-47-

519 14 1
                                    

CHAPTER FORTY SEVEN

Napatingin ako sa simbahan kung saan kami unang nagkita. Ito yong upuan kung saan una ko syang nakausap, nakilala. Pakiramdam ko bumalik ako sa nakaraan kung saan una kaming nagkita. Parang de javu.

Naupo ako sa may bench. Wala masyadong tao ngayon dahil hindi naman Sunday. Nagtungo ako rito para alalahanin siya. Para alalahin ang alaala niya. Namin.

I came back because my heart leads me here. Parang may sariling utak ang puso ko kung saan ko matatagpuan ang kasiyahan. Kasiyahan na yon. Yon ay yong mga times na magkasama kami. Yon ay yong mga alaala na kasama ko siya.

Tinignan ko kung paano lumubog ang araw at kung paano dumilim ang kalangitan. Pakiramdam katulad din siya ng buhay ko. Lumubog at biglang dumilim. Kahit malamig ang simoy ng hangin ay di parin ako nagpatinag. Naupo lang ako at pinakiramdaman ang lugar na ito. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.

Napatingin ako ng isa-isang nag-switch ang ilaw mula sa streetlights at establishments na katabi lamang ng simbahan.

Tumingala ako saka tumingin sa mga bituin sa kalangitaan. Para syang isang bituin kahit humiling ka pa ng sobrang dami di yon mapagbibigyan. Mahirap syang maabot at sungkitin. Napakahirap…

Kinagat ko ng mariin ang aking labi… At saka niyakap ang aking sarili. Kung andito lamang sana siya ngayon. Piping hiling ko sa aking sarili.Pumikit ako.

“Yeobo”

Naririnig ko parin ang pagtawag niya sakin kahit ako ay nakapikit. Palakas ng palakas. Parang palapit ng palapit…

“Yeobo”

Napamulat ako at nakita ko syang nasa harapan ko. Agad akong kumurap. Baka panaginip lamang ito o kaya ay dinadaya lamang ako ng aking mga mata.

“Oppa” Tawag ko sakanya.

Ngumiti siya at bigla niya akong niyakap. I am not hallucinating. This is real. He’s real. He’s here. Gusto kong tumalon sa sobrang saya. Andito siya. He’s in front of me, hugging me. I can feel his warm against my skin. Tumulo na ang kanina ko pa pinipigilang luha.

“I’m sorry. I’m sorry” Those words he said. Those words made me cry harder.

“I love you” saad niya mula sa aking tenga.

I can feel my heartbeat everywhere even in my toes.

“I love you, too…” saad ko.

Napahinto ako sa pagtipa ng END ng marinig ang boses ni Auntie Da.

“Bakit andyan ka pa sa labas?” tanong niya saka naman naglakad patungo sa may bahay kubo kung saan ako naroroon.

Sinave ko na muna ang Microsoft at saka yon sinara. Naupo si Auntie sa tabi ko.

“Gabi na. Bakit di ka pa natutulog?” tanong niya sakin.

Ngumiti ako sakanya. “Di pa naman ako inaantok, Auntie” saad ko.

Kahit na naka-pajama na ako ay di ko parin feel na matulog siguro dahil marami pang inaalala ang utak ko. Tumingin ako ay Auntie. Si Auntie Da ang pinaka-close ko sa lahat ng Auntie ko. Lahat ay shini-share ko sakanya maliban na lang noong nagkaroon na siya ng asawa dahil malayo na ang tirahan nila sa amin. Naisip ko tuloy yong tanong ko dati kay Auntie na pinagtalunan namin.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon