SIGURO mag-a-anim na taong gulang pa lang ako nu'ng dumating ako dito sa Gabaldon. Kahihiwalay lang nu'n ng Nanay at Tatay ko. Si Nanay, dahil gustong makapagsimula agad nang wala sila ni Tatay, nagpursige agad na umalis ng Maynila at pumarito. Tubong Nueva Ecija naman kasi si Nanay. Pero taga-Gapan talaga siya. Nagkataon lang na nabalitaan niya na may binebentang ekta-ektaryang lupain dito nga sa Gabaldon. Ginamit niyang funds 'yung perang nakuha niya nang paghatian nila ni Tatay 'yung halaga sa napagbentahan ng bahay namin sa Sampaloc. Eh, hindi pa naman ganu'n kataas ang bentahan ng lupa dati kasi din pa naman ganuong ka-progresibo ang Gabaldon nu'ng panahon na 'yun.

Middle-man namin nu'n si Mang Berto sa owner nitong hectares of land. At that time, wala pa nu'n speech defect si Mang Berto at nakakapagsalita pa. 'Yung original na may-ari naman nitong lupa desidido na talagang mag-migrate sa States. Mukha pa ngang nagmamadali kaya ura-uradang binenta itong lupa nila. Hindi na nga niya yata inalam kung lugi siya sa bentahan. Basta't once they sealed the deal, bumili agad siya ng one-way ticket pa-Chicago. Wala na kaming balita sa kanya since then.

("Anong nangyari kay Mang Berto? Kung OK ang speech niya dati, bakit ngayon hindi na?" Hindi napigilang tanong ni Luigi.

Seryosong tiningnan ni Adrian si Luigi na parang 'di nito nagustuhan na sumingit siya sa pagkukuwento nito. "Darating tayo du'n. Be patient. Kakasimula ko pa lang sa kuwento."

"Makinig na muna kasi." Sita naman dito ni Benjamin.

Si Luigi naman ngayon ang sumimangot kay Benjamin.)

Meron akong alagang golden retriever nu'n. Ang pangalan niya Bruce. Palagi kaming naglalaro sa paligid ng tinatayo pa lang nu'n na resort namin. Wala pang official na pangalan itong resort nu'n. Pinag-iisipan pa ni Nanay. Malikot 'yung aso kong 'yun. Kung saan-saan naiisip pumunta. Napakabilis pang tumakbo. Halos hikain na ako kakahabol du'n sa mokong na asong 'yon.

One afternoon, for some reason, biglang napagdiskitahan ng aso ko na maghabol ng mga lumilipad na uwang o salagubang. Meron 'atang dumapo sa ilong niya at kinagat siya. Sa sobrang inis, biglang hinabol. Kahit anong saway ko, ayaw paawat.

Nang lumipad ang salagubang papunta du'n sa unang trail na pinasukan natin kanina, hinabol pa rin ng aso ko. Maraming dawag pa 'yung trail nung panahon na 'yon. Pero discernible pa rin naman. Hindi ko alam kung ano o para saan 'yung trail. Possibly, daanan 'yun ng mga nagba-barter dati during the late eighteen hundreds. I'm not really sure. But the trail is there. And my dog is running after a stupid beetle on that trail.

Syempre, sinundan ko. Baka kasi mawala. Naabutan ko 'yung aso ko du'n sa intersection na dinaanan natin kanina. 'Yung may signboard na may nakalagay na 'KEEP OUT'. Nakapuwesto sa harap nu'n si Bruce. Tahol ng tahol. Nung makalapit ako, nakita ko na nakadapo pala du'n 'yung uwang na sinusundan ng aso ko. Niyaya ko si Bruce na bumalik na kami dahil panigurado hinahanap na ako ni Nanay. Pero ayaw ng aso ko na umalis. He wouldn't even budge. Nakatitig lang du'n sa uwang na gumagapang sa signboard. Nang biglang lumipad 'yung uwang, sinundan ulit ng aso ko na tahol ng tahol. As expected, I have to follow. Hindi ko alam that time na ang pinupuntahan na pala namin ng aso ko 'yung bakuran na ng kubo ni Apo Tudlay sa kabilang dulo ng trail.

Nung makarating na kami ng aso ko sa may bakuran ng kubo, hindi ko alam kung bakit pero ginapangan ako ng kilabot sa katawan. Nagtataka nga ako kasi broad daylight naman. May naririnig pa nga akong mga huni ng ibon sa mga punong nakapaligid sa amin. Pero iba eh. Parang kahit sa gitna ng sikat ng araw, may ibang aura na ipinaparamdam sa 'kin 'yung place. At 'di ko gusto 'yung ipinaparamdam sa 'kin.

'Yung aso ko naman parang naramdaman rin 'yung nararamdaman kong creepiness. Pero nung lumitaw ulit 'yung uwang at lumipad-lipad sa mukha niya na parang tinutukso pa siya, napraning na naman. Nagtatahol. Lumipad papasok ng bakuran 'yung uwang. Sinundan syempre ng aso ko. Pumasok sa loob ng kubo 'yung uwang. Tumakbo papunta sa kubo si Bruce. Pero hanggang sa may threshold lang siya ng pinto at hindi na pumasok. Saka parang galit na galit pero at the same time nagwa-whine din siya na parang natatakot.

Sumunod ako. Tinatawag ko. Sinasabi ko ulit na umuwi na kami. Pero ewan ko ba kung ano nangyari sa aso ko. Either nabingi na o hindi na kinikilala ang boses ko. Nung pumasok na ako sa bakuran, du'n ko na napansin 'yung mga sulo. May mga nakapatong na mga ulong naaagnas na. Du'n ko nakumpirma kung bakit ayaw ko sa lugar na 'yon. Na baka kumakain ng laman ng tao 'yung nakatira sa kubo. Kahit nanlalamig na ang buong katawan ko at gusto nang bumigay ng mga tuhod ko, pinilit ko pa ring puntahan 'yung aso ko. Pipilitin kong umuwi na kami. Kahit hilahin ko pa siya mula sa kubo. Kahit kagatin pa niya ako. Makaalis lang kami sa lugar na 'yon.

Nang makalapit na ako kay Bruce sa may pintuan ng kubo, du'n ko nakita si Apo Tudlay. O mas tamang sabihin ko ang estatwang rebulto ni Apo Tudlay. Kung pa'no ninyo siya nakita kanina, ganu'n pa rin ang hitsura niya. Rebultong naka-Indian seat sapagkakaupo sa sahig. Tikom niyang bibig at nakasara ang talukap ng mga mata. Later, pag nakabalik na ako sa bahay, saka ikukuwento sa 'kin ni Mang Berto na dating sikat na manggagamot si Apo Tudlay. Sa sobrang galing niyang manggamot, nagkaroon siya ng mga panatiko. Hanggang maging samahan na ito ng kulto at ginawa na nila 'yang rebulto ni Apo Tudlay as a form of worship.

Kahit nakakaramdam ako ng takot, hindi pa rin maalis ang tingin ko sa rebultong bato. Tapos nakita ko na lang biglang bumubuka 'yung bibig ng rebulto. Gusto kong sumigaw. Pero piyok na boses lang ang lumalabas sa bibig ko. Paano nangyari na nagagawa ng estatwang bato na ibuka sarili niyang bibig?

May maitim na likido na nagsimulang umagos mula sa nakabukas na bibig ng rebulto. Parang tar. Umagos hanggang sa dibdib, hanggang sa puson ng rebulto. Tapos, may nakita akong kumikilos sa loob ng bibig. May narinig akong mga sitsit bago unti-unting lumabas 'yung nasa loob ng bibig. Akala ko nung una dila lang pero may nakikita akong forked tongue na lumalabas mula sa dulo. Saka nakita kong may sumisilip na mga kaliskis sa itim na likidong nakabalot sa katawan nito. Saka ko lang nakumpirma na ahas 'yung lumabas sa bibig ng rebulto nang gumagapang na 'yung ahas sa parteng dibdib ni Apo Tudlay. Pero hindi lang basta ahas. Nang makita kong may lumitaw na hood sa ulo nung ahas nang gumagapang na palapit sa 'min ni Bruce, alam ko nang cobra 'yung lumabas sa bibig ng rebulto.

Gustung-gusto ko nang umalis sa pintuan, bumaba sa hagdan ng kubo at tumakbo palayo sa lugar na 'yon pero hindi ko magawa. Na-hypnotize 'ata ako nung cobra. Nakita ko na lang inilabas na nung cobra 'yung dalawang fangs niya. Alam ko aatake na 'yung cobra sa 'kin. I can't say for certain now pero alam ko at that moment 'yung isang mata ko ang balak tuklawin ng cobra. Right at the moment it was about to strike, may tumamang bato sa cobra. Sakto sa mukha. It got really pissed. It hissed very loudly. It's whole body was shaking all over. Luckily, imbes na umatake ulit, gumapang ulit 'yung cobra pabalik sa nakabukas na bunganga ng rebulto. Nang makapasok na 'yung buong katawan ng cobra, saka sumara ulit 'yung bibig ng estatwa.Kung wala 'yung stain ng black ichor na nakakalat sa bibig at dibdib ng statue, you wouldn't thought that anything unusual had just happened.

Kahit hindi ko pa nililingon 'yung nagligtas sa akin, alam ko na si Mang Berto ang dumating. Para du'n lang nawala ang paralysis ko. Pati 'yung aso kong si Bruce, para nu'n lang biglang nakakilos. Tumatahol pa itong lumapit kay Mang Berto. May dala itong tirador. 'Yun ang ginamit nito para tamaan 'yung cobra dudukot sana sa mata ko. Laking pasalamat ko nu'n na dumating si Mang Berto.

Hindi ko lang in-expect na kasama pala ni Mang Berto si Nanay. Matatakutin kasi Nanay ko. Ni hindi nga 'yun nanunuod ng mga horror movies. Maski Tagalog films na nakakatakot, hindi niya kayang panuorin. Pero ganu'n 'yata talaga pag parent ka na. Kaya mong kalimutan 'yung mga personal mong takot para sa kapakanan ng anak mo.

Naramdaman ko 'yun nung nilapitan agad ako ni Nanay at tinanong kung kamusta ako. Kung napano ba ako. Tinuro ko 'yung rebulto sa loob ng kubo. Na dapat sana hindi ko ginawa. Kasi si Nanay mukhang na-mesmerize din sa rebulto.

Nagtatawag na si Mang Berto na umalis na kami ro'n. Pero si Nanay hindi pa rin maalis ang tingin sa rebulto. You would think na may nakita siyang rare gem du'n sa estatwa kaya hindi niya matanggal ang tingin. Kung hindi pa siya nilapitan ni Mang Berto at hinawakan sa braso, hindi pa siya mahihimasmasan.

Nagmamadali kaming tumakbo palayo. Ako, si Mang Berto, si Nanay at ang aso kong si Bruce. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko ang mga nakatayong sulo. Ang mga ulo na nakasaksak sa mga sulo. I don't remember it clearly now, pero it seems at that time na tumatakbo kami paalis ng bakuran, may mga gumagalaw du'n sa mga bibig ng mga heads sa spears. Pero hindi ko na pinatuunan ng pansin. Ayokong isipin na mga cobra din 'yung nagpupumilit lumabas sa mga bibig ng mga bangkay. Ang importante lang sa 'kin nu'n, makaalis kami sa kubo ni Apo Tudlay agad-agad.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon