AYAW sanang isama ni Erin si Czarina sa pagpunta niya sa psychiatric facility sa Pasig para makita si Sandra pero uncomfortable na siyang basta iwan na lang ang anak niya sa bahay na ito lang mag-isa. Nang makarating naman sila sa psychiatric hospital, biglang nagkaroon ng cold feet si Erin at gusto iwan na lang sa receiving area si Czarina para siya na lang ang makipagkita kay Sandra.
Habang nagpi-fill up sa logbook si Erin ay sinabihan siya ng isa sa mga nurse na kung kakausapin nila sa loob ang pasyente ay kailangan may escort silang male nurse dahil highly violent daw si Sandra. Kailangan daw nila itong suotan ng straight jacket dahil palagi daw nitong sinasaktan ang sarili. Pero sabi naman ni Erin hindi na nila kailangan ng escort dahil hanggang sa labas lang sila ng pintuan ng kuwarto ni Sandra. Wala silang balak pumasok sa loob ng kuwarto kasama nito.
Habang naglalakad sa pasilyo papunta sa assigned room ni Sandra at hawak ng mahigpit sa isang kamay si Czarina, bumalik sa isip ni Erin ang isang conversation nila ni Chief Guanzon habang nasa opisina sila nito.
"Pa'no pala 'yung malaking portrait sa living room area ng bahay? Self-portrait ba 'yun ni Sandra or portrait ng kamag-anak niya na kamukhang-kamukha niya? May naka-inscribed kasi sa ilalim na portrait na year nineteen fourteen."
"Well, it's fake. Hindi totoong antigo 'yung portrait. According sa art appraiser na nakuha namin, 'yung painting na nasa living room nung bahay ay recently made lang. Gusto kasing palabasin ni Sandra na matagal na siyang nabubuhay. To make it look na finally nadiskubre na niya ang elixir to sustain an immortal-like life. Hence, 'yung obsession niya sa paggawa ng mga robots at human-like dolls. Notice 'yung inscription sa painting? Nakalagay ay Sandros, hindi ba? She painted it herself. I'm telling you, she's very intelligent as well as very talented."
"As well as a crazed narcissist." Dagdag na obserbasyon ni Erin. "Pero, Chief, bakit Atia ang napili niyang gamitin na alias?"
Nag-clear muna ng throat si Chief Guanzon bago nagsalita. "Atia in Latin origin means 'malice'. Sa Hebrew translation naman, ibig sabihin 'ancient'. No wonder ito 'yung name na naisip gamitin ni Sandra as alias."
Kabado siya ngayon habang papalapit sila ni Czarina sa kuwarto ni Sandra. Pero ayaw niyang magpasindak. Inisip na lang ni Erin na hindi naman siya masasaktan ni Sandra kahit anong mangyari dahil safely itong nakakulong sa kuwarto nito.
Pero nang silipin nila ang glass window ng kuwarto ni Sandra, nakatayo itong nakaharap sa window na parang alam nito na darating sila kaya nakaabang na ito. Kahit balot ang torso nito ng straight jacket, ominous pa ring tingnan si Sandra dahil matalim ang mga tingin nito sa kanila. Nakangisi pa ito at may manipis pero malagkit na laway na tumutulo sa gilid ng bibig nito.
Napatigil tuloy sa paglalakad si Erin at automatikong nahapit niya si Czarina palapit sa katawan niya. Lumuwang ang ngisi ni Sandra na parang natuwa ito sa naging reaksyon ni Erin. Lumapit pa ito sa glass window para pagmasdan silang mabuti.
Nagkaroon tuloy ng doubts si Erin. Bullet-proof or shatter-proof ba ang window ng kuwarto ni Sandra? Baka magulat na lang sila ni Czarina na nabasag na pala ni Sandra ang window ng pinagkukulungang kuwarto at masaktan sila nito. Dapat yata nagpasama na sila sa isang male nurse.
"Are you a friend of Sandra?" Tanong ng isang baritonong tinig.
Paglingon ni Erin sa may-ari ng boses, nakita niya ang matipuno at dominanteng hitsura ng bilyonaryong si Mauro Chavez kahit halatang may edad na ito. Kasama ni Mauro ang isang male nurse para samahan siya sa loob ng kuwarto ni Sandra. Nakaka-intimidate ang pormal nitong mukha, dagdag pa dito ang expensive suit nitong suot at ang mamahaling relong nakakabit sa kaliwang braso nito na lalong nagbigay ng kagalang-galang at nakakapangilag na impresyon.
BINABASA MO ANG
Out Of The Blue & Into The Black (Stories) (COMPLETED)
HorrorKoleksyon ng mga kuwento tungkol sa hiwaga at kababalaghan. Ang magkakatagning mga kuwento na naririto ay maaaring sumubok sa magbabasa kung gaano niya kayang magbasa ng kuwento ng hiwaga at katatakutan. 1st story (Pusa Ng Ina) - Anong gagawin mo ku...