-9-

529 11 0
                                    

CHAPTER NINE

Carmela

Pabiling-biling ako sa kama dahil di ako makatulog. Siguro dahil namamahay ako. Napatingin ako sa natutulog na si JV na nakatalikod sakin. Tulog parin siya sofa. Agad akong tumayo at saka nagpunta sa may veranda ng kwarto.  Malakas ang hanging dumadampi sakin kaya niyakap ko ang sarili ko habang nakatanaw sa malaking pool ng bahay nila Merry. Naka-ilaw pa ang ilaw sa poste roon at may dalawang nakaupo sa may gilid na tila naghaharutan. Nakita ko na sina Merry at Tobi yon habang nagkikilitian. Rinig ko ang mahinang tawa ni Merry. Pigil na pigil yon upang di maka-istorbo sa ibang tao.

Nakakainggit na tignan sina Merry at Tobi roon. Masayang-masaya silang magkasama. Naalala ko tuloy noon kung saan laging busy ang BB at busy rin si Merry sa trabaho nito. Nakakatuwa kasi kahit pareho silang busy ay gumagawa ang sila sa kanila ng paraan para makasama ang isa’t-isa pero ngayon di na nila kelangan yon dahil nasa iisang bahay na lang sila at marami na rin silang oras na magkasama. Kung sana ay ganoon din kami ni TOP.

Tumingala ako sa itim na langit na taningin liwanag lang na nanggaling sa may bilog na buwan. Dati sa tuwing nag-iisa ako at napapatingin sa langit at pag nakakita ako ng lumilipad na eroplano ay inaasam ko na sana sakay non si TOP na uuwi siya at magkikita na kami pero syempre alam kung imposible namang mangyari iyon kaya naman tumigil na ako sa pag-aasam na mangyari pa ang bagay na yon.

Isang kumikinang na butuin ang nakita kong patuloy sa pagkislap. Sabi nila matagal na raw patay ang butuin na yon bago ka pa makapaghiling. Pero syempre gusto kong subukan pano kung magkatotoo hindi ba?

Sana bumalik na si TOPnakapikit kong hiling. Pero maya-maya ay isang mapait na ngiti ang iginawad ko. Alam ko na napakaimposibleng mangyari yon. At saka sinabi ko na kay JV na mag-mo-move on na ako kay TOP. Dahil sobra na ang pag-asa ko na babalikan pa niya ako.

“Bakit gising ka pa?”

Napatalon ako sa gulat ng marinig ang boses na yon sa likuran ko. Napatingin ako kay JV na nakatingin ng malalim sakin.

“Nakakagulat ka naman. Ahmm. Di ako makatulog”pag-aming sagot ko.

“Sorry. di kaba kumportableng may kasama kang lalaki sa pagtulog?” tanong niya.

Umiling ako. “Hindi. Namamahay lang ako” sabi ko saka na tinalikuran siya. Agad syang tumabi sakin.

“Akala ko tulog kana” sabi ko sakanya.

Nakita ko na napatingin siya sa akin gamit peripheral vision ko.

“I can’t sleep” sabi niya at saka yong kamay niya ay inunat niya sa harap.

“Parehas pala tayo” sabi ko sakanya at tumingin ulit sa langit.

“Gising pa pala sila Tobi”

Napatingin ako kay JV na nakatingin sa ibaba.

“Lintik. Tinamaan talaga ang loko sa asawa niya” nakangising sabi niya.

“Oo nga eh. Akalain mong magiging matino si Tobi lalo na nong mag-asawa siya” sabi ko.

Agad akong bumaling sakanya. “Ikaw kaya ano kayang hitsura mo pag nag-asawa ka? Siguro under ka sa magiging asawa mo” sabi ko sabay halakhak.

Nakakatuwang isipin si JV na nagseseryoso sa pagiging pamilyadong asawa. Na isang party goer at babaerong lalaking ito ay magiging under ng asawa nito.

Nakita ko ang pag-ngisi niya. “Okay lang maging under para sa babaeng mahal ko” sabi niya sabay tingin sakin.

Tumaas lang ang kilay ko. Talagang in love nga si JV sa isang particular na babae.

HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon