SAGLIT akong naghintay sa tapat ng pinto ng shed. Nakatanaw ako sa trail kung saan nagtungo si Mang Berto. Inaasahan ko na any moment makikita ko na naglalakad pabalik si Mang Berto. Kaya lang papalubong na ang araw at unti-unting dumidilim na sa paligid ko, kahit anino ni Mang Berto ay wala pa rin akong natatanaw. Kinakabahang napatingin ako sa nakasarang pintuan ng shed. Hindi ko napigilang 'di pagmasdan ang anting-anting na kuwintas na nakapulupot sa wood hatch ng pinto. Wala akong naririnig na kahit anong ingay sa loob ng shed. And somehow, mas nakakatakot 'yun. Dahil hindi mo alam kung anong nangyayari sa loob. Kahit gustong-gusto kong buksan ang pintuan ng shed at silipin kung ano ang lagay ng Nanay ko, pinipigilan naman ako ng kamay na bakal na bilin ni Mang Berto na huwag buksan ang pintuan ng shed. Isa pa, hindi ko alam kung ano ang madidiskubre kong nangyayari sa loob ng storage shed.
Kesa matukso pa akong suwayin ang utos ni Mang Berto, naglakad na lang ako pabalik sa resort house. Kahit bagu-bago pa lang bukas ang Amaya Bed & Breakfast Resort nung time na 'yun, kontrolado namin ang pumapasok na tao. Ayaw kasi namin na maging crowded yung resort. May iilan akong nadaan sa may pool area. May naliligo. May nakahiga pa sa mga folding chairs at sumisipsip ng mga drinks nilang mimosa at pina colada. Meron mga kumakain sa mga huts. Aloof na ako kahit nung bata pa ako. Hindi ako mahilig makihalubilo sa mga guests namin.
Dire-diretso ako sa tinutuluyan namin sa resort house. Naisip kong kumain na rin ng dinner at nakita ko sa refrigerator na may mga naka-pack na mga ready-to-eat meals. Kaya lang kailangan pang initin. Hindi pa naman ako marunong gumamit ng stove o ng microwave. Kaya 'yung madali lang i-prepare ang naisip kong kainin. Alam ko naman kung saan itinatago ni Nanay sa pantry 'yung mga cereal boxes.
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HororKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...