CHAPTER ELEVEN
Carmela
Buong araw ay nakatuon lang isipan ko ay sa trabaho. Walang text o tawag akong natanggap galing kay JV. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung ano ang gagawin o ikikilos ko sa harapan niya. Medyo awkward pa para sakin na pakitunguhan siya lalo na sa mga narinig kong sinabi niya noong nalasing siya. Gusto ko syang i-confront kung totoo yun pero hindi na lang siguro dahil kung aminin man niya iyon ay di ko alam kung anong mangyayari.
Paglabas ko ng Municipal Hall ay siya agad ang nakita ko na nakasandal sa kanyang sasakyan. Naka-cross arms siya at saka nakatungo na para bang may malalim syang iniisip. Di ko alam kung lalapit ba ako o hindi dahil di naman niya ako napapansin dito na nakatayo. Bago pa ako makapagdesisyon ay sumigaw na sa tabi ko si Ate Betty.
“JV”
Agad napalingon sa may direksyon namin si JV. Hindi siya naka-dark glasses kaya naman nakatutok sa akin ang mga mata niya.
“Oh andyan na pala siya eh. Bye Carms” ngiting-ngiting sabi ni Ate Betty sakin bago siya umalis.
Agad nanghina ang mga tuhod ko ng lumapit siya sakin. Nakapamulsa ang isang kamay niya at yong isa ay malaya naman. Nang huminto siya sa harapan ko ay medyo nag-aalinlangan pa yong mga mata nyang tumitingin sakin.
“Hey. Sorry di ako nakapagtext. Busy” sabi niya sakin.
Agad naman akong tumango sa sinabi niya. “Uwi na tayo” sabi ko sakanya.
Dati ay kaya ko pa syang hawakan sa kanyang braso pero ngayon parang kinakabahan ako pag hahawakan ko na siya. Siya ang humawak sa braso ko na ikinabigla ko.
“Let’s go” ngiti niya saka na namin tinahak ang sasakyan niya.
Siguro ay di na niya maalala yong kagabi kaya parang wala lang sakanya. Hays. Carmela ikaw lang naman ang nag-o-over react dyan eh.
Nang makapasok na kami sa kanyang sasakyan ay pinaandar na niya iyon. Walang kibuan sa sasakyan niya. Agad akong tumikhim.
“Ahm. San ka pala busy? May mga project ka ba ngayon?” tanong ko sakanya.
“May nag-offer ng endorsement but let’s see kung tanggapin ko. I’m busy helping Ate Jo. Madami kasing costumers sa restaurant ngayon” sabi niya habang ang paningin niya ay nakatuon lang sa may daan.
“Bakit di mo tanggapin? Ilang months ka na bang walang project ngayon?” tanong ko sakanya.
“Mga 2 months na rin siguro. I don’t know yet. At saka priority ko pa ngayon ay ang business. Why did you ask anyway?”
Agad syang napatingin sakin. “Ahm baka kasi gusto mong i-request kita sa movie ng nobela ko. Well, wala pang contract signing but who knows baka malapit na at baka maghanap sila ng babagay sa role” sabi ko ng di tumitingin sakanya.
Kanina kasing umaga ay kinukulit ako nina Green at Haiti na si JV na lang raw ang i-request ko bilang Kris sa nobela. Sinabi ko na tatanungin ko muna siya if okay lang kay JV.
“Well, of course. Okay lang naman sakin. It’s your novel kaya okay sakin” sabi niya.
Agad akong napatango at saka napatingin sakanya. “Thank you, JV ha!” sabi ko sakanya.
Hindi na siya nakakibo dahil inihinto niya ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant doon.
“Let’s eat first before going home” sabi niya saka na kami bumaba sa sasakyan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23919450-288-k174130.jpg)
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014