SA totoo lang, ayaw ni Erin hawakan ang china doll. Pero wala siyang choice. Kailangan niyang i-dispose si Marikit. Nakisuyo muna ulit si Erin kay Pablo na bantayan muna si Czarina habang pinag-iisipan niya kung paano ididispatya ang manyika. Walang direksyon tinatakbo ni Erin ang kotse sa neighborhood ng subdivision nila. Naka-strap ulit si Marikit sa seat belt sa passenger seat. Itapon na lang kaya niya itong manyika sa Green Valley Lakes. Panigurado pang inaanod na ito ng tubig ng lawa, wala nang tiyansa na makakabalik sa poder nila ang manyika. Saka niya haharapin ang problema ng taong nanggugulo sa apartment niya. Wala naman siyang ibang puwedeng pagbintangan kung hindi ang taong nagbenta sa kanila kay Marikit. Si Atia.
Pero papalapit pa lang ang kotse ni Erin sa ravine kung saan tanaw ang tributary lake, alam na ni Erin na futile ang gagawin niya. Hindi naman kasi ganuong kalakas ang pulso niya para bumato ng malayo. At best, baka sa gilid ng ravine lang ito bumagsak. Makukuha ulit ito ni Atia at ibabalik ulit ang accursed doll sa bahay niya. Much worse, ang mismong manyika pa ang gagawa ng paraan makabalik sa kanila.
May halong regret na nilagpasan ni Erin ang ravine. Ayaw niyang mag-take ng chances na hindi sigurado. Pinapaandar pa rin ni Erin ang isip kung paano effectively na tuluyang mawawala si Marikit sa kanila nang madaanan niya ang isang malaking garbage can sa tabi ng isang bakanteng loteng napapalibutan ng chain link fence. Nagmenor si Erin hanggang halos katapat na niya ang malaking basurahan. Usually, ang garbage collector sa lugar nila ay nangongolekta ng basura ng hapon, right before magsimula ang mga evening news. Puwede niyang ilagay si Marikit sa basurahan. At makakasiguro siya na pagsapit ng gabi at prente na siyang nanunuod ng Fox News habang kumakain ng microwaved popcorn aynahakot na ng collector ang laman ng garbage can, kasama si Marikit at dinadala na ito sa landfill site sa may San Mateo.
Bumaba ng kotse si Erin. Halos takbuhin niya ang passenger side para kunin ang china doll sa passenger seat. Nangingilag siyang hawakan ang manyika. Once last time, Erin, pangungumbinsi niya sa sarili, and you're over and done with this devil doll.
Hawak niya si Marikit at arms length habang lumalapit sa garbage can. Ang tanging naririnig lang niya ay ang malakas na ihip ng hangin, ang pagaspas ng mga plastic sa mga basurang nakaipit sa garbage can at ang maingay na langitngit ng 'For Sale' sign sa chain link fence na nililipad ng hangin. Kahit na maliwanag pa naman ang sikat ng araw ay nakaramdam ng kaba si Erin habang lumalapit sa basurahan.
Nang makalapit si Erin sa garbage can at ilalagay na ang manyika ay biglang kumilos si Marikit. Inangat nito ang kaliwang kamay sa kanya at nag-form ito ng 'fuck you' sign. Magkakahalong gimbal, galit at pagkasuyang inilaglag niya si Marikit sa ibabaw ng basura ang manyika. Unti-unting bumaba ang kaliwang kamay ng manyika pero nakaporma pa rin ng 'fuck you' sign ang kamay nito.
Nadi-disturb si Erin sa manyika at sa porma ng kamay nito. Buti at nahagilap ng tingin niya ang takip ng trash can na nakahilig sa gilid nito. Dinampot agad iyon ni Erin at itinakip sa garbage can.
"Fuck you too." Satisfied na nagantihan na niya si Marikit at kampante na tuluyan nang madidispatya ito, kuntentong bumalik ng kotse si Erin at walang lingon-lingon na pinatakbo ang Toyota Altis niya pabalik sa apartment.
Nang nakalayo na ang sasakyan ni Erin. Biglang maririnig ang tambutso ng motor hanggang magmenor ito. Maririnig din ang naga-grind na mga bato na naapakan ng mabigat na suwelas ng sapatos. Isang gloved hand ang mag-aangat ng bin ng trash can, hahayaan nitong bumagsak ang bin sa pavement at lilikha ng nakakangilong ingay. Saka pupulutin nito ang manyikang si Marikit at buong ingat na tatanggalin ang mga dumikit na basura sa buhok at damit ng china doll. Papahiran din nito ang nagmantsang goo sa mukha ng doll. Kumilos si Marikit at pumipikit-pikit pa ang mga mata na parang nagugustuhan ang atensiyon binibigay ng may hawak sa kanya ngayon.
*******
"HINDI mo ba ire-report sa police itong nangyari sa apartment mo?" Tanong ni Pablo kay Erin habang tumutulong ito sa pag-iimis ng mga kalat sa salas.
"Wala namang nawawala sa mga gamit ko, Mang Pablo. Saka may idea na ho ako kung sino ang gumuwa nito." Sagot naman ni Erin habang winawalis ang mga nabasag na vases na nasa sahig.
"Ibig mong sabihin, na-check mo na sa CCTV kung sino pumasok dito?"
"Sira ho 'yung CCTV dito sa apartment. Papapalitan ko pa. Pero hindi ko naman kailangan ng hidden camera footage, Mang Pablo. Isa lang ang naiisip kong puwedeng gumawa sa 'min nito."
"Pero masamang mangbintang kung wala kang ebidensiya, Erin. Puwera na lang kung may kaaway ka talaga."
Inilagay ni Erin ang mga nakolektang basag na gamit sa dustpan at inilagay iyon sa loob ng maliit niyang trash bin. Saka niya hinarap si Pablo. "Wala ho akong kaaway, Mang Pablo. Pero may gustong manakit sa akin at sa anak ko."
Nadako ang tingin ni Erin kay Czarina na nililipat ang channels ng TV para i-check kung nasira ito nang bumagsak sa sahig kanina.
"Everything working there, Sweetheart?" Tanong ni Erin.
Nilingon siya ni Czarina at nakangiting tumango.
Iho-hook na sana ni Erin ang vacuum cleaner sa power socket para matanggal ang mga particles at debris na hindi makaya ng walis niya sa carpet nang marinig niyang tumutunog ang phone niya.
Pagkuha niya sa phone sa loob ng handbag, nakita niyang unregistered number ang tumatawag.
"This is Erin." Ginamit ni Erin ang professional voice niya. Baka kasi isa sa mga kliyente niya ang tumatawag.
"Erin, this is Eve. Can we talk?"
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...