CHAPTER THIRTY SEVEN
Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at gusto kong kausapin si TOP. Masakit malaman ang totoo pero hanggang kelan ako magpapakabulag. Ito ba yong tinutukoy niya na di niya masabi-sabi sakin? Na aayusin niya bago niya sabihin sakin? Kelan pa niya sasabihin sakin kapag sobra-sobra na akong nagpakatanga ganun ba iyon?
Pinili ko na lang na makipagkita kay TOP kinabukasan ngunit hindi sa condo unit niya baka naroon ang asawa nito. Mas pinili ko na lang na makausap siya sa lugar kung saan kami lang dalawa. Kaya I choose to meet him at the park at exactly 7pm. Ayokong may makakita sa amin at higit sa lahat gusto ko kaming dalawa lang.
Narito na ako sa park malapit lamang sa subdivision namin. nakaupo sa may swing at hinihintay siya.
Malamig ang hanging dumadampi sa akin ng marinig ko ang yabag na palapit sakin. Napaangat ako ng tingin at nakita ko si TOP na naglalakad palapit sakin. Naka-white v-neck shirt siya at saka maong pants. Naglalakad siya palapit sakin habang di niya tinatanggal ang pagkakatitig niya sa mga mata ko.
Halos yong pintig ng puso ko na lamang ang naririnig ko ngayon na mabilis na tumitibok-tibok.
“Yeobo” mahina ngunit dinig kong sabi niya nang nasa harapan ko na siya at nakatunghay sakin.
Yong mga mata niya ay malungkot. Sobrang lungkot.
“TOP, Let’s talk” saad ko.
Naupo siya sa may tabi ko sa swing. Naramdaman ko ang mabigat nyang paghinga.
“Ang dami kong gustong itanong, TOP. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Please, I want to know e-everything” saad ko sakanya.
Di siya makatingin sakin. Siguro ay nagi-guilty siya.
“I-I’m sorry” yon ang isa sa mga ayaw kong marinig sakanya. Saying sorry. Sorry for what???“B-bakit di mo sinabi sakin n-na m-may asawa ka na pala? T-totoo bang asawa mo siya?” tanong ko sakanya.
Nakagat ko ng mariing ang labi ko. Di ko alam kung paano ko nasabi ang katagang ‘asawa’ sakanya.
“Jessy is my wife” he confirmed.
Halos di ako makahinga sa sinabi niya sakin . Parang winawasak unti-unti ang puso ko sa sinagot niya.
“I choose not tell coz I know you’ll get hurt. Magagalit ka sakin. I don’t want it to happen again, Yeobo.”
Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Iniiwasang wag umiyak sa harapan niya. Yong feeling na inaamin niya sayo ang lahat at ganito ang nararamdaman mo. Yong gusto mong malaman pero ayaw mong maniwala kasi yong sinasabi niya sayo ay purong katotohanan na. Kung pwede lang sana nananaginip lang ako na pag gising ko wala talaga syang asawa eh. Pero heto? Asa harapan ko siya at nakatingin sakin.
“I-I tried to set you free. I tried to move on. Pero ikaw parin ang hinahanap-hanap ko. I don’t want anyone except to get near you. I want you for myself. Pinilit kong layuan ka but I can’t help it. God! I know I’m gonna hurt you big time but if this is the only way to be with you” narinig ko ang pagpiyok ng boses niya ng muli syang magsalita. “I-I’m so sorry. I’m sorry”.
“T-TOP, ito ba yong ayaw mong sabihin sakin? Ito ba yon? D@mn it. Ano pang dapat kong malaman? Ilang taon na kayong kasal?” tanong ko sakanya. Di ko na napigilan ang sarili kong sumigaw.
Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Sh*t!
“3 years.” Sagot niya.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kusang lumabas mula sa mga mata ko ang luha kanina ko pa pinipigilan. 3 years?! D@mn those 3 years! Tatlong taon na silang kasal? Kung alam lang ni TOP kung anong pinagdaanan ko sa 3 taon na nawala siya samantalang siya may asawa na?! D@mn it!
“H-Have you slept with her?” di ko alam kung bakit yon ang tanong ko. Siguro ay gulong-gulo na ang isip ko. Siguro gusto ko ng malaman ang lahat-lahat. Kahit masakit. Gusto kong malaman.
Hindi siya sumagot. Nag-iwas siya ng tingin.
“So? You slept with her” halos pabulong ko ng sabi dahil di ko kayang imagine-in si TOP kasama ang babaeng yon sa iisang kama.
My ghad… I … I can’t think anymore. I reserved myself to him yet he just slept with another woman. Gusto kong magmura.
“I-I’m sorry” yan ang tanging nasabi niya sakin.
I want to shout at him. Sorry? T@ng-*na?! ANong magagawa ng sorry na yan sa nadurog ko ng puso?
He held my hand. Pero tinanggal ko yon. I don’t want him to touch me. Yong mga kamay niya. Yong lahat ng sakanya? Lahat pala ng yon di ko pag-aari. Pag-aari na yong ng ‘asawa’ niya. I’m a fool.
“D-don’t touch me. Y-you fooled me, TOP? Alam mo kung anong masakit? Yong di ko alam kung anong nangyayari! Limang taon akong nagtiis at naghintay para makita ka kasi umasa ako sa pangako mo na pag bumalik ka, tayo ulit. Pero TOP, niloko mo ako eh. May asawa ka na. Siya dapat ang minamahal mo. h-hindi ako” saad ko sakanya.
He wanted to touch me but I refused. Di ko pa kaya. Ayokong hawakan niya ako dahil alam ko na lalambot na naman ang puso ko para sakanya.
“I don’t love her, Yeobo. Ikaw ang mahal ko. Please. Stay with me” sabi niya. Yong mga mata niya ay parang naiiyak na.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko at pinahid yong luha sa mga mata ko. No! I don’t want to be a mistress. Ayokong makasira ng relasyon ng iba.
Umiling ako at tumingin kay TOP. “I-I can’t. Si Jessy ang asawa mo, TOP. Siya dapat ang mahalin mo. Siya dapat ang alagaan mo. W-wag ako” saad ko at saka na naglakad palayo.
I gave up. I gave up all my love for TOP. Siguro ito na yong huli. Ito na yong huli. God, please sa limang taon kong naghintay sakanya bakit ganito? Bakit hindi parin pwedeng maging kami? Akala ko ba pag dumating siya tamang oras na yon? Bakit di parin pala? Why is this happening to me? Bakit ako?
Di ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin ng di nakikita ni Mama at Papa na namumugto ang mga mata ko at namumula ang ilong ko. Naupo ako sa kama ng kwarto ko.
I have many reasons to stay, TOP but I also have one reason not to… I’m sorry.
***
Ang bigat ng pakiramdam ko kinabukasan. Akala ko ay nanaginip lang ako sa nangyari kagabi. Hindi pala. Lahat ng sinabi ni TOP ay totoo. All of it is real. Na asawa niya si Jessy.
I checked my cellphone. Puro miscalls galing kay TOP. I just ignored it. Pumunta ako ng banyo at tinignan ang mga mata kong namumugto. So totoo nga talaga na umiyak ako kagabi. Umiyak na naman ako. Hanggang kelan pa ba? Hanggang kelan pa ba dapat ako iiyak?
Limang taon akong nasa moving on process at doon ay kasama ko si JV. Ngayon? Wala na siya. Wala na akong kasama.
“Carms, Okay ka lang??” tanong sakin ni Ate Betty.
Ngumiti lang ako pero alam ko na di umaabot yon sa mga mata ko.
“Okay lang ako, ate. San pala kayo mamaya ni Sir Roger?” tanong ko sakanya.Mamaya ay pupunta sila ng isang resto-bar para i-celebrate ang birthday ng isa sa mga kasamahan namin sa trabaho. Lahat ay invited.
“Basta, pumunta ka mamaya ha” sabi niya saka ngumisi sakin bago umalis.
Wala na sana akong balak pumunta dahil pagod ako sa trabaho at di ako nagpa-party kaso hinila na lang ako ni Ate Betty bago pa ako makalabas ng Municipal Hall.
Nakasuot ako ng isang sleeveless red top at saka skinny pants na pinahiram sakin ni Ate Betty dahil wala nga akong dalang damit. Nagtext pa ako kay Mama na magagabihan ng uwi.
“Grabe ang ganda mo sa suot na yan” sabi ni Ate Betty habang inaayusan ako.
Di sana ako magpapaayos kaso makulit siya at di niya ako tatantanan.
“Let’s go to the party” sabi niya at saka na ako hinila sa sasakyan niya para makapunta sa resto/bar.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014