CHAPTER TEN
Carmela
“Hello Carms” yan ang bungad sakin ni Ate Jo ng tumawag siya sakin.
Pasado alas-nuebe na kaya naman nagtataka ako kung bakit siya tumawag sakin ngayon. Importante siguro iyon.
“Yes, Ate Jo? Bakit kayo napatawag?” tanong ko agad habang nakaupo ako sa aking study table. Nakabukas pa ang netbook na gamit ko kanina dahil sinusulat ko yong book ng aking nobela.
“Busy ka ba?”
“Hindi naman po” sabi ko habang shina-shut down ko ang netbook ko. Hinihintay ko lang yong mamatay saka ko na tatanggalin sa saksakan.
“Pwede mo bang sunduin sa isang bar si JV. Hindi kasi ako makapunta dahil may event dito sa may restaurant ngayon at di ko maiwan-iwan. Pwede ka ba?” tanong niya sakin.
“Sang bar po ba yon, Ate Jo?” tanong ko agad nang makatayo ako at hinahalughug ang jacket ko sa aking closet. Nang mahanap ko yon ay saka ko sinuot dahil naka-loose shirt lang ako.
“Itetext ko na lang sayo. Thank you talaga, Carms. Sorry sa abala. Lasing na lasing daw kasi siya eh kaya baka di niya kayang magmaneho. Sorry ulit sa istorbo” sabi niya bago tinapos ang tawag.
Nagmamadali akong nagpalit ng pants mula sa pajama ko nang tumunog ang cellphone ko at nagtext si Ate Jo. Binigay niya ang address at napagalaman ko na isang High end bar iyon na para talaga sa mga mayayaman.
Agad kong kinuha yong maliit kong bag na nakasabit sa may likod ng pinto at saka nilagay doon ang wallet ko. Mag-ta-taxi na lang ako papunta roon.
Pagbaba ko ay naka-ilaw pa ang kusina kaya naman napatingin ako roon. Si Papa ang naroon at abala sa pagla-laptop. Agad syang napatingin sa may gawi ko.
“Oh, san ka pupunta? Gabi na ah” usal ni Papa.
“Pa, importante lang kasi eh. Susunduin ko lang po si JV” sabi ko habang kagat ko ang aking labi dahil alam ko na baka di nila ako papayagan.
“Sige. Mag-ingat ka at umuwi ka agad” sabi ni Papa.
Agad akong nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nila at dali-dali na akong lumabas bago pa nila ako tanungin ulit.
Nang makalabas ako ng subdivision ay agad akong pumara ng taxi. Nang huminto ang unang taxi na pinara ko ay agad akong sumakay at saka sinabi ang address. Medyo traffic kaya natagalan ako bago makarating sa paroonan ko.
Nang makababa ako sa mismong address ay nakita ko ang mga mamahaling sasakyan na nakapark sa may gilig ng Bar. Marami rin ang pumapasok at saka naglalabas doon. Malakas ang tugtog kaya pati rito ay dinig ko iyon.
Dali-dali akong pumasok sa loob habang pinagtitinginan ng mga tao dahil sa suot kong damit. Naka-jacket ako at pants lang kaya alam ko na out of place ako sa mga ganitong lugar. Di pa kasi ako nakakapunta maski sa mga cheap na bars kaya di ko alam kung ano ba dapat ang tamang isuot pag nagpaparty.
Gumala ang tingin ko pero di ko maaning ang dinaraanan ko dahil sa malilikot na ilaw ng bar at saka maraming tao ang nadadaanan ko. Sa gilid ay may mga sofa at may mga magkasintahan doon na halos mag-make out na sa paghahalikan nila. Agad akong nag-iwas ng tingin at saka may lumapit pa saking waiter at nag-alok ng vodka pero di ako kumuha dahil hindi ako umiinom. Agad akong nagtungo sa may dance floor para hanapin si JV sa dagat na nagsasayaw doon. Kaso kahit anong linga ko wala akong makita dahil sa dami ng nagsasayaw doon. May isa pa ngang lumapit skain at inaya akong sumayaw pero umiling ako at tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa bewang ko. Agad akong umalis sa dancefloor at nagpunta ako sa may gilid ng bar kung saan naroon ang bar counter.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomansaBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014