-22-

467 12 1
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

6pm na at hindi pa nasisimulan ang shooting dahil inaayos pa ang set nagulo kasi yon kanina dahil sa lakas ng hangin at ng mga taong nag-sisidatingan para manood. Nakita ko si TOP na nagbabasa ng script. Si Carty naman ay kinakausap ng director dahil ito ang unang kukunan ng eksena.

“Akala ko ang dali lang umarte. Ang hirap din pala. buti di ako nag-artista” sabi ni Green habang nakatingin sa eksena ni Carty na kausap ang Tita at Mama niya naiiwan siya roon dahil may bibilhin lang saglit ang mga ito.

Naka-ilang take din ito dahil sa may maling bigkas o kaya nakakalimutan ang eksena at sasabihin. Prente lang kami na nakaupo rito habang nanonood. Paulit-ulit lang yong eksena hanggang sa ma-perfect na. Medyo nagkaroon ng break dahil kelangang ayusan pa uli si Carty dahil namawis na ito kaka-arte.

Maya-maya ay naramdaman kong nag-vibrate ng matagal ang phone ko. Bawal kasi ang may ringtone baka mapagalitan ako ni Direk.

Agad kong sinagot iyon dahil si Papa ang tumatawag. Lumayo ako sa set.

“Hello, Pa?”

“Asan ka? Pauwi ka na ba?”

“Asa set pa ako. di pa tapos eh. Uuwi po ako. magtataxi na lang po ako. kasama ko naman sina Green at Haiti” sabi ko naman.

“Magpasundo ka na lang kay JV. Gabi na at baka mapahamak ka pa sa daan. Malayo ang lugar nila Green. Kaya kay JV ka magpasundo” sabi ni Papa.

Pinilit ko sila na wag na dahil mag-co-commute na lang ako pero pinilit parin ni Papa. Sinabi ko na lang na Oo kahit ang totoo ay di na naman talaga. Di ko tinawagan o tinext si JV para sunduin ako. Mag-co-commute na lang ako mamaya.

Maya-mayang 9 ay nagpaalam na uuwi na sina Green at Haiti. Magsisimba pa raw sila tomorrow kaya maaga na silang uuwi at para makatulog. Sabi ko naman ay dito muna ako.

Nang umalis sila ay nakaupo na ako at pinanood ang eksena nila TOP at Carty na nasa may bench. Katulad parin ng dati si TOP. sobrang gwapo at sobrang ganda ng boses habang binabanggit ang mga salitang sinulat ko sa nobela. Dati sinusulat ko lang yon ngayon nakikita ko na sa harapan ko.

10 pm na at andito parin ako. Humahanap kasi ako ng tyemp kung paano ko kakausapin si TOP nong mag-break kaso lagi syang napapaligiran ng mga kasamahan niya. Maya-maya ay may narinig akong nagsalita.

“Direk, andito si JV” sabi ng assistant director.

Agad akong napatingin sa lalaking naglalakad at napapatingin din yong mga iba sakanya. Nilapitan siya ni Direk at nakipagkamay at saka si Carty naman ay lumapit pa talaga sakanya.

***

JV

“JV” agad akong napatingin kay Carty na humalik sa pisngi ko ng makita ako. Minsan ko ng nakasama sa isang endorsement si Carty kaya naman naging close narin kami.

“What are you doing here?” tanong niya.

“Binibisita ko ang set” sabi ko.

“Wow, how sweet of you. Anyway I need to go kasi may kukunan pa akong scene. Bye” sabi ni Carty at agad ng umalis.

Napalinga ako at nakita ko si Carmela na nakaupo at nakatingin sakin. Siguradong nagulat siya narito ako. Pinakiusapan kasi ako ni Tito na sunduin siya rito. Buti at on the way ako non at alam ko ang place na ito. Hindi pa niya ata nasasabi ang tungkol doon dahil kung nasabi na niya yon ay di ako pagkakatiwalaan ni Tito.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon