NAGPAALAM na si Pablo kay Erin nang tumawag si Eve. Sabi nito aasikasuhin naman niya ang alagang pusa na si Luna at baka nagtatampo na ito sa kanya.
Nagtungo si Erin sa kusina para magkaroon ng privacy ang pag-uusap nila ni Eve. Saka para na rin out of earshot kay Czarina kung sakaling madako ang usapan nila sa mga bagay na hindi dapat nito marinig.
"Bakit ka tumatawag sa 'kin, Eve? May gusto bang ipasabi si Herbert pero masyado siyang busy kaya ikaw na lang pinatawag niya?" Kalmado pero mararamdaman mo ang coldness sa boses ni Erin.
"Hindi alam ni Herbert na tumatawag ako sa 'yo, Erin. Kakauwi lang namin from the party we attendedearlier."
Pigil hininga si Erin. Alam niyang may importanteng sasabihin sa kanya si Eve kaya naglakas-loob itong tawagan siya.
"I'm planning to go to your place, with Percy. I thought bago kami umalis ng Pilipinas, makita man lang ni Percy 'yung sister niya in person. He misses Czarina so much."
Hindi makapaniwala si Erin sa naririnig. Totoo bang sinasabi ito ni Eve sa kanya or pina-prank lang siya nito?
"Bakit mo 'to ginagawa, Eve? We're not close. And if Herbert learned about this, he might get back at you."
"I'm doing this for Percy. He's a sweet boy. We became very close in a short period of time. And du'n ko rin na-observe na nami-miss na niya si Czarina. He may not verbalize it often but it shows in his actions. What made me decide to finally call you when I saw a picture drawn by Percy the other day. Drawing niya ng picture nila ni Czarina na naglalaro at what I assumed your apartment."
Naiiyak si Erin sa mga kinukuwento ngayon ni Eve sa kanya. "Yeah. Madalas nga silang mag-play ni Czarina together before ng mga toy cars at toy soldiers ni Percy."
"Let's do them a favor, Erin. Let's put aside our differences for now. Ipupuslit ko d'yan si Percy para he could be with Czarina for a couple of hours. Nagkaroon kasi ng biglaang business rendezvous si Herbert that's why we have to cut short yung pag-attendnamin sa party kanina. He may not be back until very late in the evening. Makakaalis kami ni Percy at makakabalik dito sa condo without him knowing."
"You mean, ngayon kayo pupunta?"
Naramdaman ni Eve ang hesitation ni Erin sa boses niya. "Is this a bad time? Ngayon lang kasi biglaang nawala si Herbert. We may not have another chance. Masyado na kaming magiging busy. Our flight is scheduled for next week."
"Hindi naman sa bad timing." Bawi agad ni Erin. "Magulo kasi sa apartment ngayon. Nag-aayos ako. But if this the only time that you could bring my son over, I'll take it, Eve."
"Okay. I-message mo na lang sa 'kin 'yung complete address mo and we'll just find our way there using Waze. And if you want, tutulong pa kami ni Percy sa pag-aayos ng apartment mo."
Natawa si Erin. "That would be super. Thank you, Eve."
"Sure. See you then." Nag-disconnect na si Eve ng tawag at nilapitan si Percy na nakasalampak sa carpet ng living room ng condo nila sa Ortigas habang nag-a-assemble ng train gamit ang mga Lego pieces.
"Percy, let's prepare! We're going to visit your Mom and your sister."
"Okay." Pumayag naman agad si Percy saka sinimulang ilagay sa carton box ang mga nakakalat na toys.
*******
NAG-RESUME sa paglilinis ng apartment si Erin habang hinihintay ang pagdating ni Eve kasama si Percy. Katulong niya ngayon si Czarina sa pagbabalik ng mga kumalat na mga libro at babasahin sa isang shelf nang marinig nila ang busina ng kotse sa tapat ng apartment nila.

BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...