KAHIT nagmamaneho na si Erin pauwi sa apartment house nila ay hindi niya mapigilang hindi tingnan ang china doll na yakap-yakap ni Czarina habang nakapatong sa lap nito. On the surface, wala naman siyang nakikitang kakaiba dito. In all honesty, nagagandahan nga siya sa doll. Pero the mere fact na mukha ito isang ancient artifact at nakasuot ng makalumang garb ang nagbibigay ng unsettling feeling kay Erin.

Dumaan sila sa isang road na tanaw na tanaw ang Green Valley Lake na nagsisilbing tributary ng Laguna de Bay. Natutuwang tiningnan ito ni Czarina. Itinaas pa niya ang hawak na china doll sa tapat ng bintana sa side niya. "Look, Marikit! The lake is very beautiful, see!" Nakatulong ang full moon para makita nila ang nagsi-shimmer na lake sa liwanag nito kahit gabi na.

Hindi napigilan mapatingin ni Erin sa daughter niya. Sumagi na naman sa isip niya if she's being a good mother. Mula nung maghiwalay sila ng ka-partner niyang si Herbert at isama nito ang anak nilang si Percy, napansin niya naging malungkutin si Czarina nang mapahiwalay rin ito sa half-brother niya. Si Herbert din kasi, nakita lang sila ng ex niya na si Bryan na magkausap sa isang restaurant sa Makati, kung anu-ano na agad ang naging conclusions. In-accuse agad si Erin na nakikipagbalikan siya kay Bryan. Masama bang to be friends with your ex? tanong niya dito. Especially kung tungkol naman sa daughter nila ang pinag-uusapan. Ang rason naman nito, hindi siya naniniwalang puwedeng maging magkaibigan ang dating naging magkarelasyon. Saka ang nakita daw nito, hindi lang simpleng nag-uusap sila ni Bryan. She was laughing flirtatiously daw. She was even holding her ex's cuffs while laughing. Hindi matandaan ni Erin. Siguro ginawa nga niya. Ganu'n naman talaga siya, katwiran niya. Ma-touch talaga siyang tao, especially pag palagay na ang loob niya sa kausap niya. Lalo na pag friends niya.

Inamin mo rin na palagay na ang loob mo sa kanya? Accusatory ang boses ni Herbert sa kanya habang isa-isang kinukuha nito ang mga damit niya sa cabinet at itinutupi ito sa suitcase. Kahit anong paliwanag niya, parang hindi na siya naririnig ni Herbert. Sarili na lang nitong reasoning ang pinapakinggan nito. Wala rin siyang nagawa. Kahit halos magmakaawa siya habang umaalis ito sa apartment nila, bitbit ang sariling gamit at si Percy, hindi na ito nagpapigil.

Tapos ngayon, malalaman niya na lang na kasama na ni Herbert ngayon sa isang condo unit sa Ortigas ang secretary nito na fresh graduate lang from college. Matagal na niyang naririnig 'yung secret affair nito sa secretary niyang si Eve. Pero dinismiss lang ni Erin. Hindi siya kasi naniniwala lang sa heresay. Pero ngayon confirmed na. Ginawa lang palang alibi ni Herbert 'yung pag-accuse sa kanyang nakikipag-affair kay Bryan para maging official na sila nung Eve. What a jerk of a partner he is!

Ni-ruffled ni Erin ang mahaba at malagong buhok ni Czarina. Forgive me and your Papa Herbert. If not for our fucked up relationship, hindi sana kayo magkakalayo ng brother mong si Percy.

Nang pumarada ang kotse ni Erin sa tapat ng apartment house nila, napansin niya agad na nagkakagulo sa katapat niyang apartment. May mobile patrol at ambulance pa. Marami din mga bystanders. Pero ang mas ikinagulat ni Erin nang makita niyang maraming mga pusa ang paikot-ikot sa apartment.

"Ano kayang nangyari dito?" Tanong niya habang nag-o-obserba at pini-press down ang clutch ng kotse. "Stay in the car, Czarina, ha? I'll just ask around." At bumaba na ng kotse si Erin.

Kuntento namang tumanaw sa nakasarang bintana ng kotse si Czarina habang yakap nito ang doll na si Marikit.

Nilapitan ni Erin ang isang lalaking kapitbahay na si Leon na kalong naman ang eight year old son nitong si Nicholas na umuusyoso rin sa commotion sa apartment. "Leon, 'di ba si Reuben 'yung nakatira d'yan? Anong nangyari? Saka bakit ang daming mga pusa?"

"Hindi ko rin alam, eh." Sagot ni Leon. "Napalabas lang din ako ng bahay nung narinig kong may nagsisigawan at 'yung sirens ng ambulance. Ang narinig ko pa lang, maraming nagpasukan na mga pusa d'yan sa apartment ni Reuben at tapos kinain daw buong katawan niya. Kadiri 'no? Karma na din siguro 'yan kay Reuben. Hilig kasing magpatakbo ng mabilis ng motor niya. Ang dami na kaya niyang nasasagasaang mga alagang hayop sa lugar natin."

Sakto namang inilalabas ng mga paramedics sa stretcher ang bangkay ni Reuben na balot ng white na blanket. May isang naligaw na pusa na hindi agad na-block ng paramedics. Sumampa ito sa ibabaw ng stretcher at kinalmot-kalmot ang parte ng mukha ni Reuben na natatabunan ng blanket. Maagap na binugaw ng mga paramedics ang pusa. Tumalon paalis agad ang pusa pero natanggal din ang blanket na tumatabing sa mukha ni Reuben. Na-expose tuloy ang disfigured na mukha nito sa crowd. Maraming deep gashes at kagat ang mukha. Maraming punit na laman sa pisngi. Na-expose tuloy ang facial muscle tissues nito. Nawawala rin ang isang mata ng bangkay presumably ay kinain ng isa sa mga pusa. Nagsigawan ang mga nakikiusyoso nang makita ang sinapit na mukha ng kapitbahay nila. Agad na tinakpan ng paramedics ng blanket ang sumilip na mukha ni Reuben at nagmadali na silang isinakay iyon sa likuran ng naka-park na ambulance.

"Yes! That's what I'm talking about!" Sigaw ni Nicholas na kalong ni Leon nang ma-expose ang mukha ng bangkay.

Sinaway agad ito ni Leon. "Nicholas, don't say that! Masama 'yun."

Si Erin naman hindi na natagalan ang nakikita ay nagpaalam na kay Leon at lumakad pabalik sa kotse niya.

Habang nakikitingin si Erin sa nangyari sa katapat na apartment, may isang stray cat ang lumakad palapit sa kotse niya. Nakatingin ito sa bintana kung saan nakatanaw si Czarina habang yakap nito ang china doll na si Marikit. Nagsimulang umungol ang pusa habang nakatitig ito sa china doll na hawak ni Czarina. Nalipat ang tingin ni Czarina sa commotion na pinapanuod sa pusang nakapuwesto sa harap ng bintana niya. Agitated na nakatingin ang hayop sa kanya habang panay ang kislot ng buntot nito. Nagulat si Czarina nang biglang lumundag ang pusa sa bintana niya. Buti na lang at hindi pa niya binubuksan ang glass window. Kung hindi baka nakalmot na siya ng pusa sa mukha. Napasigaw si Czarina sa gulat at takot. Pero hindi pa rin tumigil ang pusa. Nilundag ulit nito ang bintana niya. Mukha hindi yata ito titigil hangga't hindi nagka-crack 'yung windshield at makapasok ang pusa sa loob ng kotse. Napasigaw ulit si Czarina at niyakap na maigi ang bagong bili niyang china doll.

Naghahanda uling mag-sprang ang pusa sa bintana ng kotse pero sumulpot na si Erin at sinipa nito palayo ang pusa. Nagtatakbo ito sa dulo ng kalye habang ang ambulansiya naman na karga na sa loob ang bangkay ni Reuben ay nagsimula nang umandar habang maingay na tumutunog ang siren. Kasunod din nito ang rumespondeng patrol car. Isa-isa na ring na-disperse ang mga miron. Pero marami pa ring mga pusa ang paggala-gala sa naabandonang apartment.

Binuksan ni Erin ang passenger door para ma-check si Czarina. "Are you okay, Love?"

Tumango naman si Czarina pero basa agad ng teardrops ang mga mata.

"Du'n na tayo sa loob ng house natin so you could play with your new doll." Kahit hindi na niya madalas ginagawa dahil mabigat na ang timbang ni Czarina, binuhat ito ni Erin. Ayaw niyang mag-take ng chance na maglakad ito habang nakakalat pa rin ang mga pusa sa katapat nilang apartment. Bakit kaya biglang naging violent 'yung mga pusang ligaw dito sa 'min?

Nagawa namang i-lock ni Erin ang pintuan ng kotse kahit kalong si Erin at pinag-iisipan kung siya na ang kusang tatawag sa nearest animal shelter sa lugar nila para asikasuhin ang mga pusang ligaw habang pumapasok sa sarili nilang apartment.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon