PUMUWESTO sina Erin at Percy sa isang bakanteng table na medyo malayo kina Herbert at Eve para saglit silang makapag-one on one talk.

"Percy, okay lang ba sa 'yo na iwanan si Mommy?" May pleading sa tono ni Erin nang tanungin ang anak.

"Daddy already told you that we're leaving?"

"Yes."

"We're not going to stay there forever, Mommy. Daddy told me after his work there, we'll fly back here." May halong defiance ang sagot ni Percy.

"Yeah." Sagot ni Erin pero nagsisimula nang umiyak.

Biglang nag-soften ang mukha ni Percy nang makitang umiiyak na ang Mommy niya."You could always call us. I don't think Daddy would mind."

"Of course." Pinunasan agad ni Erin ang mga luha niya sa pisngi. "Can I hug you, Percy?"

Tumango naman ito. Isang matinding yakap ang binigay ni Erin sa bunsong anak. Ramdam niya na kahit isang balding luha ang lumabas sa kanya, alam niyang nakapag-desisyon na si Percy na sasama ito sa ama niya. Hindi na niya mababago ang isip nito. "I will miss you, Percy."

Gumanti naman ng yakap si Percy sa kanya.

"Oo nga pala. Before I forget." Sabi ni Erin habang kumakalas ng yakap kay Percy. "Your sister Czarina would like to speak to you. Can I call her?"

Tumango ulit si Percy. "How is she now?"

"She's doing great. She bought a new doll. She's playing with it all the time." Sagot naman ni Erin habang dina-dial ang numero ng kanilang house phone.

Pero ring lang ng ring ang house phone. Walang sumasagot. Si Czarina ay walang malay na nakahiga sa carpeted floor, katabi nang nabitawan niyang bowl ng ice cream. May tumutulong dugo sa isang nostril.

"Hindi niya sinasagot. Bakit kaya?" Bumakas ang worry sa mukha ni Erin at sinubukan niyang i-dial ulit ang house phone.

Pero panay lang ring ang narinig ni Erin sa kabilang linya. Sa living room, bukas pa rin ang TV sa isang broadcast ng UFC match. Humahalo ang tunog ng ring ng telepono sa ingay ng dalawang nagkukumpitensiya ng mixed martial arts sa TV screen.

"Damn it! Bakit hindi sinasagot ni Czarina ang phone?" Worried na si Erin habang inuulit ang pagda-dial sa house number niya sa apartment.

"Percy, we have to go." Tawag ni Herbert. Nakatayo na sila mula sa inupuan nilang booth ni Eve. Bitbit na nila pareho ang mga gamit nila.

"Mommy, Daddy is calling me already." Paalam ni Percy kay Erin.

"Wait! Sandali lang! Kakausapin lang ni Czarina si Percy!" Pigil ni Erin habang frantic na dina-dial ang number nila sa apartment.

"That can wait. May pupuntahan pa kaming birthday party ng kaklase ni Percy. And we're trying to beat the traffic in EDSA." Resolute si Herbert na makaalis na sila. Ayaw papigil.

"Herbert! Please, have mercy! Kahit a few minutes lang siyang kausapin ni Czarina! Please?!" Halos pasigaw nang pleading ni Erin. Nagsisimula ulit siyang umiyak.

"Come along, Percy. We'll be late." Hindi na siya pinansin ni Herbert. Lumapit naman si Percy sa Daddy niya at sabay silang lumabas ng coffee shop.

Tiningnan ni Eve saglit si Erin. Parang naaawa ito sa shameless na pag-iyak ni Erin sa coffee shop kahit marami nang tumitingin dito. Pero nang tinawag na siya mula sa labas ni Herbert ay sumunod na ring si Eve sa mag-ama.

*******

KAHIT delikado, panay ang tawag ni Erin sa house phone kahit nagbibiyahe na siya pabalik sa kahabaan ng Ortigas Extension pabalik sa apartment niya sa Green Valley Lakes Subdivision. Pero kahit ilang ulit niyang tawagan ang numero niya sa apartment, palaging ring lang ang naririnig niya.

"Czarina, bakit hindi mo sinasagot ang phone?" Frustrated na si Erin. Dagdag pa na mabagal ang daloy ng traffic ngayon sa Ortigas.

Kaya nang makapasok na siya sa gate ng subdivision niya ay pinatakbo ni Erin ng mabilis ang sasakyan. Hindi niya pinansin ang paninita ng guwardiya, ang importante malaman niya agad kung ano nangyari kay Czarina para hindi nito masagot ang ilang beses na pagtawag niya sa apartment.

Nang tumapat ang kotse niya sa apartment na tinutuluyan, kaagad na lumabas si Erin sa sasakyan. Panay ang tawag kay Czarina habang pumapasok ng bahay.

Napansin agad ni Erin nang nasa loob na siya ng bahay na bukas ang TV sa living room kahit wala naman si Czarina sa favorite couch nito para manuod. Napansin din niyang palabas sa TV ang UFC fight na never namang nakahiligang panuorin ng anak niya.

Kinuha ni Erin ang remote control sa centerpiece table para i-turn off ang TV.

"Czarina! 'Asan ka? I was calling the phone a hundred times earlier so you could speak with Percy, hindi mo sinasagot! You even left the television on! Czarina!"

Pero wala pa ring sagot mula sa daughter niya. Kinabahan na si Erin. Naaksidente ba 'to?

Lalakad na siya papunta sa dining area at kitchen nang mapansin niya ang bowl at ice cream na nakakalat sa carpet. At halos katabi nito si Czarina na nakahilig sa threshold ng dining room. Hindi kumikilos. "Czarina...?"

Malakas ang kabog sa dibdib na lumapit agad si Erin sa anak. Akala pa nga niya nung una ay patay na ito. Nang salatin niya ang pulso ni Czarina sa kamay, napahinga siya ng maluwang nang maramdamang may heartbeat pa ang anak niya. Pero nag-worry pa rin si Erin nang makitang may natutuyong dugong umagos sa isang nostril ni Czarina.

Tinapik-tapik niya ang pisngi ng anak. "Czarina, 'andito na ang Mommy. Czarina, wake up. Please?"

Nagkamalay naman si Czarina. Nang makitang si Erin ang gumising sa kanya. Umiiyak na yumakap ito sa kanya.

"What happened to you, honey? Did you have an accident? Did you slip on the floor?" Sunud-sunod ang tanong ni Erin pero puro hikbi lang ang sagot sa kanya ni Czarina.

Pareho silang nakarinig ng clattering sounds sa sa may gawi ng unang palapag ng hagdanan ngapartment. Napalingon sa ingay sina Erin at Chloe. Nakita nila pareho na nakapuwesto ng upo sa unang palapag ng hagdan si Marikit na aakalain mong may sarili itong buhay nakusang naglakad pababa ng hagdan at saka ito pumuwesto ng upo.

Lalo lumakas ang iyak ni Czarina. Yumakap ito lalo kay Erin ng mahigpit. "Mommy, throw away that doll! I don't want it!"

"Czarina, bakit?" Iniharap ni Erin si Czarina sa kaniya para matanong niya ito ng maigi. "Anong nangyari while I'm out? What's wrong with that doll?"

"Mommy, you may not believe me pero Marikit tried to hurt me. She hold my neck real hard until I passed out. I don't like her! I don't want that doll anymore!" Umiyak ulit ng malakas si Chloe at yumakap ulit kay Erin.

Pinagmasdan ni Erin si Marikit habang tinatapik ang likod ni Czarina. Napaka-inosenteng tingnan ng china doll. Sa suot nitong old-fashioned dress at maamo nitong mukha, lahat ng batang mahilig sa manyika ay magkakagusto dito. Pero ang pag-iyak ngayon ni Czarina at ang matindi nito ngayong pagkadisgusto kay Marikit ang nagkumpirma kay Erin na may mali nga sa china doll na itong binili niya. Puwede ring nagka-nightmare lang kanina ang daughter niya kaya naisip nitong sinaktan siya ng china doll. Either way, kailangan niyang idispatsa si Marikit. Ibabalik niya ito sa booth na pinagbilhan niya sa trade fair mamaya.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon