NAKAPUWESTO ng upo pareho sina Benjamin at Leonard sa malaking tipak na bato sa clearing ng campsite. Nakaharap si Leonard kay Benjamin para mapahiran nito ng ointment ang pasa niya sa noo.
"Aray!" Sabi ni Leonard sabay iwas ng mukha niya sa kamay ni Benjamin. "Ang bigat talaga ng kamay mo, Benjamin. Ang diin mong maglagay ng gamot."
Sakto nang mapasigaw si Leonard ay lumabas mula sa pagtatago sa kuwelo niya ang uwang at lumipad para magtago sa ilalim ng hindi pa natatapos na itayo na tolda nina Benjamin. Pero hindi ito napansin ni Leonard o ni Benjamin. Pareho kasi silang abala sa paggagamot ng mga sugat na natamo nila.
"Sorry." Apologetic na sabi ni Benjamin. "Sandali na lang 'to." Naglagay siya ulit ng ointment cream sa daliri at aktong ipapahid ulit sa noo ni Leonard.
"Dapat kasi ganito lang." At hinawakan agad ni Leonard ang kamay ng naggagamot sa kanya. Kahit nabigla, hindi na nagawang pigilan ito ni Benjamin.
Hawak ang kamay ni Benjamin, maingat na idinantay ni Leonard ang mga daliri nito sa noo niya para mapahid ang cream sa pasa.
"Ganyan. Gentle lang. Parang sinasalat mo lang 'yung affected part." Sabi pa ni Leonard, nakangisi ito habang nakatitig kay Benjamin na halata nang naiilang. Nagsisimula nang pumula ang pisngi.
Hindi na rin nakatiis si Benjamin at binawi na niya ang kamay na hawak ni Leonard. Hindi tumitingin dito na ibinato niya ang ointment sa lap ni Leonard. "Kaya mo naman pala eh. Ikaw na gumawa."
"Hindi ko kita 'yung exact part ng pasa ko." Pangangatwiran ni Leonard.
Hinablot ni Benjamin ang katabi niyang toiletry pouch, kinuha ang portable mirror at hinagis din iyon sa lap ni Leonard.
Naka-pout si Leonard na dinampot ang mirror at sinipat ang pasa niya sa mukha. "Dapat ang itawag ko na sa 'yo Mister Sungit."
Iningusan lang ni Benjamin si Leonard bilang sagot.
Nadako ang tingin ni Benjamin sa tolda na itinayo kanina ni Professor Soriano at ni Adrian. Kita niya mula sa nakabukas na flap ng tent ang akto ng panggagamot ni Adrian kay Luigi.
Tumayo si Benjamin sa inuupuang bato at pinagpag ang puwitan ng suot na khaki shorts. "Puntahan ko lang si Luigi. Kakamustahin ko." Paalam nito kay Leonard bago lumakad papunta sa tent.
Nagmadali naman sa pagpahid ng ointment si Leonard saka pabalandrang ibinalik ang ointment at ang portable mirror sa pouch na naiwan sa inuupuang bato saka halos patakbong sinundan si Benjamin.
"Antay saglit!"Tawag pa ni Leonard. Nang makaagapay sa paglalakad ni Benjamin ay inakbayan pa ito ni Leonard. Inis na papalisin ito ni Benjamin pero agad ding ibabalik iyon ni Leonard.
Binigyan ni Benjamin nang mapaklang tingin si Leonard na ginantihan naman siya ng charming na ngiti.
Nasa akto naman na binabalutan ng bandage ni Adrian ang ulo ni Luigi gamit ang sterile gauze nang makalapit sa tolda sina Benjamin at Leonard.
"How are you doing na, Luigi?" Halata ang concern sa boses na tanong ni Benjamin.
"Okay na naman. Hindi ako aware na nag-passed out pala kanina kung hindi pa kinuwento sa 'kin ni Sir Adrian. Sobrang hassle ko pala sa inyo kanina."
"Hindi hassle 'yun, oy! 'Di dapat ganu'n ang isipin mo." Saway ni Adrian kay Luigi habang sine-secure ang benda nito sa ulo. "'Buti na lang kaka-replenish ko lang ng supplies ko ng pang-first aid du'n sa kubo natin." Nagawi ang tingin ni Adrian kay Leonard na nakasilip rin sa bukana ng tent katabi si Benjamin. "Ikaw? Okay na ba pakiramdam mo?"
Nakangiting sumagot si Leonard. "Okay na, Kuya. Magaling ho kasing manggamot 'tong si Benjamin."
Pinalo naman ni Benjamin sa braso si Leonard na nagkunwari namang nasaktan.
Tumaas ang mga kilay ni Adrian habang pinapanuod ang dalawa.
"Pasensiya na, Sir Adrian. Maski ako nagugulat rin sa sobrang closeness ngayon ng dalawang 'yan." Sabi ni Luigi na ang pinatutungkulan ay sina Leonard at Benjamin.
Natanaw ni Adrian na lumalapit sa tolda nila si Professor Soriano kalong-kalong si Cassandra na nakapagpalit na ng malinis na damit. Lumabas ng tolda si Adrian at sinalubong ang dalawa.
"Hindi ba mas safer kung bumalik tayo sa resort para madala natin sila sa bayan? Para mapatingin 'yung injuries nila kahit sa maliit lang na clinic." Tanong agad ng propesor nang makalapit sa kanya ang kaibigan.
Tumingin muna sa langit si Adrian saka tiningnan ang oras sa wristwatch na suot. "Lagpas alas singko na. 'Pag nag-start tayong mag-pack up dito at maglakad pabalik, aabutan tayo ng dilim sa trail. Mas hindi safe pag ganu'n kahit may mga flashlights pa tayong dala. May tauhan ako dati dito na inabutan ng gabi sa trail galing sa pag-aayos dito nung dini-develop pa 'tong clearing na 'to. 'Yun nga lang, naligaw siya kahit may high powered flashlight na dala. Natagpuan na lang namin the following day..." Napatingin si Adrian kay Cassandra na kalong pa rin ng propesor at nag-alangan ituloy ang sasabihin.
Natunugan naman ng propesor ang pag-aalinlangan ng kaibigan. Ibinaba muna niya si Cassandra. "Cass, play Chameleon Run muna sa phone ni Papa."
Sumunod naman agad si Cassandra nang walang kuskos-balungos. Nang makita ng propesor na nakalayo na ang bata at busy na sa paglalaro sa iPhone nito ay saka ito bumaling kay Adrian. "Patay na 'yung tauhan mo nung makita n'yo, ano?" Tanong pa rin ng propesor kahit alam na niya kung ano ang sagot.
Marahang tumango si Adrian. "Marami siyang sugat sa katawan. According sa mga forensics, mga kagat daw ng wild boar ang kinamatay pero di sila conclusive sa findings."
Bumakas sa mukha ni Professor Soriano ang magkahalong takot at galit. "Adrian, bakit ngayon mo lang sinasabi sa 'kin 'to? Sana, umpisa pa lang, diniscuss mo na sa 'kin 'yung potential na dangers dito sa resort mo, lalo na dito sa campsite."
"Matagal na namang nangyari 'yun, Danny. It's been three years since that happened. Hindi na nangyari ulit. Saka regular na naming sinusuyod ang paligid ng resort at itong campsite. Nag-iingat na kami."
"Bullshit!" Mahinang sabi ni Professor Soriano para hindi siya marinig ni Cassandra at ng mga estudyante niya. "Pa'no 'yung lugar na pinuntahan ng mga estudyante ko kanina? 'Yung kubo ng sinasabi mong mangkukulam? Doesn't that place pose a threat to us kahit nandito tayo sa campsite?"
Sasagot sana si Adrian pero tinawag ito ni Luigi na lumabas na rin sa tolda at tumabi kina Benjamin at Leonard. "Sir Adrian! Tuloy ba 'yung kuwetuhan natin ng ghost stories mamaya? Kasama n'yo bang ikukuwento 'yung tungkol sa kubo na pinuntahan namin kanina?"
Pilit ang ngiti ni Adrian nang sumagot. "Oo. Basta 'wag n'yo kong sisihin pag nagka-nightmares kayo. Saka maghanda rin kayo ng sarili n'yong stories, ha? Para mas masaya."
Binalik ni Adrian ang tingin sa propesor pero iba na ang sinagot nito sa tanong niya kanina. "Ihanda ko na 'yung campfire natin." Paalam nito at lumakad na palapit sa mga nalikom nilang mga kahoy na sisigaan.
Napasunod na lang ang tingin dito ni Professor Soriano. Halata pa rin ang pagkadiskumpiyado sa mukha.
Natigil naman sa paglalaro ng mobile game si Cassandra. Nagtaas siya ng tingin sa isang malapit na mayabong na puno at makikita niya mula sa ibabaw ng mababang sanga na nakaupo ang gusgusing bata at titig na titig ang mga mata sa kanya.
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...