CHAPTER THIRTY
CARMELA
“Sa likod na lang kami uupo” sabi ni Green at sumakay sa likod ng van katabi si Haiti.
Sasakay na rin sana ako sa likod ng marinig ko ang sinabi ni TOP.
“May upuan pa sa harapan.” Sabi niya.
Agad naman akong napatingin sa mga kaibigan ko. “Sige na, Carms, di na tayo kakasya ni Green dito” sabi ni Haiti.
Kaya naman naupo ako sa may harapan nila Green. Nagulat pa nga ako ng maupo rin doon si TOP.
“Bakit dito ka uupo?” tanong ko sakanya.
Napatingin ako sa pumasok na lalaki sa may front seat na inupuan kanina ni TOP. May sumakay doon na isang naka-white na uniform din. Mukhang driver ni TOP.
Napatingin na lang ako kay TOP habang umaandar na ang sasakyan niya. Di naman matigil-tigil sa chikahan ang dalawang nasa likod namin. Agad akong nag-iwas ng tingin kay TOP at tumingin sa may labas ng bintana. Naiilang kasi ako sa pagkakalapit naming dalawa lalo na noong kagabi na nakatabi ko siya sa pagtulog. Oo, aminin ko na ginusto ko namang matulog katabi siya. I miss him pero hindi dahilan yon para mapatawad ko agad-agad siya sa mga nagawa niya pagkauwi niya rito.
Naramdaman ko yong kamay niya nakahawak na sa may kamay ko. Agad kong tinatanggal yon kaso mahigpit yong paghawak niya sakin. Napatingin ako sa kamay naming dalawa at sa dalawang kaibigan ko na nasa likod. Yong isa ay natetext habang yong isa ay nakapikit na habang nakikinig ng music sa headset niya.
Napatingin ako kay TOP. He just smiled at me. Pinilit kong tanggalin yong kamay niya kaso sobra niya iyong hinihigpitan kaya naman binalewala ko na lang. Umiwas na lang ako ng tingin sa may labas ng bintana. Ayokong matitigan yong mga mata niya na nagsusumamo sakin.
Nakaramdam ako ng antok habang nasa byahe. Mukhang nakalayo na nga kami sa Pampanga. Sinandal ko ang likod ko sa sandalan ng upuan at saka pumikit. Hinihila na ako ng antok pero paunti-unti ay nagigising ako dahil gumagalaw ang aking ulo dahil sa sasakyan. Pero pinilit ko paring matulog kahit na umaalog ang ulo ko. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay ni TOP na nilalapit ang ulo ko sa may balikat niya. Gustuhin ko mang umalis doon pero hinila na ako ng antok ako at sobra akong komportable sa posisyon naming ito.
Di ko alam kung ilang oras ako nakatulog. Basta ang alam ko ay nasa may NLEX na kami. Naka-hilig parin sa balikat ni TOP. Kita ko na nakapikit siya. Kung alam lang niya na pinipigilan ko lang ang sarili ko. Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa may likod namin. Tulog parehas sina Green at Haiti. Napatingin ako sa katabi ko na mukhang nagigising na. Dumilat siya at kinusot ang mga mata niya at tumingin sa paligid. Nang makita niya ako ay saka siya ngumiti.
Agad akong tumungo. “Sorry ah, nahirapan ka yata sakin” sabi ko sakanya.
Inangat niya yong baba ko at saka tinignan ako sa mata. Ayaw ko syang tignan sa mata kaya naman nagiwas ako ng tingin pero lagi nyang hinuhuli ang tingin ko.
“Look at me, Yeobo” sabi niya.
Nakipagtitigan ako sakanya. “You don’t need to say sorry. kahit ilang beses akong mahirap basta makuha lang ang kapatawaran mo. I’ll do it willingly” sabi niya.
Hindi ako nakasagot. I just bit my lower lip. Hinawakan niya yong kamay ko.
“Just give me a chance to prove to you that I still love you. I really do” sabi niya.
Konti na lang, TOP I’ll give up. Pero naiisip ko parin yong mga sinabi ni JV. Na ayaw niya akong masaktan ng dahil kay TOP. I know na concern siya sakin. pero di ko parin mapigilan ang puso ang sundin ko.
Nakarinig ako ng tikhim kaya agad akong nabalik sa reyalidad na nasa sasakyan kami at nasa likod lang namin ang mga kaibigan ko kaya namana agad kong hinila ang kamay ko mula sakanya at simpleng tumingin sa likod. Papungas-pungas na si Green at si Haiti ay tulog parin. Buti naman at medyo kagigising lang ni Green.
Agad akong dumistansya kay TOP at tumingin ulit sa may bintana. Tahimik ang buong byahe. Nang makarating kami sa Maynila ay inihatid namin sina Green at Haiti sa may condo unit ng mga ito. Pagkababa nilang dalawa ay naiwan kami ni TOP sa loob kasama ang dalawang driver niya sa harapan habang tinutumbok ang subdivision namin.
“TOP” tawag ko sakanya.
“Yeobo”
“TOP, please just give me space to think. Give me space para makapag-isip ako. I can’t think when I’m with you”
Totoo ang sinabi ko. Naguguluhan ang utak at puso ko kapag siya ang kasama ko. Gusto ko syang patawarin at agad na ibalik sa buhay ko pero pinipigilan ako ng isip ko na gawin yon.
“Okay. I’ll wait” sabi niya.
Huminto na ang sasakyan sa may tapat ng subdivision namin at saka akmang baba na ako ng yakapin niya ako.
“I’m gonna miss you”sabi niya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Ganun kami ng ilang minuto pero agad ko ring pinutol.
“I need to go, TOP” sabi ko.
Narinig kong nag-okay siya. SAka na ako bumaba. Pagkababa ko ay saka naman umalis ang sasakyan. Pumasok na ako sa loob at saka naglakad patungo sa bahay namin.
Nakarating na ako sa may kwarto ko at nakapagpalit na rin ako gn damit ng mag-ring ang cellphone ko.
“Hello?”
“Yeobo”
“TOP?”
“D@mn. I miss you so much” sabi niya na ikinabigla ko.
Di ko maitago ang ngiti ko sa labi sa sinabi niya. di pa naman ganun katagal na nagkahiwalay kami.
“TOP, wala pang isang araw tayong di nagkikita?”
“I don’t care. I just really miss you” sabi niya.
Napaupo ako sa kama habang yakap-yakap ang unan ko. Napabuntong-hininga ako.
“TOP, I told you, I need space right? Pati tawag di pwede. Nagugulo ang utak ko sa iyo eh” sabi ko sakanya.
“But I wanna hear your voice” tampong sabi niya.
Kinagat ko ng mariin ang aking labi. D@mn TOP bakit mo pinakakabog ng ganito ang puso ko?
Gusto kong sabihin sakanya na wag na syang magsabi ng mga ganun dahil nagugulo ang utak ko.
“I’ll need to sleep, TOP” sabi ko sakanya.
Narinig kong bumuntong hininga siya saka “Okay, good night, yeobo. Always remember that I love you” sabi niya.
In-end ko na ang call. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Inilagay ko ang kamay ko sa may dibdib ko sa tapat ng aking puso. Nararamdaman ko parin ang pagkabog ng puso ko para kay TOP. hanggang ngayon parin naman ay siya parin. Nagawa man niya akong saktan sa pagsabing di na niya ako mahal pero heto parin ako nagmamahal sakanya.
Nangako kay JV but I can’t fulfill that promise lalo na at ang puso ko ang hinahadlangan ko. I wish I could tell this to him. Pero masasaktan siya. I want TOP to be back on my life pero ayoko naman masaktan si JV. Na tawaging pinaasa ko lang siya. Pakiramdam ko ay ganun nga ang nagawa ko. Pero di ko mapigilan ang sarili ko na mahalin parin si TOP. What would I do now?
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014