Manyikang Marikit

7 0 0
                                    

MAY GINAGANAP na summer trade fair sa clubhouse ng Green Valley Lakes subdivision. Nagkataong mahilig bumisita sa mga tiangge si Erin. Kaya ng makita niya sa newsfeed niya ang detalye ng trade fair sa Facebook page ng kanilang subdivision, kaagad niyang sinave ang lay-out na ginagawa para sa updated look ng isang online dating site. Freelance web designer si Erin. Matrabaho ang pinapagawa sa kanya ng kliyente niya. Kailangan may sound effects at moving graphics pang lumalabas every time na may iki-click na icon o tab ang mga bumibisita sa site. Nakailang lay out na siyang gawa at Skype meeting sa client pero wala pa itong nagugustuhan. Napaka-metikuloso. Mamaya na lang niya itutuloy. Mag-a-unwind muna siya. Baka may mabili pa siyang magandang hand bag, rhinestone jewelry o fashionable shoes. Hindi na masama.

Sinama na rin niya ang ten year old daughter niyang si Czarina kahit ayaw nitong sumama dahil tutok ito sa panunuod ng Avatar: The Last Airbender sa Netflix. Pero nag-promise siya na ibibili niya ito ng kung ano ang magugustuhan niya sa trade fair para sumama lang ito. Kahit medyo inconvenient, mas gugustuhin niyang kasama si Czarina tuwing umaalis siya ng bahay kaysa iwanan niya ito ng mag-isa.

Lagpas ala-sais na ng gabi nang makarating sila sa clubhouse. Pero marami pa ring tao. Hanggang twelve midnight naman kasi bukas ang trade fair. Friday night pa. Bumili muna sila ng french fries sa isang food stand bago sila nag-ikot sa trade fair.

"Careful. It's hot." Bilin ni Erin kay Czarina nang hinahawakan nito ang paper bag ng french fries.

Tumitingin si Erin ng color tone ng lipstick na babagay sa kanya sa isang booth na nagbebenta ng iba't ibang brands ng make-up nang may pamilyar na boses ang tumatawag sa kanya.

"Erin! ERIN!!!"

Nang lingunin ni Erin ang tumatawag, nakita niyang si Cathy pala ito. Kasamahan niya dati nung nagtatrabaho pa siya sa ad agency sa Makati. Nilapitan ito ni Erin sa booth nitong napapaligiran ng mga handmade bags. "Cathy! Hindi ko alam na nag-sign up ka rin pala dito sa trade fair. 'Di ba malayo kayo dito?"

"Lumipat na kami d'yan lang sa katabing village. Ikaw, ha? Halatang hindi mo pina-follow 'yung Instagram page nitong products ko. Pinost ko kaya ito sa IG story."

"Hindi naman kasi ako mahilig mag-browse sa social media. Ginagamit ko lang 'yun madalas pag kausap ko mga kliyente ko."

Natuloy sa pagkakamustahan at kuwentuhan ang usapan nina Cathy at Erin. Si Czarina naman nakadikit sa mommy niya habang inuubos ang biniling french fries. Nang ilagay ni Czarina ang wala nang laman na paper bag sa malapit na trash can, nadako ang tingin niya sa isang booth na hindi pinupuntahan ng mga tao sa trade fair. Minsan pa nga iniiwasan itong daanan ng mga naglalakad na visitors. Puno ng mga iba't-ibang klaseng dolls at stuff toys ang booth. Pero nagbibigay ito ng foreboding impression dahil madilim ang booth at isang mirror ball lang ang nagsisilbing ilaw nito. Nagmumukhang grosteque tuloy ang mukha ng mga dolls at stuff toys sa ilalim ng ilaw ng disco lights.

Pero si Czarina parang natuwa pa sa nakikita. Naenganyo siya sa dami ng dolls at stuff toys sa booth. Dahil busy si Erin sa pakikipag-usap kay Cathy na ngayon ay inaalok siya ng mga panindang bags nito, hindi na niya napansin si Czarina na lumalakad na palapit sa booth na puno ng mga dolls.

Nang nasa tapat na si Czarina ng booth, tiningnan niya ang iba't ibang klaseng dolls na nakasabit. May Raggedy Ann at Raggedy Andy dolls. May giant teddy bears. Mga puppet dolls at dummies. Sa glass case naman naka-display duon ang Matryoshka doll or stacking doll, infant dolls, ilang paper dolls at ang nakakatakot ang hitsura na Hopi Kachina Doll.

Sa ibabaw ng display case kusang gumalaw ang isang chattering teeth toy at ang monkey toy na hinahampas ang hawak nitong cymbals. Pero imbis na matakot, fascinated pang nakatingin sa mga kumikilos na toys si Czarina.

"'Itong doll na kasing-ganda mo ang babagay sa 'yo." Isang kamay ang biglang lumitaw mula sa booth na may hawak na napakagandang china doll na may suot pang straw hat at old-fashioned dress. Ang kamay namang may hawak sa doll ay kumikinang sa suot na gemstone studded bracelet at rings. Nakangiting tinanggap ni Czarina ang doll at tuwang-tuwang pinagmasdan ito. Ito na yata ang pinakamagandang manyikang nakita niya.

Natigil lang ang pag-marvel ni Czarina sa hawak na doll nang may humawak sa braso niya. Si Erin pala 'yun at worried na worried na nakatingin sa kanya. "Czarina, 'di ba I told you not to wander around without me? Binibigyan mo ng heart attack si Mommy, eh."

"Sorry, Mommy." Mahinang sagot naman ni Czarina.

Duon na napansin ni Erin ang hawak na manyika ng daughter niya. "Czarina, why are you holding that doll?"

"Gusto yata ng anak mo 'yung manyika. Bibilhin n'yo ba?"

Napatingin si Erin sa nagsalita. Isang middle-aged woman na nakasuot ng sari dress at turban sa ulo ang nakita niyang nagbabantay at presumably may-ari ng booth na napaliligiran ng iba't-ibang toys at dolls. Dahil sa ilaw na nanggagaling sa mirror ball ng booth, binigyan ng ghastly appearance ang dapat sana ay striking na mukha ng babae.

"Excuse me? Who are you?" Suspicious agad si Erin sa babae.

I'm Atia. I sell all kinds of dolls and toys. From the ancient, the exotic and the most modern ones. Mukhang na-attach na 'yung daughter mo kay Marikit. Ayaw na yatang bitawan."

Pagtingin ni Erin kay Czarina ay yakap-yakap na nito ang china doll.

"Marikit?" Tanong ulit ni Erin kay Atia.

"'Yun ang pinangalan ko sa doll. Unless gusto n'yong baguhin, I wouldn't mind at all."

"I like the name Marikit. I think it suits her well." Sagot naman ni Czarina na nakangiting nakatingin kay Atia.

"How much do you charge for the doll?" Tanong ni Erin habang kinukuha ang wallet sa dala niyang shoulder bag.

"Five hundred pesos."

Natigil si Erin sa pag-rummage ng paper money sa wallet niya. Kunot-noong napatingin siya kay Atia. "Ang expensive naman ng charge mo for that doll."

"I'm actually charging it cheap. Isa 'yan sa pinakamagandang dolls na binebenta ko dito sa booth. Special din ang doll na 'yan. Palagi akong nakakaramdam ng warmth and comfort tuwing hinahawakan ko si Marikit. Kaya nga hesitant akong ipagbili siya eh. Pero mukhang hindi ko na mababawi sa anak mo."

Pagtingin ni Erin kay Czarina ay kinakausap na nito ang doll na parang totoong tao. Tinatanong pa nito kung gustong kumain ng Oreos at milk pag umuwi na sila sa bahay mamaya. Mahihirapan na nga siyang isoli ang doll sa babae sa booth.

"We'll take it." At inabot na ni Erin ang limangdaang piso kay Atia.

"Thank you." Nag-bow pa si Atia nang makuha ang perang pambayad. "Kailangan n'yo ba ng paper bag para kay Marikit."

Ang weird. Kung i-treat niya 'yung doll para itong real living being. Even the way she spoke its name. Naisip bigla ni Erin bago sumagot. "No need. Hahawakan na lang nung daughter ko 'yung doll." At niyaya na ni Erin si Czarina na umuwi na sila.

Nakangiting pinagmasdan ni Atia ang mag-ina habang naglalakad palayo sa booth niya. Maya-maya, umatras siya sa loob ng booth hanggang itago ang pigura niya ng madilim na bahagi nito. Aakalain mo tuloy na walang nagbabantay sa booth na 'to maliban sa umiilaw na mirror ball. Gaya ng unang akala ni Czarina nung lumapit siya dito kanina. 

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon