IDIDIKIT na sana ni Atia ang hawak niyang scalpel knife nang biglang kumalabog ang trapdoor. Saglit na napatingin duon si Atia saka inutusan ang robot na nasa tabi niya.
"Yuri, ikaw na ang bahala sa mga nanggugulo. 'Pag ayaw papigil, patayin mo."
Gumulong palapit si Yuri sa trapdoor na sakto namang tuluyang bumigay sa lakas ng paghampas ng mallet ni Eve. Kumalas ang door pati na ang frame nito at malakas na bumagsak sa floor ng secret basement ni Atia.
Ibinababa pa lang ni Eve ang mga paa niya sa ladder nang biglang hawakan ito ni Yuri at hilahin siya nito pababa. Napasigaw si Eve sa gulat.
Kaagad namang bumaba si Erin pasunod at nakita niya agad si Percy na nakahiga sa surgical table at nakatungo dito ang naka-full biker suit na si Atia at nasa aktong itinutusok ang scalpel knife sa dibdib ng bata.
Binaba agad ni Erin ang flight ng stairs na kadikit ng trapdoor at tinalon si Atia. Pareho silang bumagsak sa floor ng basement. Buti na lang at tusok pa lang ang nagawa ni Atia sa dibdib ni Percy. Pero meron nang pinprick ng dugo na lumitaw sa fleshy part na natusok ng scalpel.
Si Erin ang napagdiskitahan tuloy ni Atia. Itatarak sana nito ang hawak na scalpel sa isang mata niya pero maagap itong napigil ni Erin. Halos nagbunung-braso ang mga kamao nila na nakapagitan ang matalas na panghiwang na hawak ni Atia.
Kahit nahila si Eve pababa ni Yuri, fortunately ay hindi niya nabitawan ang hawak na mallet. Hinataw niya ang kamay nitong nakahawak sa isang hita niya. Na-dislocate iyon kasabay ng paglabas ng maraming electrical sparks. Hahatawin sana ulit ni Eve ang kamay ng robot na hindi pa rin bumibitaw sa hita niya nang kumilos ang isang pincer hands nito at hinawakan ang kamay niyang may hawak sa mallet. Sa inis ni Eve ay ginamit niya ang isang hita at ubod ng lakas na tinadyakan ang robot na mukha. Tumagilid ang mukha nito kasabay ng paglabas ulit ng maraming sparks.
Nagbubuno pa rin sina Atia at Erin sa floor ng basement. Sinimulang sakalin ng isang kamay ni Atia si Erin. Naubo at nagsimulang sumingap ng hangin si Erin habang unti-unting bumababa ang scalpel na hawak ni Atia papunta sa mukha niya, signal na nanghihina ang pulso ni Erin sa pagpigil sa kamay ng kalaban. Pero nakaipon ng panibagong lakas ni Erin at tinuhod nito ang tiyan ni Atia na nakapatong sa kanya. Napaimpit si Atia sa biglang sakit na dumapo sa kanya.
Habang abala silang lahat sa sari-sarili nilang pakikipagbuno, walang nakapansin na bumababa na rin sa basement si Czarina at gulat na gulat sa kaguluhang bumungad sa kanya.
"Mommy!" Hindi napigilang sigaw ni Czarina nang makita niya si Erin na nakikipag-wrestling kay Atia sa sahig ng basement.
Parehong natigilan sina Atia at Erin at napatingin kay Czarina na nakababa na sa last stair riser. "Czarina! 'Di ba, I told you not to come here?!" Pagalit na sita ni Erin.
Kinuha naman oportunidad ni Atia ang saglit na distraction. Siniko niya ang mukha ni Erin. Napahiga ito sa sahig, sapo ang nasaktang mukha. Gumapang naman ng mabilis si Atia palapit kay Czarina. Nakataas ang scalpel na itatarak sa dibdib ng bata. Bumalikwas agad si Erin, balewala kung nagno-nosebleed siya nang sikuhin siya ni Atia. Pero kahit yata may super speed power si Erin, hindi niya mauunahan si Atia sa paglapit sa anak niya. Napasigaw na lang siya ng malakas.
Sakto namang nakaposisyon na sa pagsaksak si Atia kay Czarina na parang statue lang sa pagkakatayo, in total shock sa mga nangyayari nang biglang tinadyakan siya ng malakas ni Eve sa mukha. Tumalsik si Atia at tumama ang likod sa surgical table kung saan naka-strap pa rin si Percy. Napahiga ito sa flooring ng wala nang malay pero hawak pa rin ang scalpel.
"Bitch." Puno ng hatred na sabi ni Eve sa walang malay na si Atia. Sa likod naman niya makikitang natalo ni Eve ang robot na si Yuri. Nakasaksak sa napiping ulo ng robot ang mallet na pinaghataw ni Eve. Hindi na kumikilos ang robot na panay ang labas ng sparks sa iba't-ibang bahagi ng katawan.
Dahil na-drain ang energy sa pakikipag-away kay Atia ay pagapang na lang na lumapit si Erin kay Czarina at niyakap ito ng mahigpit. "Sabi ko sa 'yo, Czarina, not to follow and it's dangerous. Bakit sumunod ka pa rin, ha?" Naiiyak na sabi ni Erin. Pero hindi naman sumagot si Czarina at gumanti lang ng yakap sa Mommy niya.
Lumapit naman si Eve kay Percy at sinimulang kalasin ang shackles na nakakabit dito. "Are you okay, baby?" Masuyong tanong ni Eve.
Tumango naman si Percy although halatang basa ang mga mata sa luha. Pero hindi na ito umiiyak.
"Erin, I think we better call the cops." Suhestiyon ni Eve habang tinatanggal na ang shackles na nakakabit sa paa ni Percy. "Hindi ko dala 'yung phone ko. Naiwan ko sa car."
"Right." Hapong-hapo pa rin ang pakiramdam na sabi ni Erin. Pero kinuha niya ang phone sa bulsa ng suot na jeans at nagsimulang i-dial ang hotline number ng police ng Green Valley Lakes.
Napansin naman ni Czarina ang nanunuyo nang dugo sa ilong ni Erin kung saan siya siniko ni Atia kanina. Puno ng tenderness na pinunasan iyon ni Czarina ng kamay niya.
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...