NANG hapon din 'yon, tumawag si Luigi kay Professor Soriano at sinabi nitong pumayag na ang father ni Leonard na si Mr. Tony dela Cruz na bumisita sila sa anak niya na nagpapagaling ngayon sa St. Luke's Hospital sa Taguig. Na-surgically removed na ang bullet sa sugat at by tomorrow ay baka i-discharge na si Leonard at sa bahay na lang itutuloy ang convalescent period nito.

Sabay-sabay na nagtungo sa hospital sina Professor Soriano, Cassandra at Luigi. Mapanglaw ang ngiti ni Tony nang pumasok sila sa hospital suite ni Leonard. "Tuloy kayo."

"Hi." Matamlay na bati ni Leonard sa kanila pero sinabayan naman niya ng hand gesture.

"Thank you for letting us see your son, Mr. dela Cruz." Sabi ni Professor Soriano sa father ni Leonard.

"No problem." Sagot naman nito. "Pero Tony na lang." Saka bumaling ito kay Leonard. "Du'n muna ako sa cafeteria, Leo. I'll let you guys talk privately muna. Wala ka bang ipapabili?"

Saglit na nag-isip si Leonard saka nakangiting sumagot. "Coke saka Pringles."

Halatang disgustado na bumuntong-hininga si Tony. "Matigas talaga ulo ng anak kong 'yan." Pagsumbong nito kay Professor Soriano na sinabayan naman nito ng tawa.

"Love you, Dad!" Habol na tawag ni Leonard kay Tony na itinaas lang ang kamay habang lumalabas ng silid.

Nang makalabas ang tatay ni Leonard saka lumapit ang mga bagong dating sa higaan ni Leonard. Sa ulunan pumuwesto si Luigi, si Professor Soriano sa gilid ng higaan at si Cassandra naman humila ng monobloc chair at sa footboard pumuwesto ng upo, kipkip ang Garfield plushie.

"Kuwento ng Dad mo sa 'min when we first called na ire-release ka na daw bukas." Sabi dito ni Luigi.

"Mabuti nga 'yun, e. Nasusuka na ako sa antiseptic smell nitong kuwarto ko."

Napansin nila si Professor Soriano na napapadalas ang pagsinghot at nanginginig ang baba.

"Prof...?" Nag-aalalang tanong ni Leonard.

"Sorry, Leonard, Luigi. Hindi siguro mangyayari 'to kung hindi dahil sa 'kin." At tuluyan nang naiyak si Professor Soriano. Lumuhod ito sa gilid ng kama at idikit ang mukha niya sa kutson. Ayaw ipakita ang pag-iyak niya.

"Prof, ako naman itong nagyayang sumama sa 'tin sina Leonard at Benjamin, 'di ba? Kaya 'wag n'yong isisi lahat sa sarili n'yo." Pangangatwiran naman ni Luigi.

"Maski na. Ako 'yung adult. I should be the one responsible. Dapat ikinunsulta ko muna sa school board para naplanong maigi. O kaya hindi ko na lang kayo pinayagan in the first place. Dahil hindi ko kayo naipaalam sa mga parents ninyo. I bypass them. Now I fucked up big time. Nawala tuloy ang kaibigan n'yo dahil sa 'kin." Humagulgol na ng iyak si Professor Soriano.

"Prof, never ka naman namin sinisi ni Luigi sa nangyari kay Benjamin. Wala may gusto duon sa nangyari. It's beyond your control."

Pero parang walang naririnig ang propesor, patuloy lang 'to sa pag-iyak.

"Nabalitaan mo na ba?" Mahinang tanong ni Luigi kay Leonard. "Hinatulan na siya ni Dean Katigbak."

"Shit." Hindi napigilang mapamura ni Leonard sa pagkagulat.

Inabot ni Leonard ng kamay niya si Professor Soriano hanggang mahawakan niya ito sa balikat. "Kakausapin namin si Dean, Prof. We'll make her understand. And eventually, i-reverse niya 'yung decision niya sa 'yo. Hindi ka nila dapat gawing fall guy dahil du'n sa nangyari."

Iyak lang ang tinugon ni Professor Soriano. Lahat na 'yata ng pent-up emotions niya ay lumalabas na ngayon.

Lumapit na rin si Luigi sa propesor at hinangod ang likod nito.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon