ANG TOTOO n'yan, sa girlfriend ni Leonard mas close si Benjamin. Kaya nga sila naging magkakilala dahil kay Fara. Wala rin namang kaso kay Leonard kung gay ba talaga si Benjamin o hindi. Dahil casual acquaintances lang sila, hindi na niya iniintindi 'yung mga kumakalat na tsismis tungkol sa sekswalidad ni Benjamin. Pero ngayong na-brought up ng mga ka-brod niyang sina Troy at Ron ang posibilidad na may gusto sa kanya si Benjamin, parang naging mas conscious si Leonard sa mga ikinikilos ng lalaki.
Katulad ngayon, hindi siya gaanong makapag-concentrate sa mga solution experiments na ginagawa nila sa Chemistry lab. Nagkataon pang ka-partner niya sa experiments si Benjamin. Elephant's Toothpaste ang tawag sa experiment na pinapagawa sa kanila ngayon sa lab ni Professor Danilo Soriano. Eto 'yung paghahalo ng hydrogen peroxide, liquid detergent soap, food coloring at potassium iodide para mag-create ng chemical reaction ng malaking bula na parang toothpaste na lumalabas sa tube. Graduated cylinder ang pinapagamit sa kanila ni Professor Soriano para sa eksperimento na ito pero dahil wala sa instructions ng propesor nakatuon ang pansin ni Leonard kung hindi sa mga small reactions ni Benjamin habang magkatabi silang ginagawa ang experiment ay sa isang flask niya nalalagay ang mga solutions. Kaya nang binigyan ng instruction ng propesor na ilagay na ang potassium iodide as chemical reactor sa solutions, ang mga estudyanteng graduated cylinder ang ginamit ay unti-unti lang ang pagbuga ng bula pero kay Leonard na flask ang ginamit, malakas na pressure ang bulang lumabas. Sa lakas ng pressure ay umabot sa ceiling ng lab ang pumipisik na bula. Mainit at umuusok ang bulang lumalabas sa flask. Aksidenteng may mga bulang lumagpak sa kamay ni Leonard. Napasigaw si Leonard at hinawakan agad ang napasong kamay.
Napalapit si Benjamin kay Leonard at agad nitong napansin ang flask na ginamit nito sa eksperimento. "Bakit 'yung flask ang ginamit mo? Tumalsik tuloy sa 'yo yung mixture."
Nag-aalalang napalapit sa mesa nina Leonard si Professor Soriano. "Ano'ng nangyari?"
"Si Leonard po, Prof. Flask ang ginamit at hindi 'yung graduated cylinder para du'n sa experiment natin." Parang nagsusumbong na sabi ni Benjamin sa propesor.
Napatingala pa sa ceiling si Professor Soriano para tingnan ang tumalsik duong mga bula. "Buti hindi natamaan ang exhaust fan. Lagot ako sa facilities pag nagkataon."
Kung hindi pa narinig ni Professor Soriano na umaaray sa sakit si Leonard ay hindi pa aalisin nito ang tingin sa exhaust fan. "Mabuti pa dalhin na kita sa clinic nang magamot 'yang paso mo."
~~~~~~~
SA SCHOOL clinic, binigyan ng attending nurse si Leonard ng cold compress para sa napasong kamay. Kasama din ni Leonard sa loob ng clinic sina Professor Soriano at Benjamin.
"Aplayan mo na lang ng topical ointment 'yang paso mo. Nabibili lang 'yun over the counter. Saka 'wag mong pipisain pag nagtubig." Sabi ng may pagka-chubby na nurse na si Vivian kay Leonard saka seryosong tiningnan si Professor Soriano. "Ano ba kasing mga experiment 'yung ginagawa mo, Prof? Nasasaktan 'yung mga estudyante mo. Pag nalaman 'to ni Dean Katigbak, ipapatawag ka kaagad nu'n sa opisina nya."
"I'm taking the blame, Vivian. Hindi siguro ako klaro 'yung binigay kong instructions kaya nangyari 'yan. I'll be careful next time. 'Wag mo lang akong isumbong kay Dean. Please?" Parang maamong tupang nagmakaawa naman si Professor Soriano.
Kaagad naman ngumiti ang nurse na parang bumigay agad sa propesor. "Don't worry, Prof. Malakas ka sa 'kin, eh."
"Sorry, Prof, ah? I didn't mean to create such a scene." Paumanhin naman ni Leonard.
"Wala 'yun, Leonard." Pagdi-dismiss agad ng propesor sa pag-sorry ng kanyang estudyante. "But be careful next time, ha?"
"Ikaw naman kasi! You're being too careless! Dapat pag ganu'ng we're dealing with highly sensitive experiments, be always on alert!" Pagalit na sabi naman ni Benjamin sa kanya na parang ito ang malalagot pag nalaman ng dean ng school kung bakit nasaktan si Leonard.
Nagkatinginan na lang sina Leonard at Professor Soriano sa medyo OA na galit ni Benjamin.
Biglang bumukas ang pintuan ng clinic at tuloy-tuloy na pumasok si Luigi. Close friend ito ni Benjamin. Nerdy-type na may pagka-heavyset ang pigura. "Prof! Buti naabutan kita dito!" Sabi agad ni Luigi nang madako ang tingin kay Professor Soriano.
"Luigi, 'di ba may sign sa labas ng pinto na one patient at a time lang dito sa clinic?" Kunot ang noong paalala ni Vivian sa bagong pasok.
"Hindi naman ako magpapa-check up, Nurse Vivian. Kakausapin ko lang itong si Prof." Madiskarteng sagot naman ni Luigi. "Prof," baling nito sa propesor. "Tuloy ba 'yung lakad natin next week? Start na kase ng semestral break..."
Pero bago pa matuloy ni Luigi ang sasabihin ay nakalapit na si Professor Soriano dito at tinakpan maigi ang bibig. "Vivian, tapos ka na namang gamutin itong si Leonard, di ba? Labas na kami para hindi crowded dito. Follow me kids."
Nang makalabas na sila sa nurse's clinic saka lang tinanggal ni Professor Soriano ang kamay na nakatakip kay Luigi. "Mapipitik ko na 'yang ilong mong bata ka! Pag 'yang si Nurse Vivian eh nagsumbong kay Dean Katigbak, pare-pareho tayong mayayari."
"Hindi naman naintindihan ni Nurse Vivian 'yung sinabi ko. Saka we could make an alibi na we're doing research for your lab experiments sa Chemistry class. 'Di ba, Prof?" Kompidanteng sagot naman ni Luigi.
Sinimangutan lang ni Professor Soriano si Luigi. "Nagpapalusot ka pa eh."
"Ano'ng meron?" Tanong ni Benjamin na kanina pa naku-curious sa takbo ng usapan ng propesor nila at ni Luigi.
"May kaibigang si Prof na may mini-resort sa Gabaldon, Nueva Ecija. Bibisitahin n'ya this year. Meron pa daw secret trail du'n sa resort papunta sa isang dense forest pero may malaking clearing. Eh, haunted daw 'yung lugar. Malamang may ghost stories na magaganap over fire while camping overnight. Exciting, 'di ba? Sama ka sa 'min, Benjamin!" Excited na kuwento ni Luigi sa kaibigan.
"Teka lang, Luigi. Ako ang nagpa-plano nitong trip, 'di ba? Bakit ikaw ang nangyaya ng makakasama natin?" Nakataas ang kilay na tanong ng propesor.
"Sige na, Prof. Sama na natin si Benjamin. Mas masaya nga 'yun eh. The more, the merrier nga, 'di ba?" Nag-doleful face pa si Luigi sa propesor na parang nagpapaawa.
Malalim na bumuntong-hininga si Professor Soriano. "Makakahindi pa ba ako?"
Nagtatalon sa tuwa si Luigi at nayakap pa si Benjamin. "Yaaaas! Makakasama na kita sa trip!"
"Puwede din bang sumama sa inyo?" Nahihiyang tanong ni Leonard.
Natigilan ang tatlo at sabay-sabay na napatingin kay Leonard na parang nu'n lang napansin na kasama pa pala nila ito.

BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...