-5-

553 13 0
                                    

CHAPTER FIVE

Carmela

Pauwi na ako ng bahay pero hanggang ngayon wala paring text sakin si JV. Buong araw syang di nagpakita sa akin samantalang dati kapag di niya ako naihahatid ay magtetext siya at susunduin niya ako o kaya ay magla-lunch kami ng sabay pero ngayon buong araw ay ni anino niya di ko nakita.

“Wala ka yatang sundo ngayon?” tanong sakin ni Ate Betty.

“Busy lang po si JV” sagot ko. Baka nga busy siya at di niya ako magawang tawagan o itext man lang.

“Baka kasi nagsawa na siya” sabi naman ni Ate Betty.

Napakunot-noo akong tumingin sakanya habang naghihintay kami ng jeep.

“Nagsasawa na syang mahalin ka. Minsan kasi nakakapagod din yong nagmamahal ka sa isang taong di mo alam kung may katugon ang pagmamahal mo” sabi niya.

Close kami ni Ate Betty kaya medyo nakwe-kwento ko sakanya lahat pero syempre hindi ko sinabi na ang tinutukoy kong lalaking mahal ko ay si TOP. Sinabi ko lang na ibang tao siya.

“Ate Betty ano ba yang sinasabi nyo. Magkaibigan lang kami ni JV” sabi ko naman sakanya.

“Alam mo kasi, Carms. Buksan mo ang mga mata mo ng makita mo rin  ang nakikita ng iba. Oh siya andyan na yong jeep na sasakyan ko. Bye” sabi niya saka na nagpaalam at naglakad palapit sa Jeep.

Nakatunganga lang ako roon habang ipinoproseso ng isipan ko ang sinabi ni Ate Betty. Buksan ang mata ko? Ano naman ang makikita ko?

Nang may humintong Jeep ay sasakay na sana ako kaso naisipan ko na di muna umuwi. Kelangan kong makita si JV. Gusto kong malaman kung okay ba siya.  Agad akong nagpara ng taxi at saka sumakay na roon. Pupuntahan ko si JV sa restaurant ni Ate Jo.

 

JV

“Ano ba, JV. Kanina ka pa nakakatitig dyan sa cellhpone mo ha? Bakit di mo kaya siya tawagan at itext para di ka ganyang aligaga sa pagtingin sa cellphone mo?” sermon sakin ni Ate Jo habang nakaupo ako sa couch ng office at saya ay nasa may swivel chair at nakatingin sa papel na nasa harapan niya.

Kanina pa niya ako sinisermunan mula sa pag-inom ko kagabi at ngayon ay ang pagtitig ko sa cellphone ko. D@mn. I want to call her pero sinisigaw ng isip ko na wag. Dahil masakit parin sakin yong kagabi. Yong pag-confess niya kung gaano niya kamahal si TOP.

“Don’t tell me sumusuko kana?” tanong niya kaya napaangat ako ng tingin.

“D@mn. Napagod lang akong mahalin sya pero di ibig sabihin non ay susuko na ako” sabi ko.

Agad akong tumayo. Ngayon na ang uwian niya. Sa tuwing ganitong oras ay nasa daan na ako at excited akong sunduin siya but now, hindi ko ginawa yon. I want to rest my heart dahil nakakapagod na rin syang mahalin. Pero agad akong naupo ulit. D@mn. Isang araw lang, JV. Isang araw lang naman na di siya makikita eh.

“Ewan ko sayo, JV” sabi ni Ate Jo at saka tumayo sa kinauupan at lumabas ng office niya.

Nakaupo lang ako habang pinaglalaruan ang cellphone ko. Nate-tempt akong itext siya but No, JV. Don’t you dare to call or even text her.

Biglang bumukas yong office kaya akala ko si Ate Jo yon.

“Kung sesermunan mo na naman ako, Ate. Just please. I don’t have any time for that” sabi ko at saka nag-angat ng tingin.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon