CHAPTER TWENTY ONE
“Basically the story is about an ordinary girl and a superstar having a secret relationship. Syempre tago lang ang relasyon nila kaya naman sila lang ang nakakaalam. Elle came from province at si Kris naman ay dito sa Maynila kaya long distance ang relasyon ng dalawa. Of course para magkita sila ay nagpunta ng Maynila si Elle at dito na nga magkakaron ng twist ang tagong relasyon nila ng mag-apply bilang Personal assistant ni Kris si Elle. Thus, the working title of this movie is His Secret Girlfriend” dire-direchong sabi ng director.
Nakita ko namang tumango ang dalawang gaganap na sina Carty at TOP. Nakatitig lang ako kay TOP habang binabasa ang papel na nasa harapan niya.
“TOP, your character here is Kris ang super sikat na artista. He’s half Korean ang half Filipino. Madali lang iyon sayo dahil same kayo ni Kris dito. He loves his career as a superstar pero napagod siya one time at tumakas at nagpunta ng isang simbahan kung saan niya matatagpuan si Elle which will be played by Carty. Of course you got you love at first sight to her then naging kayo eventually kaso nasa province siya kaya long distance ang relasyon nyo. Kris is a loving and faithful boyfriend. Sobrang mahal niya ang girlfriend niya na si Elle.” Sabi ni Direk at nakatingin kay TOP.
Tinignan ko ang expression ni TOP kung nagbago ba iyon ngunit hindi eh. tumatango-tango lang siya sa sinasabi ni Direk. Sobrang seryoso niya sa pakikinig.
“While you, Carty. Ikaw naman dito ay si Elle na taga-probinsya na pupunta ng Maynila para magbakasyon ng makilala mo si TOP. Of course you love him so much kaya nagtungo ka ng Maynila at naging PA ka ni TOP. And basically may mga struggles kayong kakaharapin and in the end, TOP will go to Korea to pursue his career at sumali sa Boyband sa Korea and he will left Elle here alone. That would be the end of the movie” sabi ni Direk.
“Hindi na ba mapapalitan ang ending, Direk? Bakit sad?” tanong naman ni Carty.
Napatingin sakin si Direk. “Ms. Frias wanted to stick to its original ending.”
Napatingin silang lahat sakin. “Ahm. Gusto ko kasing malaman ng iba na kung talagang kayo talaga kayo parin sa huli. Kris would find a way kung talagang mahal nga niya si Elle ay babalika niya ito. But he chose to go to Korea and left her” sabi ko. May namumuong bukol sa lalamunan ko at medyo naiiyak na rin ako habang sinasabi yon. I want to tell to TOP himself ang nararamdaman ko ngayon.
“Tama naman si Ms. Frias. We’ll see sa book 2 ng story niya” sabi ni Direk at ngumiti sa amin.
Matapos ang matagumpay na story conference ay nagsi-alisan na ang iba. Nagmamadali pa nga si Carty dahil may taping pa raw ito sa teleserye kung saan ito ang bida.
Agad naman akong nagpaala kay Boss na mauna silang umuwi dahil may dadaanan pa ako which is TOP by the way. Gusto ko syang kausapin ng mag-isa eh kaya naman ng lumabas siya ay agad na akong lumabas ng room at saka sinundan siya. ang lalaki ng hakbang nya at may kasama pa syang dalawang lalaki na mukhang bodyguards niya.
Nang makasakay sila sa elevator ay sasakay na sana ako kaso sumara na yon at nakita ko na patungo yon sa may basement kung saan ang parking lot. Agad akong bumaba ng hagdan mula 5th floor ay bumaba ako hangga basement. Pawisan na ako ng makababa ako gn basement. Nakita ko si TOP na naglalakad. Nauna na ang dalawang bodyguard nito.
Agad akong tumakbo kahit na halos mapudpod na ang heels ko na di naman kataasan sa katatakbo.
“TOP” tawag ko sakanya.
Huminto siya at lumingon sakin. Agad akong tumakbo palapit sakanya pero huminto ako ng nasa tapat na niya ako. I saw him look at me with a questionable look.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014