NAKANGISI si Luigi nang naglalakad na sila pabalik sa trail kung saan nila nakita ang 'Keep Out' sign kanina.

"Tingnan n'yo! Nakatakas din tayo sa kanila."

"Alam mo, Luigi. Iba talaga ang pakiramdam ko, eh. Balik na lang kaya tayo." Pagbabaka-sakaling suhestiyon ni Benjamin. Halata ang pag-aalala sa mukha.

Sumama agad ang mukha ni Luigi. "Malapit na tayo, Benjie. Saka ka pa humirit na umatras. Napaka-KJ nito!" At lalong nagmadali sa paglakad si Luigi sa trail.

"Kinakabahan ka ba, Benjamin?" Tanong ni Leonard habang inaakbayan ang kaklase. "Kung gusto mo, dito ka na lang sa likod ko pumuwesto. Para pag may danger, mapoprotektahan agad kita."

Nailang naman si Benjamin at inalis ang kamay ni Leonard na nakaakbay sa balikat niya. "'Di mo naman kailangan gawin 'yun. Kaya ko namang i-defend ang sarili ko."

Tinaasan ng kilay ni Leonard si Benjamin na parang hinahamon ito sa sinabi niya.

"'Lika na! Sundan na natin 'yung pasaway kong kaibigan at baka kung mapa'no pa 'yun." At itinuloy na ni Benjamin ang paglakad sa trail.

Nangingiti na sumunod naman si Leonard.

Naabutan nila si Luigi na nakatayo sa harap ng signpost. Nagkatinginan sina Benjamin at Leonard at patakbo silang lumapit kay Luigi.

"Mga tropa," sabi ni Luigi nang marinig ang mga kasama na lumalapit sa likod niya. "nagha-hallucinate ba ako o nakikita n'yo rin 'yung nakikita ko?"

Napatingin sina Benjamin at Leonard sa signpost na tinititigan ni Luigi at nakita nila na halos matakpan ang surface nito sa kapal ng mga uwang na gumagapang dito.

"Yuck! Ano 'yan?" 'Di napigilang sabi ni Benjamin na may halong pangdidiri.

"Beetles." Parang mesmerized na sabi ni Luigi na hindi maalis ang tingin sa signpost. "Ngayon lang ako nakakikita ng ganyang karaming beetles na nagko-congregate in one area."

"Are they dangerous?" Curious na tanong ni Leonard. "Nangangagat 'yang mga 'yan, 'di ba?"

"They're not really harmful pero they do bite." Matter-of-factly na sagot ni Luigi. "Pero mabuti na rin if we gave them a wide berth. I don't want to risk any chances."

Napansin ni Leonard na parang namumutla si Benjamin habang nakatingin sa mga uwang na nakabalot sa signpost. "Are you having second thoughts?"

Bago nakasagot si Benjamin ay tiningnan agad siya ng masama ni Luigi na parang sinusukat kung biglang siyang aatras.

"H-hindi. Andito na tayo kaya wala nang atrasan." Nag-stammer pa si Benjamin sa pagsagot.

Nagsimula na silang maglakad papasok sa trail na pinagbawalan sa kanilang puntahan ni Adrian. Siniguro nilang bigyan ng malaking agwat ang signpost para walang uwang ang ma-enganyong lumipad papunta sa kanila. Nang naglalakad na sila sa dulo ng trail ay isa-isang nagliparan ang mga uwang paalis sa signpost maliban sa isa. Ang naiwang uwang sa signpost ay lumakad sa gitna ng mga salitang 'Keep Out' at sinimulang ukitin ang surface duon.

~~~~~~~

MAINGAT NA naglalakad si Cassandra papunta sa clearing habang kipkip sa katawan ang mga napulot niyang mga sanga at piraso ng kahoy. Pabagsak niya iyong inilapag sa mga nalikom na niyang kahoy malapit sa pinupuwestuhan ng katatapos lang na itayong tolda nina Professor Soriano at Adrian. Medyo marami-rami na rin siyang naipon na mga kahoy na pang-siga nila mamaya sa camp fire kapag gabi na.

"Papa, okay na ba 'tong mga kahoy na napulot ko?" Halatang proud si Cassandra sa na-accomplish nang tinawag niya ang tatay niya.

Kaagad namang tumalikod sa katatayong tent ang propesor. Nag-squat pa si Professor Soriano sa harap ni Cassandra bago tiningnan ang mga nalikom nitong kahoy na panggatong nila mamaya.

"Okay na nga 'to, Cass. Ang dami na nga nito eh. Nakaka-proud ka talaga." At niyakap pa ng propesor si Cassandra.

Duon napansin ni Professor Soriano na wala ang tatlo niyang estudyante sa paligid ng campsite at hindi pa naaayos ng mga ito ang itinatayong tolda.

"Adrian, napansin mo ba 'yung mga estudyante ko?" Baling na tanong ng propesor sa kaibigan. "O may nagpaalam ba sa 'yo? Bigla silang nawala eh. Pati 'yung tent nila hindi pa naaayos."

Nangunot ang noo ni Adrian. "Hindi. Pareho tayong busy nagtatayo nitong tent natin, 'di ba? Saka sa 'yo magpapaalam ang mga 'yun kung sakali at ikaw ang teacher nila."

Tumayo si Professor Soriano at saglit na tiningnan ang hindi pa natapos ayusin na tent nina Benjamin saka luminga-linga sa paligid. "Sa'n kaya nagpunta ang mga 'yun?"

"Baka naenganyo lang mahuli ng tutubi. Marami kasi ngayong nagagawi dito. O baka binisita lang 'yung sapa d'yan sa bandang likuran ng storage hut." Malumanay na paliwanag ni Adrian nang makita na mukhang balisa ang propesor.

"Imposibleng gawin nila 'yun." Sabi ng propesor habang lumalakad palapit kay Adrian at sa toldang itinayo nila. "Hindi pa naman nila kabisado 'tong lugar na 'to para maisipan nilang maglakwatsa."

"Baka naman pina-prank ka lang nila." Nakatawang suhestiyon ni Adrian nang makalapit sa kanya ang propesor.

"Makukutusan ko ang tatlong 'yon. 'Di ko na sila isasama next time." Sumama ang mukha ni Professor Soriano.

"Papa, alam ko kung saan sila pumunta." Kaswal na sabad ni Cassandra sa usapan ng dalawa.

Parehong napatingin sina Professor Soriano at Adrian kay Cassandra.

"I heard them, Papa. Pupuntahan daw nila 'yung bahay ng witch du'n sa trail na nadaan natin earlier."

"Shit!" Galit na nasambit ni Adrian sa narinig.

Bago pa maka-react ang propesor ay hawak na siya sa braso ni Adrian. "Kailangan natin puntahan sila kaagad, Danny. Hindi safe du'n sa pinuntahan ng mga estudyante mo. Baka napa'no na 'yung mga 'yon."

"Teka lang! Pa'no naman si Cassandra? Alangan namang iwan lang natin siya dito." Alma agad ng propesor.

"Safe ang daughter mo dito sa campsite. Saka saglit lang naman tayo. Kailangan na natin silang puntahan ngayon, Danny. Hindi ako nagbibiro."

"Pero..." Salag na sagot ng propesor pero pinutol ni Adrian ang sasabihin pa niya.

"'Pag may nangyaring masama sa kanila, Danny. Walang sisihan." Kita sa mga mata ni Adrian na determinado itong mapuntahan agad ang tatlo kaya nadisimula na rin ang pagtanggi ng propesor.

"'Lika na!" At hinila na ni Adrian ang propesor pabalik sa trail.

"Cass, d'yan ka lang, ha? Huwag kang aalis d'yan! Babalik kami agad! Hanapin lang namin 'yung mga students ni Papa, ha? Remember, stay where you are!" Sigaw na paalala ni Professor Soriano sa anak habang hila siya ni Adrian. Halos madapa pa nga siya dahil nakalingon siya kay Cassandra habang sinasabayan ang takbo ng kaibigan niya.

Namilog at namuo agad ang mga luha sa mga mata ni Cassandra dahil sa takot ng bigla niyang ma-realize na dahil sa sinabi niya ay bigla siyang maiiwang mag-isa dito sa campsite.

Nang nakalayo na ang Papa niya at ang kaibigan nito ay saka lang naisipan ni Cassandra sumigaw ng may halo nang pag-iyak.

"Papa, 'wag mo 'kong iwan dito! PAPAAA!!!"

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon