KAHIT inabot si Erin ng rush hour traffic sa Ortigas, kampante siya na hindi siya male-late dahil inagahan niya talaga ng alis. Nakarating siya sa Starbucks Coffee sa The Sapphire Bloc na may ten minutes to spare pa siya matapos siyang makapag-park bago ang oras ng scheduled meet-up niya. Akala pa nga niya ay maghihintay pa siya kina Herbert pero nagulat siya nang makita niya sa glass window ng coffee shop na nakapuwesto na duon sina Herbert at Percy. At kasama pa nila si Eve. Sumama agad ang timplada ni Erin. Walang binanggit sa kanya si Herbert na isasama niya ang current nitong ka-live-in partner. Sa inis, tinanggal ni Erin ang suot na sunglasses at halos pasugod a pumasok sa coffee shop.

"Is this your plan all along, Herbert? To let me see that you're one happy family now and make me look like I'm the one intruding?" Tanong agad ni Erin nang makalapit kina Herbert.

Napalingon sa kanya si Herbert mula sa iniinom nitong Ethiopian Yigarcheffe brew. Natigil naman si Eve sa pagpapakain kay Percy ng New York style cheesecake sa pagdating ni Erin.

Tumayo agad si Herbert at hinawakan sa balikat ang ex-partner. "Erin, please? Don't create a scene, for heaven's sake."

"I'm not creating a scene! But you're the one instigating for me to create a scene!" Mainit namang sagot ni Erin.

Agad na natantiya ni Herbert na kung sasabayan niya ang kulo ng dugo ni Erin, mauuwi sila sa shouting fit. Baka mapalabas pa sila sa coffee shop. Binabaan niya ang tono. "Kaya lang naman sumama sa 'min si Eve dahil hindi papayag na aalis si Percy nang hindi siya kasama. Klaro na ba?"

"Kahit na! The least that you could do is to message me that you're bringing her along! You're making me look like an idiot, Herbert!"

"Madali namang solusyunan 'yan." Sabad ni Eve habang hinahagilap niya ang sarili niyang hand bag. "Du'n na lang ako sa kotse maghihintay, Herby."

Herby? 'Yun ba ang term of endearment ng home wrecker na 'to kay Herbert? Herby? Parang tunog ng pansahog sa nilulutong ulam. Eew!

Pero ang hindi ine-expect ni Erin na biglang yayakap si Percy kay Eve para pigilan itong umalis. "Don't go, Tita Eve! Stay here na lang!"

Parang tinusok ng maraming karayom ang puso ni Erin sa nakita. Mas close na ngayon si Percy sa babaing sumira ng relasyon niya sa dating ka-live-in partner kaysa sa kanya na tunay nitong ina.

Tiningnan ni Herbert si Erin in way na parang sinasabi ng mga mata nito na, "See what I mean?"

*******

NAKAPUWESTO sa couch si Czarina at aliw na aliw ito sa mga funny scenes sa Tom and Jerry cartoon. Yakap pa rin nito si Marikit na nakapatong pa rin sa lap niya. Maya-maya, tumayo si Czarina sa couch at iniwan duon ang china doll.

"D'yan ka lang muna, Marikit. I'll just get some food." Nagpaalam pa si Czarina sa manyika na parang naiintindihan siya nito bago naglakad papunta sa dining area.

Balak kumain ng ice cream ni Czarina at kabisado naman nito kung saan kukunin ang mga kailangan. Nilabas muna niya ang ice cream tub mula sa refrigerator at nilagay ito sa lamesa. Dahil hindi niya abot ang bahagi ng cupboard kung saan nakalagay ang mga bowls, hinila niya ang dining chair na sasampahan para hindi siya mahirapan sa pagkuha ng bowl.

Habang busy si Czarina sa kitchen, nagsimulang gumalaw si Marikit sa couch. Dumausdos ito at patayong nahulog sa sahig. Parang itong wind-up toy na naglakad papunta sa centerpiece kung saan nakalagay ang isang bonsai plant, mga glossy magazines at ang remote control para sa TV.

Kumapit si Marikit sa leg ng centerpiece table para makaayat sa surface. Sumalampak ito ng upo sa harap ng remote control, lumapit ang isang kamay nito sa mga buttons ng remote at sinimulan itong pindutin. Nagsimulang lumipat ang mga channels sa TV. Mula sa cartoon na pinapanuod ni Czarina, malilipat ito sa weather news, Korean drama, music channel, National Geographic, reality show, game show. Tuloy-tuloy ang pag-switch ng channel at patuloy na pinipindot ng china doll ang remote na parang nakahanap ito ng sarili nitong toy.

Naglalagay na si Czarina ng ice cream sa bowl gamit ang scooper nang marinig niya na nalipat ang cartoon channel na pinapanuod niya at base sa sounds niyang naririnig ay patuloy na naiiba ang channels sa TV. Naisip niyang baka nagkaroon ng problema sa remote control button kaya kusang naglilipat ito ng channels. Nangyari na 'yun dati. Napadiin siya ng pindot minsan sa change channel button ng remote kaya walang tigil tuloy ang paglipat ng channel sa TV. Naiyak pa si Czarina dahil akala niya nakasira na siya ng appliance. Buti na lang andu'n si Erin. Natanggal nito ang pagkaka-depress maigi ng button sa remote. Saka siya pinagsabihan na huwag masyadong diinan ang pagpindot sa mga buttons para hindi na iyon maulit.

Dahil curious si Czarina na baka nadiinan niya ulit nang hindi sinasadya ang pagpindot sa remote, bumalik siya sa living room area dala-dala ang bowl ng ice cream. Hindi na niya nagawang ibalik ang ice cream tub sa freezer ng refrigerator.

Nagulat si Czarina nang makita niya si Marikit na wala na sa couch kung saan niya ito iniwan kanina kung hindi nasa ibabaw na ng centerpiece paharap sa TV. Pero ang mas ikinagulat niya ay gumagalaw ang kamay nito sa remote. Ito pala ang pumipindot sa mga buttons ng remote kaya walang tigil ang lipat ng channels sa TV.

Parang naramdaman ni Marikit na nakatingin na sa kanya si Czarina. Unti-unti nitong nilingon ang batang babae. Kung tutuusin, normal pa rin ang hitsura ng china doll. Ang tanging nag-iba lang ay ang mga mata nito na saliwa ang posisyon. For some reason, naalala tuloy ni Czarina 'yung music video ni Camila Cabello na Liar na matapos mag-sneeze ng pop singer sa isang eksena ay sumaliwa ng direksyon ang mga eyeballs nito. Ganu'n ang hitsura ngayon ni Marikit habang nakatingin sa kanya. Pero kahit iyon lang ang tanging diperensya sa mukha ng china doll, kinilabutan pa rin si Czarina.

Pero hindi inasahan ni Czarina na biglang tatayo si Marikit sa centerpiece. Walang hirap na tumalon ang china doll pababa sa carpeted floor ng living room at mabilis na tinakbo ang kinatatayuan ng bata.

Napasigaw ng malakas si Czarina. Nahulog niya ang hawak-hawak na bowl ng ice cream at kumalat ang laman nito sa floor.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon