CHAPTER THIRTY ONE
Nakita ko is JV ng makalabas ako ng Municipal Hall kinabukasan. Uwian na namin at ito nga at nakatayo siya sa tabi ng kanyang sasakyan habang nagtetext. Di niya napansin na nakatingin ako sakanya kaya naman naglakad ako palapit sakanya. Tumikhim ako ng malakas para naman maramdaman niya ang presensya ko. Nagulat siya ng makita akong nasa harapan na niya.
“Carms” mahinang sabi niya sakin.
Nakita ko ang mga mata niya na puyat at mukhang pagod. Siguro ay naging busy siya sa pag-aasikaso ng expansion ng business nila. Ngumiti ako sakanya.
“Kamusta yong business nyo?” tanong ko sakanya.
“It’s okay. Naging successful naman. How about you? Kamusta ka rito?” tanong nito.
Agad akong kinutkot ng aking konsensya. Anong sasabihin ko sakanya na nagkita kami ni TOP?
“A-ayos naman ako, JV.” Sabi ko saka agad na nagiwas ng tingin.
“Kamusta ang pagpunta sa Pampanga?” tanong niya at agad akong napatingin sakanya.
Kinagat ko ng mariin ang labi ko. “Ayun, masaya sina Green at Haiti kasi nakapanood sila. N-nagcheck in kami sa hotel” sabi ko.
“Yon lang?” tanong niya.
“OO” sagot ko.
“Good then lets go” sabi niya saka na kami sumakay ng sasakyan niya.
Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa nararamdam kong guilt. Alam ko na dapat sinabi ko na kay JV na nagkausap kami ni TOP pero alam ko naman na magagalit siya sakin at masasaktan ko na naman siya dahil sinira ko yong pangako ko sakanya.
“Are you okay, Carms?” tanogn niya sakin.
Naaptingin ako sakanya saka tumango. Wala akong makapang topic na maari naming pagkwentuhan di katulad ng dati.
“There is something I want to tell you” sabi niya.
Tumingin ako sakanya. “Ano yon?”
“Nakauwi na sina Dae at Delaney” sabi niya.
Nong una ay di nagsink in sa utak ko yong sinabi niya pero maya-maya ay. “Umuwi na sila? As in? Kelan pa?” tanong ko.
Sobrang excited akong makita si Delaney. Limang taon ba naman kaming di nagkita eh.
“Kagabi pa. Hindi ko nasabi sayo kasi alam kong tulog kana non. By the way they invite us. May roon silang gaganaping pool party sa bahay nila this coming Saturday.” Sabi niya.
“Talaga? Ang daya ni Delaney. Bat di niya sinabi na uuwi siya?” tanong ko lalo sa aking sarili.
“Maybe she wants to surprise you” sabi nito.
Agad akong nagkibit balikat saka naupo ng maayos sa front seat.
“Sino-sino ang pupunta sa pool party?” tanong ko.
“BB members and their wife and girlfriends” sagot ni JV.
“Pati si TOP pupunta?”
Agad syang lumingon sakin. “Of course, kasama siya sa BB. ALam na ni Dae na nakauwi na siya” sabi nito.
Tumango-tango na lang ako. Mukhang magkikita kami ni TOP ngayong sabado. At di ko alam kung anogn gagawin ko. Sana nakapag-isip na ako sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
HSGf 2: Her Mending Heart (FIN)
RomanceBOOK 2 OF HIS SECRET GIRLFRIEND (FIN) Story written by Leafika Jaey © 2014