UNTI-UNTING nagkamalay si Percy. Ang unang rumehistro sa kanya ang napakaliwanag na ilaw na nakatutok sa kanya. Pero slowly nag-adjust din ang kanyang eyesight. Duon napansin ni Percy ang iba't-ibang mga human-like figures, limbs at appendages na nakapalibot sa maliit na kuwarto kung nasaan siya ngayon. Ang iba sa mga figures na nakita niya ay nakabukas ang torso at may kung anong machinery or chips ang naka-insert sa loob. May nakita rin siya mga arms na naka-attach sa mga wirings na ang kamay ay bumubukas-sara na parang naglalaro ng child's game na paper, rock and scissors.

Pero ang kinatakot ni Percy ay nang makita ang ulo ng isang female child doll na na naka-hang sa mga wiring malapit sa kanya. Kumikilos ito. Nang mapatingin ito kay Percy ay ngumiti ito.

"Hi there! You'll be soon one of us." Sabi ng ulo ng manyika at nagsimula itong mag-giggle. Tumayo lahat ang mga balahibo sa katawan ni Percy. Nuon lang niya napansin na naka-shackle ang mga kamay at paa niya sa hinihigaan niyang operating table. Nagpumilit siyang kumawala kahit alam naman niyang hindi naman niyang wala rin namang mangyayari.

Saka napansin ni Percy ang isang malaking utility robot na may pincer-like grip at parang gulong ng roller pison ang mga paa. Gumulong ito palapit sa nakatalikod na taong nakasuot ng full-body leather biker jacket. Nakatungo ito habang may hinahanap sa mga tools na nakalagay sa isang panig ng kuwarto. Nakasuot pa rin ng helmet ang tao kaya hindi ma-determine ni Percy kung lalaki o babae ang taong nakatalikod sa kanya. Inabot ng robot ang hawak sa isang pincer hand ang scalpel sa taong naka-biker suit.

"Thank you, Yuri." Sagot nang naka-biker suit habang kinukuha ng kanyang gloved hand ang scalpel. Nagulat si Percy dahil hindi niya inaasahang boses ng babae ang maririnig niya.

Humarap na sa kanya ang taong naka-biker suit. Nakataas ang visor ng suot nitong helmet at duon nakumpirma ni Percy na babae nga ang kasama niya ngayon sa kuwarto.

Tinanggal ni Atia ang suot na helmet at ipinatong ito sa table na kinalalagyan ng iba pang tools. "Nakakalungkot lang na hindi si Czarina ang nakuha ko. Siya pa naman sana ang perfect na bata sa pinaplano kong experiment. Pero hindi na ako magiging mapili. Dahil ikaw lang ang naging oportunidad kong makuha, 'di sa 'yo ko na lang gagawin." Natatamaan pa ng ilaw ng surgical lights ang scalpel na hawak ni Atia, lalo tuloy naging pansinin kung gaano katalas ang surgical knife.

"What will you do to me?" Puno ng takot na tanong ni Percy.

"You will be the very first real-life human doll robot sa history ng mundo. Exciting, 'di ba?" Nangingislap ang mga mata ni Atia habang sinasabi iyon kay Percy.

"Ayoko!" Puno ng defiance na sigaw ni Percy. "Help! HELP MEEEE!"

Ibinaba saglit ni Atia ang hawak na scalpel. "Kahit ubusin mo pa ang boses mo kakasigaw, mapapaos ka lang. Hindi ka na nila matutulungan. Think about it, you will be around for a long, long time. You may even exceed normal human lifespan. I'm sure magte-thank you pa ang mga naghahanap sa 'yo ngayon after kong gawin ang experiment ko sa 'yo."

Lalong nilakasan ni Percy ang pagsigaw. "Help me! SOMEBODY HELP ME!!!"

Sinampal ng malakas ni Atia ang bata. Naiiyak na tumahimik ito.

"Yuri, cut out his shirt front, please?" Utos ni Atia sa utility robot.

Lumapit naman si Yuri at nilaslas agad nito ang harapan ng T-shirt ni Percygamit ang pincer-like hands nito.

Itinaas ulit ni Atia ang hawak na scalpel at ang unti-unting lumapit kay Percy. Sisimulan na niya ang butchered surgery sa pagwakwak sa dibdib ng bata.

*******

NAKADIKIT pa rin ang tainga ni Erin sa flooring at pinapakinggang maigi ang naririnig niyang activities sa mula sa ilalim nang marinig niya ang mga faint na pagsigaw ni Percy ng tulong. Duon napabalikwas si Erin at nagsimulang kapain ang surface ng flooring ng foyer.

"Erin?" Nagtatakang tanong ni Eve na hawak pa rin ang mallet na ipinampalo kay Marikit.

"Narinig ko si Percy. Humihingi ng tulong." Sagot ni Erin na patuloy sa pagkapa sa flooring. "Tulungan mo ako, Eve. Kailangang makahanap tayo ng basement door or anything para mapuntahan natin ang anak ko. Hurry! Baka mahuli na tayo."

Nag-squat na rin si Eve sa floor at nagsimulang maghagilap.

Dumapa ulit si Erin at itinapat ulit ang tainga sa floor. Narinig na niya ngayon ang burring sound ng isang aparato kasabay ng mas malalakas na sigaw ni Percy. Lalong nag-panic si Erin. Nagmadali siya paghahagilap sa floor. "'Asan ba 'yang lintek na pintuan na 'yan?"

Narating na nila ang living area ng house kung saan naka-display ang malaking portrait na nakita ni Erin na unang punta niya dito. Imposing ang portrait at nakakangilagang tingnan. Pero amazed na napalapit duon si Eve. Life-like kasi ang portrait. Parang anytime ay maaari itong gumalaw. Pati ang iguana na hawak ng babae sa portrait ay parang puwede ring lumundag palabas ng painting.

Saka lang napansin ni Eve na may totoong iguana palang nakapatong sa mantelpiece na nakapuwesto sa ilalim ng painting. Umaangil ito sa kanya. Natigil tuloy sa paglapit sa painting si Eve. Sumitsit ulit ang bayawak saka tumalon mula sa mantelpiece at lumakad palapit kay Eve. Napaatras naman si Eve. Sa paglakad niya paatras, nasalabid ang paa niya sa rug na nakapuwesto sa tapat ng portrait. Paupong bumagsak si Eve sa sahig at nabitawan ang hawak niyang mallet.

Lalong naenganyo ang iguana na lumakad palapit kay Eve. Takot na iniharang ni Eve ang kamay sa mukha dahil mukhang ito ang gustong puntiryahin na talunin ng iguana. Trip yatang ibaon ng bayawak sa pisngi niya ang matatalim nitong mga ngipin.

Umaakto nang lulundag ang iguana nang makuha ni Erin ang nabitawang mallet ni Eve at ibinato ito sa bayawak.

Sa nguso natamaan ang bayawak at nag-iingay itong gumapang ng mabilis palayo kay Eve.

"Thank you." Abot ang hiningang sabi ni Eve.

Napansin naman ni Erin ang trap door na hindi sinasadyang ma-reveal ni Eve nang masalabid siya sa rug ng lumalapit sa kanya ang iguana. Sinubukan itong buksan ni Erin pero nakakandado ang pinto mula sa loob.

"Gamitin natin ito." Sabi ni Eve na kinukuha ang maso ibinato ni Erin sa iguana.

"Stay back, Erin." Babala ni Eve saka ubod ng lakas niyang inihataw ang hawak na maso sa trapdoor.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon