-1-

864 15 1
                                    

CHAPTER ONE

JV

Kita ko ang lungkot sa mukha ni Carmela habang kasama ko siya ngayong nagkakape sa Starbucks. Akala ko ay magiging saya siya kapag dinala ko siya rito pero di naman pala. Alam ko na nginingitian niya ako para maisip ko na masaya na ulit siya. It has been a week since TOP left. Gusto ko syang tanungin kung talagang okay lang siya pero ayoko namang ipaalala sakanya ang nangyari.

“Uy, JV, bakit natutulala ka dyan”

Di ko napansin na nakatingin na pala siya sakin. Kinumpas pa niya ang kanyang kamay sa harapan ko para makuha ang atensyon ko.

“Wala lang.” sabi ko saka umiling-iling.

“Kelangan ko na palang umalis may klase pa ako eh.” saad niya saka ngumiti sakin. Di man lang umabot sa mga mata niya ang ngiti niya.
“Salamat sa libre” saad niya saka na siya tumayo at kinuha ang bag niya.

Tumayo na rin ako. “Ihatid na kita” sabi ko sakanya.

Palabas na kami ng marinig namin ang usap-usapan ng grupo ng kababaihan sa may table malapit samin.

“Sayang si TOP noh, nakakainis talaga bakit kasi umalis pa siya eh. wala na tuloy leader ang BB”

“Hays kaya nga eh. Miss ko na nga siya eh”

Yan ang mga narinig ko na sabi nila. Alam ko na narinig din yon ni Carmela. At ramdam ko na napatigil siya. Napatingin siya sakin.

“Halika na” aya niya sakin saka siya mabilis na lumabas ng café.

Alam ko hanggang ngayon ay si TOP parin.

Nag-punta ako sa Honda city kung saan nakatayo si Carmela at nakahalukipkip. Nakakunot ang noo niya at habang hinihintay niya ako roon.

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa may front seat at saka na siya pumasok doon. Umikot ako at saka na naupo sa may driver’s seat. Kita ko parin mula rito na nababagabag siya sa sinabi ng babae kanina.

Hinawakan ko ang kamay niya. Malamig yon.

“Carm” tawag ko sakanya.

Napatingin siya sakin kaya naman nakita ko na naluluha na siya.

“Naalala ko na naman siya” saad niya.

“You will never forget him, Carm. What you need is to accept that he’s gone” sabi ko sakanya.

Natahimik siya pero hindi non napigilan ang pagluha sa kanyang mga mata. Kinabig ko siya saka niyakap.

I’m sorry Hyung, I love this girl so much. I don’t want to see her cry. I’ll do everything just to make her happy…

 

CARMELA

Nabigla na lang ako ng yakapin ako ni JV. Isang linggo na palang umalis si TOP pero hanggang ngayon ay ang bigat parin ng dibdib ko. Dala-dala ko parin yong pag-asa na isang araw ay tatawagan niya ako na sasabihin niya na miss na niya ako o di kaya ay bigla syang uuwi dahil di niya kayang mawalay sakin.

Pero alam ko naman na hindi mangyayari yon. Ilusyunada lang talaga ako na mangyayari ang bagay na yon.

Nang marinig ko ang pangalan ni TOP kanina, naalala ko na naman siya. Naalala ko na naman yong bagay na ginagawa namin, yong nakasanayan naming gawin. Yong pagtetext niya sakin o di kaya’y pagtawag niya, yong pagsulpot niya sa harapan ko at pagtangay sakin para ipasyal sa ibang lugar. Lahat ng yon ay namimiss ko na at gusto ko yong balikan.

Gusto kong balikan yong mga panahon na kasama ko pa siya. Sana sinulit ko na lang ang mga araw na yon. Kung alam ko lang na aalis siya.

Tama si JV. Hinding-hindi ko makakalimutan si TOP. Kelangan siguro ay matanggap ko na umalis na siya. Na di na siya babalik pa.

Alam ko na pag umasa ako ay ako lang naman ang masasaktan eh. Ako lang naman.

***

Ang daming nangyari simula nang umalis si TOP. Isang taon matapos syang umalis ay na-disband na ang Boys’ Beloved. Mula ng umalis si TOP ay di sila humanap ng ibang myembro ng BB. Naging leader na si JV ngunit hindi parin napatayan yon noong si TOP pa ang leader ng BB.

Nagpasyang mag-disband ang BB dahil aalis na sa grupo si Dae. Matapos naming magtapos ng college ni Delaney ay dinala na niya ito sa France dahil naroon na lahat ng pamilya nila. Doon na rind aw sila mag-aaral na magkapatid. Pangarap na noon pa ni Dae na mag-aral doon sa France kaya masaya ang buong BB dahil matutupad na niya rin sa wakas ang pangarap niya.

Mahirap isipin na umalis na si Dae ay kasabay pa noon ang pagpasyang magpa-settle down nina Tobi at Merry at sina Sun at Alice naman ay mayroon ng sariling negosyo na inaasikaso.

At si JV siya lang ang tanging naiwan sa industriya. Paminsan-minsan ay nagmomodel siya o di kaya ay uma-acting pero mas devoted siya ngayon sa restaurant ng Ate Jo niya. kasama na niya si Ate Jo sa pagpapalaganap ng kanilang family business.

Lumipas ang ilang taon…

Ang daming nangyari. Ang daming nagbago noong umalis siya.. Iisa lang siguro ang hindi nagbabago yon ay ang nararamdaman ko para sakanya.

“Carms, kelan mo ba tatapusin ang book 2 ng nobela mo?” tanong sakin ni Green.

Narito kami sa may True brew café sa may tabi ng publishing company kung saan na-published ang nobelang nasulat ko nakaraang taon sa isang online site.

“Di ko pa alam kung anong mangyayari eh” totoo ang sinabi ko sakanya. Wala pa akong naiisip na mangyayari sa nobela ko.

“Dyosko day naman. dapat naman may book 2 na agad-agad tas dapat sa book 2 ay binalikan niya na si Elle” sambit niya sa pangalan ng bida sa nobela ko.

Yon nga ang problema ko eh, ang tatanong babalik pa kaya siya? babalikan pa ba niya si Elle? Yan ang gusto kong sabihin kay Green pero hindi ko na ginawa.

Ang nobelang sinulat ko last year ay binase ko sa totoong buhay na nangyari sakin. Simula ng umalis si TOP ay ang dami kong nadiskubre sa sarili ko. Isa na roon ang pagsusulat ko. Siguro dahil nag-i-ilusyon na naman ako na babalikan niya rin ako sa tamang panahon kayak o nagawa ang nobelang yon.

Limang taon na ang nakararaan. Limang taon na akong naghihintay sakanya. Oo, natanggap ko na pero di ko parin mapigilan ang sarili ko na umasa na baling araw ay babalik siya na babalikan niya ako.

“Tulala lang ang peg?!” sabi ni Green sabay irap sakin.

Buti na lang at nagkita ulit kami ni Green dito sa Maynila. Akala ko talaga ay di ko na siya makikita ni Haiti pero akalain mo nga namang maliit ang mundo na sa iisang publishing house lang pala kami magkikita-kita. Katulad ko rin ay writers din sila ng Sweet Romance ang publishing company na pinagsusulatan ko.

Nagbuga ako ng hangin saka tumingin sakanya.

“Di pa ako sigurado. Ewan ko pa” saad ko sakanya.

“Alam mo, friend. sana naman di maging tragedy ang love story nina Elle at Kris noh. Super love pa naman silang dalawa” sabi ni Haiti.

Umiling-iling na lang ako. “Sana nga. Sana nga balikan ni Kris si Elle.” Saad ko sakanya.

“Dapat lang noh. In the first place hindi naman dapat niya iniwan si Elle ng ganun eh. If he loves her, he will find a way” sabi ni Green.

Napaisip ako sa sinabi niya. If TOP loves me, he’ll find a way to be with me… 

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon