CHAPTER FIFTY ONE
Hindi ko parin mapigilan ang luha ko. Halo-halo ang nararamdaman ko. Tuwa dahil nakita ko na siya pero awa at lungkot dahil sa nangyari sakanya. Feeling ko ay ako ang may kasalanan kung bakit ganito siya ngayon.
"TOP, I'm so sorry. I'm sorry" saad ko sakanya.
Umiling siya saka ako hinaplos ang luha saking pisngi. "I should be the one to say those words. I hurt you so bad, Yeobo. I'm so sorry for that" he said.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko at saka niyakap siya ulit. I miss him so much. Kung pwede lang wag na akong umalis sa tabi niya.
"Stay with me please. Don't leave me again" anas niya sa may tenga ko.
"Hindi na kita iiwan ulit, TOP" saad ko sakanya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng Mama ni TOP.
"The food is ready. Kumain muna tayo" anunsyo niya.
Tumango ako at saka inalalayan si TOP na lumabas ng kwarto niya. Naroon ang Mama nito na naghihintay sa amin.
"Ma, Thank you" sabi ni TOP sa mama nito.
Nakita ko ang pagngiti ng ina ni TOP saka hinawakan ang kamay nito. "I want you to be happy and I know his your happiness" saad nito saka tumingin sakin.
Ngumiti ako sakanya. Masaya ako dahil okay na ako sa Mama ni TOP.
Nang nasa may dining area na kami ay kumain kami roon. Doon ko nakita ang pagngiti ni TOP at pagiging masaya niya ulit habang kausap ang mga kaibigan niya. Hinawakan niya ng mariin ang kamay ko na nasa ibabaw lang ng mesa.
"Are you planning to have an eye operation, TOP?" tanong ni Dae kay TOP.
Nakita ko ang pagpisil niya sa kamay ko. "Yeah. Andito na ang dahilan kung bakit gusto ko ulit makakakita." Saad niya.
Natuwa ako sa sinabi niya. Mag-pa-opera na siya para sakin.
Matapos kumain ay tumambay lang kami sa may sala. Nagkwentuhan lang. Hinila ako ni TOP at doon kami nagtungo sa may mini garden ng beach resort.
"You're leaving again" saad niya.
Sinandal ko ang likod ko sakanya habang ang isang kamay niya ay nasa balikat ko para ako ay akbayan.
"I'm leaving but I will be back, TOP. Hindi na ako aalis ng hindi bumabalik sayo. I will always coming back to you."
"I'm afraid, Yeobo. Pano kung ayaw mo ng bumalik ulit?"
Naramdaman ko ang sakit sa tinig niya. "I will come back, TOP. I promise. I will" saad ko.
Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya katulad ng sakin. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
"TOP"
"Hmmm"
"I heard divorce na kayo ni Jessy"
Natahimik siya sa sinabi ko. pero mayamaya ay naramdaman kong pinisil niya ang kamay ko. "Yeah we got divorce a year ago."
"P-pano? Paano mo siya napapayag? Akala ko ba?"
"Akala ko rin aayaw na siya. Pero nong umalis ka, I was so devastated. Laging akong umiinom at lagi kitang hinahanap kung saan. Maybe she got tired of me that's why she choose to leave me and got me divorce. Tinanggap niya na hindi kami pwede kasi ikaw ang mahal ko. At ikaw lang mamahalin ko" saad niya.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014
