CHAPTER EIGHTEEN
Ngayong araw na ito ay ang Family Reunion nila Papa. Minsan lang sila mag-family reunion dahil kauuwi lang ng Kapatid ni Papa na sina Uncle Ben at Uncle June na nagta-trabaho sa Saudi. Nagkaroon ng handaan sa mismong bahay ng Auntie ko sa may Marikina.
Maraming upuuan at mesa ang nakalatag sa kanilang bakanteng garahe na tabi lang ng kanilang bahay ang naabutan namin. Marami na ang tao roon. Actually ay family reunion yon kasama na ang extended family namin. Naroon na rin ang mga pinsan ko na may kanya-kanyang asawa at mga anak na. Mga kamag-anak ng Lola ko na nakatira rin sa Maynila na napasugod doon. lahat kasi sila ay naroon.
Puro batian at kamustahan ang nangyari. Mano rito at mano roon ang nangyari. Pag nakikita nila si JV ay lagi nilang tinatanong kung siya ba yong tinutukoy ni Papa na boyfriend ko. Lagi nga akong naha-hot seat kung kelan daw kami ikakasal. Syempre wala akong maisagot dahil wala naman sa plano namin ni JV iyon. Nakangisi lang si JV at minsan ay sumasagot kapag tinatanong siya ng mga kamag-anak ko.
Naupo kami ni JV sa may bakanteng upuan doon. Sina Mama at Papa kasi ay naupo katabi ng mesa nila Lola at mga Auntie ko at nakikipagkwentuhan.
“ang dami nyong kamag-anak” bulaslas ni JV.
Napangisi lang ako sakanya. “Hahaha oo nga eh” sabi ko.
Maya-maya ay nag-aya na silang kumain. Buffet ang style kaya may pila. Hindi kami nakipila ni JV dahil sina Auntie ay syang kumuha ng makakain namin at nilagay sa may mesa.
“May catering service sila kaya sila lahat ang nagluto nito” sabi k okay JV ng masarapan siya sa pagkain.
Lahat kasi ng kapatid ni Papa ay marunong magluto. Feeling ko tuloy ako lang sa pamilya ang hindi ganun karunong dahil si Mama ay marunong at masarap ding magluto kaya feeling ko talaga di ko namana kahit na sino ang sarap sa pagluluto hanggang pagkain lang talaga ako.
Tahimik lang kaming kumakain ni JV. DI naman kasi ako ganoong ka-close sa mga pinsan at kamag-anak ko kaya di nila ako masyadong nilalapitan at kinakausap. Yong mga Auntie ko lang talaga ang nakikipag-usap sakin. Di kasi ako ganung ka-close sa kanila eh. Mas close ko pang matatawag yong sa mother side talaga.
Matapos kumain ay umalis na rin yong iba kaya kami na lang ang naiwan. Naupo lang kami roon habang kausap nila Auntie sina Mama at Papa. Si Lola naman ay nakaupo roon at nakikinig. Minsan kasi ay tinutupak si Lola. May Alzheimers kasi siya eh.
“Kayong dalawa. Kelan nyo ba balak magpakasal. Aba, Camille, tumatanda kana” diretsahang sabi ni Auntie Lyd sakin.
Kung siguro si TOP ang kasama ko ay sasagot ako ng kahit anong araw. Pero hindi eh. Si JV kasi ang kasama ko at di naman talaga kami ni JV so wala namang magaganap na kasalan. Honestly ay gustong-gusto ko ng sabihin yong totoo kina Mama at Papa kaso humahanap lang ako ng time. Pero syempre di ko sasabihin na all this time ay niloloko namin sila ni JV. Ang sasabihin ko lang ay wala na. Matagal na kaming wala. At friends na lang kami. Kaso bat ang hirap gawin?
“Wala pa sa plano namin yon, Auntie” sabi ko. Ngumisi ako pero alam ko na hilaw na ngisi lang yon.
“Basta, Jasper kapag inaya mong magpakasal itong pamangkin ko dapat mag-manhikan ka rin dito ha” sabi ulit ni Auntie.
Natatawa lang sila sa sinabi ni Auntie. Ako naman ay masyadong nate-tense sa nangyayari. Kasi alam ko naman na di mangyayari yon. Nagi-guilty tuloy ako ng sobra.
“Sige ha, mag-ingat kayo” sabi nila Auntie ng magpaalam na kami na aalis.
Nakipag-beso pa sila sa amin at binantaan pa si JV na wag daw kukupad kupad na alukin ako ng kasal. Gusto tulyo mang-init ng pisngi ko ng sabihin nyang “Okay lang naman sakin kahit bukas agad. Ewan ko lang sakanya”.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014