(NANG tumigil saglit sa pagkukuwento si Adrian, duon nakatiyempo si Benjamin na magsingit ng tanong.

"Sino ba kasi talaga si Apo Tudlay? Ano bang history meron siya? We all know now that she's a witch. Pero hindi lahat ng mangkukulam salbahe, 'di ba? May nanghihilot saka may nanggagamot. Pero siya 'yung klase ng mangkukulam na nananakit at nananakot. Pero bakit? May nang-api ba sa kanya before kaya she want to exact revenge by terrorizing people?"

Nakatitig saglit si Adrian sa campfire na parang naghahagilap ng isasagot saka ito tumingin kay Benjamin. "Gusto ko sanang sagutin ang tanong mo pero I couldn't give you a sufficient answer. Ang nabanggit lang sa 'kin ni Mang Berto, galing sa lahi ng matitinik at malulupit na mangkukulam si Apo Tudlay. Nakatira siya sa isang maliit na baryo dito sa Nueva Ecija, ang Baryo Itim. Pero hindi makikita ang baryo na 'yon sa kahit saang mapa. As if the town itself never existed. Duda ko nga 'yang si Apo Tudlay 'yung parang batan or female deity sa supposed to be non-existent barrio na 'yon. At 'yung rebulto na nasa kubo na 'yun ngayon, 'yun ang ginawa nilang stone idol ni Apo Tudlay para pag-alayan ng dasal at panalangin kapareho ng ibang mga religious organizations."

"Pero bakit nandito sa property ng resort n'yo 'yung statue, Sir? 'Yung original na may-ari ba nitong property ang culprit? Worshipper ba siya nu'ng Apo Tudlay?" Si Leonard naman ang nagtanong.

"I guess no one will ever know. Like I said, andito na 'yang rebulto at ang kubo na 'yan bago pa namin nabili itong property. Si Mang Berto naman, kung meron man siyang alam, ayaw niyang ikuwento lahat. Maybe to protect me from the strangeness of it, I don't know. And to be quite frank, I'm glad hindi na niya kinuwento sa 'kin. I have a feeling I wouldn't handle it quite well pag sinabi niya sa 'kin."

"Pero, Sir Adrian, ano ba talagang nangyari kay Mang Berto at hindi na siya nakakapagsalita? Si Apo Tudlay ba may gawa nu'n?" Tanong naman ni Luigi.

"Luigi, pangalawang beses mo nang tinanong 'yan. Patapusin mo na kasi 'yung kuwento." Sita naman ni Benjamin dito.

"Sorry. Curious lang kasi ako." Napakamot naman ng ulo si Luigi na parang batang napagalitan ng magulang.

"Don't worry. Matatapos na ang kuwento ko. At masasagot na rin lahat ng mga tanong n'yo." Pag-assure naman ni Adrian sa kanila.)

Isang umaga pagkagising ko, napansin ko wala si Bruce sa tabi ng higaan ko. Siya kasi ang pinaka-alarm clock ko. Sumasampa siya sa higaan ko saka ako didilaan sa mukha para magising ako. Especially pag nagtatawag na si Mang Berto o si Nanay na oras na ng breakfast.

Nagtaka ako. Sa isip ko, ang aga namang maglaboy nu'n. Which is unsual. 'Di kasi ugali nu'n ang maglakwatsa kung hindi ako kasama. Lumabas ako ng kuwarto. Hinanap ko siya sa baba. Wala. Lumabas ako. Hinanap ko sa lawn. Wala rin. Pumiswit ako. Tinawag ko. Wala pa rin. Nagsimula na akong mag-worry. Kahit 'yung mga chirping ng birds sa paligid ko hindi enough para mabawasan 'yung kaba and worriness na nararamdaman ko.

Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon