NANG makarating si Erin sa trade fair, pinuntahan niya agad ang booth ni Atia kung saan niya nabili ang china doll. Palayo ang hawak niya kay Marikit na parang may nauseous substance na lumalabas sa manyika. Pero bakante ang stall na pinagbilhan niya ng manyika. Ang tanging natira na lang ay ang pinaka-iron grate ng stall. Ready na sa susunod na magse-set up ng tinda para sa trade fair.
Nilapitan agad ni Erin ang kakilala niyang vendor na si Cathy para mag-usisa.
"Hindi ko rin alam, Erin." Sagot ni Cathy habang ini-inspect niya ang mga panindang bags. "Bigla na lang nawala 'yan. Frankly, wala namang bumibili d'yan. Nakakatakot kasi 'yung hitsura ng stall niya. Pati 'yung may-ari, ang creepy. 'Di ko nga alam kung bakit pinayagan ng organizers ng trade fair na magtinda 'yan, eh. Baka na-black magic." Sinundan ng ito ng humourless laugh ni Cathy. "In fact, kayo lang ang bumili sa mga dolls niya during her stay here. Tapos, the next thing I know, bigla na lang siyang nawala."
Worried si Erin sa nalaman. Parang ang lumalabas kasi, hinintay lang ni Atia na may makabili ng isa sa mga dolls na tinitinda nito (unfortunately, sila 'yun ni Czarina) bago ito mag-disappear.
Napatingin si Cathy sa china doll na hawak ni Erin. "Ibabalik mo 'yung manyika?" Curious na tanong nito.
Tumango si Erin. "Sana. Or I'm just finding a way to get rid of this doll."
"Bakit?" Lalo na ngayong na-intrigued si Cathy.
"Ayaw na ni Czarina dito sa doll." Pa-simpleng sagot ni Erin.
Nangiti si Czarina. Relate na relate ito. "Ang mga children nowadays, napaka-fickle minded. Bibilhin ko na lang sana sa 'yo yang doll kung may anak lang akong babae. Pero puro boys ang nasa 'kin. At mga toy soldiers at robots ang nilalaro."
Nagpasalamat na lang si Erin sa acquaintance niyang vendor saka bumalik sa nakaparada niyang kotse sa clubhouse. Ini-strap niya ulit maigi ang seat belt sa manyika bago pinatakbo ang sasakyan. Hindi niya sigurado kung saan siya pupunta. Iniisip ni Erin kung maghahanap na lang siya ng trashcan kung saan itatapon ang doll nang makita niya ang pamilyar na pigura ni Atia. Nakasuot pa rin ito ng makulay na sari, may turban sa ulo at dangling rhinestone earrings. Lumusot sa isang maliit na eskinita ang babae. Bago makalayo at mawala sa paningin ni Erin si Atia, pinaandar niya agad ang kotse pasunod dito.
Nakita niyang pumasok si Atia sa isang condemned house. Rinig na rinig pa ni Erin ang langitngit ng floorboards habang humahakbang si Atia sa front porch papasok sa loob ng bahay at ang screech ng pinto ng buksan ito ng babae. Ang ikinagulat ni Erin, iniwan bukas ni Atia ang pintuan ng bahay. Parang may notion na ito na sinusundan siya ni Erin at indirectly ay inaayayahan siyang sundan ito sa loob ng bahay.
Kahit kabado, hindi na nagpatumpik-tumpik si Erin. Itinigil niya ang kotseng minamaneho sa gilid ng daan. Hiniklas niya ang china doll sa passenger seat na hindi na kinakalas ang seat belt, kaagad na lumabas ng kotse at nagmamadaling lumakad papunta sa lumang bahay.
Kahit iningatan niya ang paglakad, tumunog pa rin ng malakas ang floorboards ng porch sa unang tapak pa lang ng sapatos ni Erin. Hindi yata maiiwasang hindi maging un-announced kay Atia ang paglapit niya sa bahay nito. Bahala na. Siya ang may atraso sa kanya sa pagbenta ng haunted doll na ito sa kanila. Kaya ito ang dapat mangilag at hindi siya.
Kahit maliwanag pa ang sikat ng araw sa labas. Madilim sa loob ng foyer. Paano, nakatalukbong lahat ng mga curtains sa mga bintana. Hindi tuloy pumapasok ang natural light mula sa labas. Dagdag pa riyan ay napakaalikabok sa paligid. Parang matagal nang hindi nalilinis. Napansin ni Erin na mukhang mga antigo pa ang mga kasangkapan sa loob ng bahay.
With caution na pumasok ng bahay si Erin. Kung saan-saang direksyon agad tumingin ang mga mata niya. Bakit? Ano bang ine-expect niya? Jump scare? Sa mga horror movies lang nangyayari 'yun!
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorreurKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...