-15-

502 12 2
                                        

CHAPTER FIFTEEN

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa may bewang ko at yong kamay ko naman ay nasa may balikat niya. Matangkad siya katulad ni TOP pero mas matangkad parin ng ilang inch si TOP kesa kay JV. Nakatingala ako kay JV dahil hanggang sa may baba lang niya ako.

Nakangisi siya sakin habang malumanay na sumasayaw sa saliw ng mabagal na kanta. Ang daming napapatingin saamin. Nakikita ko sila gamit ang peripheral vision kaya alam ko. Hindi ko alam kung saan sila naiintriga sa lalaking katabi ko ba o dahil naka dark glasses parin siya kahit pagabi na.
“Pinagtitinginan na tayo. Upo na tayo” sabi ko sakanya. Pero umiling lang siya. di ko alam kung tinitignan niya ba ako dahil sa dark glasses na suot niya kaya di ko maaninag ang mga mata niya.

Naramdaman ko yong hininga niya ng lumapit yong mukha niya sa tabi ng tenga ko.

“I wish this is not a dream” narinig kong sabi niya sa may tenga ko.

Di ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nabigla ako. Narinig kong tumawa siya at saka inilayo ang mukha sa sa tenga ko. Maya-maya ay narinig ko ang sinabi niya.

“Upo na tayo” sabi niya at nauna na syang naupo. Para akong natuklaw ng ahas na nakatayo roon. Napakurap ako at saka sumunod sakanya na naupo rin.

Narinig ko si Mama na sinasabi kay Papa na uuwi na kami. Yong ibang mga kamag-anak namin ay dito raw makikitulog. Di naman pwedeng dito kami makitulog dahil may sarili naman kaming bahay.

Nakita kong tumayo si Mama at nilapitan ako.

“Sabihin mo sa Papa mo na uuwi na tayo. Ang tigas ng ulo. Ayaw umuwi.” Sabi ni Mama. Medyo mahina yong boses niya para di marinig ng iba. Malakas naman ang tugtog kaya siguro ay di iyon maririnig.

Agad akong tumayo at saka nilapitan si Papa na umiinom parin at nakikipagkwentuhan sa mga kainuman niya.

“Pa. uwi na tayo. lasing ka na oh” sabi ko sakanila.

Nakita ko na gumawi siya ng tingin kay JV. Mukhang nahiya ata kaya nag-paalam na siya sa mga kainuman niya. at tumayo na.

Nagpaalam na kami sa kanila at saka nagtungo na sa labas kung saan nakapark ang sasakyan ni Papa. Nag-volunteer si JV na siya na ang mag-da-drive siguro nasense niya na lasing na nga si Papa. Naupo sila sa may back seat at ako ay sa may front seat. Ako kasi ang magsasabi ng daan kay JV. Kabisado ko pa naman kahit matagal na akong nawala rito.

Nakauwi rin kami ng matiwasay. Ipinark ni JV ang sasakyan sa garahe. At saka naman bumaba na sina Mama at Papa para pumasok sa loob. Naiwan kami ni JV na nakatayo sa may veranda ng bahay. Binigay niya sakin yong susi pagkatapos nyang i-lock ang sasakyan.

“Sorry ah. ikaw pa tuloy yong nag-drive. Ang hilig kasing uminom ni Papa.” Sabi ko sakanya.

Humilig siya sa pader at saka tumingin sakin na nakaupo sa may rocking chair.

“Kung babalik si TOP? anong gagawin mo?” he asked out of nowhere.

Nagulat ako sa tanong niya kaya di ako nakapag-isip agad.

“Di ko alam. Marami akong gusto gawin. Sa dami non di ko na alam ang uunahin ko.” Medyo tense na sabi ko.

Honestly wala pa akong naiisip na gagawin o sasabihin kay TOP once na bumalik siya. Di ko alam . Siguro kapag 2 years ago nangyari yon baka may maisagot ako kaso it is already 5 years and counting. Pero di parin siya bumabalik kaya naman di ko na siguro maalala.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon