sa trail. Habang binubuksan ang fence, inaayos naman ni Dave ang pagkakalagay ng strap para sa headlamp sa ulo ni Myra.

"Hindi naman kayo maliligaw dito. As long na sinusundan n'yo 'yung trail. Pero kung sakaling naisipan n'yong lakarin 'yung gubat sa paligid, goodluck na lang kung makabalik kayo." Paalala ni Lino sa dalawa ng mabuksan na niya ang fence.

"Salamat, Chap. Don't worry. Hindi kami mag-i-stray palayo sa trail." Paniniguro ni Dave dito.

"Okay. Iwan ko na kayo. Kung sakaling pagbalik n'yo, iwan n'yo na lang bukas 'yang fence. Balikan ko na lang bukas para isara."

"Okay. Thanks!"

Iniwan na sila ni Lino at lumakad na ito pabalik sa resort house.

Napansin ni Dave na parang tulala si Myra at hindi kasing-talkative nung una sila dumating dito sa resort.

"O, ang tahimik mo d'yan?" Puna ni Dave.

"Yung sinabi mo tungkol du'n sa guwardiya," alanganing ituloy ni Myra ang sasabihin, "I think you're right."

Natahimik rin si Dave nang makitang seryoso si Myra sa sinasabi nito. "Gusto mo bang i-call off na lang natin 'to?"

Nangunot agad ang noo ni Myra. "Are you kidding me? Andito na tayo. Might as well ituloy na natin."

Nakangiting tumango si Dave. "Pumuwesto ka na sa tabi ng fence. Kuhanan na natin 'yung opening spiel mo for this vlog."

Pumuwesto na nga sa tabi ng fence si Myra. Itinutok naman ni Dave ang camcorder na hawak sa kanya. "Okay ka na ba sa spiel mo? No need to rehearse?"

Sumenyas ng thumbs up si Myra. Tumitig na siya sa lente ng camera.

"Okay. Rolling tayo. In three...two...one!"

"Marami kaming napagtanungan na kinatatakutan daw itong bed and breakfast resort na ito sa Gabaldon, Nueva Ecija. Ayaw magbigay ng masyadong detalye ang mga nakausap namin. Pero may nakapagsabi sa amin na itong trail na kinatatayuan ko ngayon ang sanhi ng lahat ng katatakutan sa resort na ito. This is Myra Bonifacio. Join me and my partner Dave on this episode of Strange Encounters while we investigate the hidden secret why this trail leading to the unfinished campsite of the resort a source of so much horror and dread. If you like this video, please give it a thumbs. If you like our content, please consider subscribing and hit the bell icon so you'll be notified whenever we upload new videos."

------

NAGSIMULA nang maglakad sa trail sina Myra at Dave. Hawak ngayon ni Myra ang sariling iPhone na naka-attach sa gimbal para kuhanan ang dinadaanan nilang trail. Sa isang kamay naman ay binabasa niya ang EMF meter read-out. Si Dave naman na nasa likuran niya ay nakatutok naman kay Myra ang hawak nitong camcorder. Patingin-tingin din si Dave sa dala niyang digital voice recorder kung may nakukuha itong mga ambient sounds na supernatural in origin.

Panay ang lingon ni Myra sa camcorder na hawak ni Dave habang nagsasalita. "Right now, naglalakad kami dito sa trail for about fifteen minutes now. Wala pa naman kaming nakikitang out of the ordinary. As for the EMF reader..." Inilapit ni Myra ang hawak na device sa camcorder. "Nakakakuha lang tayo ng low frequencies. Naglalaro lang sa one to two milliGauss and five to six volts per meter 'yung nakukuha natin. Possibly due to the earth's magnetic field since malapit kami sa mountain ranges ng Mount Sawi."

Saglit pang naglakad sina Myra at Dave hanggang makarating sila sa area na nagsanga ang trail. Isa papunta sa kaliwa, isa papunta sa kanan. Napansin agad ng dalawa ang hating signboard na may nakalagay na 'KEEP OUT' sign. Ang putol na bahagi ng signboard ay nakahiga sa gilid ng trail. Halatang napabayaan na ito sa elemento ng kalikasan sa nanunuyong putik sa paligid ng signboard. Bakas rin ang sunog sa putol na bahagi nito.

Nag-squat si Myra sa tabi ng signboard. Hinawakan pa niya ang maduming surface nito.

"What do you think about it?" Tanong ni Dave na hindi pa rin tumitigil sa pag-video. Inilapit nito ang camcorder sa naka-squat na si Myra.

"I think it's been left here for days." Sabi ni Myra habang tumitingin sa camera. "And focus on the severed part of the sign, it's charred." Ginamit rin ni Myra ang hawak na iPhone sa gimbal para itutok sa sinasabing parte ng signboard. "Parang tinamaan ng lightning. Ang weird lang kasi, normally, ang una tinatamaan ng lightning 'yung mga high places. Dapat 'yung mga sanga ng mga puno ang una nitong tatamaan. Hindi 'yung mga signs na mababa lang ang height."

Tiningnan din ni Myra ang hawak niyang EMF reader. "There's a considerable increase on the readout as well." Nang tumingin si Myra sa camera ay nangingislap na ang mga mata nito sa excitement. Nawala na 'yung sullenness na naramdaman niya kanina. Lumitaw na in full force ang vlogger persona niya. "I think we're now up to something, Dave."

"So, saang trail mo gustong pumunta? Sa left trail or sa right trail?" Off-camera na tanong ni Dave.

"Saang trail ba nakalagay 'tong 'keep out' na sign?" Balik tanong ni Myra kay Dave.

"I guess, sa left trail."

"'Di yun ang pupunatahan natin!" Pagde-decide ni Myra na nakangiti na ngayon habang nakatingin sa lente ng camcorder.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon