-12-

512 11 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Carmela

Agad kong niyakap si JV ng makita ko siya sa labas ng bahay namin. Linggo ng araw na yon at isang oras na kaming nakauwi ni Papa at Mama galing simbahan. Si Mama ay nagluluto na ng kakain namin mamaya sa lunch at saka si Papa ay may inaayos yata sa may likod bahay.

Di ko alam na pupunta si JV dito ngayon di ko kasi nasabi sakanya na nagkaroon na ng contract signing sa Star Cinema kahapon kundi lang daw ipinalabas yon sa TV kagabi. Pati na rin sina Mama ay medyo nagulat pero natuwa naman kaya heto nag-aaya si Papa na lalabas kami mamaya sa dinner.

“Hey” awat ni JV sakin pero yumakap din naman siya.

Agad akong umayos ng tayo matapos ko syang yakapan. Natuwa lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon sa career ko.

“What happen?” tanong niya sakin.

Ngumiti ako ng maluwang sakanya. “hmm. guess what”

“What?”

“Nag-sign na ako ng contract sa Star Cinema” sabi ko habang ngiting-ngiti parin.

Nanlaki ang mga mata niya saka ako hinawakan sa kamay. “Really? Wow! Bakit di mo sinabi ng nasamahan kita?”

Agad kong kinumpas ang kamay ko sa harap niya. “It’s okay. Kasama ko naman si Big boss saka si Ms. Rossy yong editor ko kaya okay lang” sabi ko naman sakanya.

“Wow. I’m glad” sabi niya.

“Grabe. Di ko iniexpect na mangyayari sakin to. As in sobra-sobra na nga ito eh.”

“Hey. You deserve it.” Sabi nito.

“I guess. We need to celebrate? Kain tayo sa labas?” tanong niya sakin.

Napangiwi ako sa sinabi niya. “Hmm. Hindi pwede today kasi magce-celebrate kami nila Mama tonight eh. Sama ka na lang sa amin mamayang dinner?” tanong ko.

“sure” sagot niya.

“Dito ka na lang maglunch” sabi ko saka siya hinila papasok ng bahay namin.

Nagkwentuhan lang kami roon. Maya-maya ay dumaan si Papa sa may sala at nakita si JV. Tinanguan lang niya si JV saka na bumalik ulit sa labas ng bahay. Si Mama ay hindi papaistorbo sa pagluluto sa kusina. Nanood lang kami ni JV sa may sala. May basketball kasi ngayon kaya ayon nanood kami kahit ako ay di ko naiintindihan ang nangyayari.

Maya-maya ay tinawag na kami ni Mama.

“Oh. Andito pala si JV. Halika na, JV. Dito kana mag-lunch” sabi ni Mama kay JV.

Agad naman kaming nagpunta sa may dining area kung saan naroon na si Papa. Kumain kami habang nag-uusap.

“Nga pala, tumawag ang Auntie Dada mo at doon na raw tayo sa kanila magpasko kasi i-ce-celebrate ni Ced yong 3rd birthday niya” sabi ni Mama.

Si Ced ay ang inaanak slash pinsan ko. Matagal ko na rin syang di nakikita eh. Di kasi ako nakapunta noong 1st birthday niya pero nakaattend ako ng binyag.

“Kelan po ba niya i-ce-celebrate? Para makapag-leave na rin po ako agad” sabi ko naman.

“sa 24 i-ce-celebrtae dahil linggo yon. pwede naman tayong lumuwas ng Pangasinan ng Byernes pagkatapos ng trabaho mo” sabi ni Papa.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon